Job 42:1-17

42  Sumagot si Job kay Jehova:  2  “Alam ko na ngayon na kaya mong gawin ang lahat ng bagay,At lahat ng naiisip mong gawin ay hindi imposible para sa iyo.+  3  Sinabi mo, ‘Sino ba itong nagpapalabo ng payo ko nang walang alam?’+ Totoo, nagsalita ako kahit wala akong alamTungkol sa mga bagay na masyadong kamangha-mangha para sa akin, na hindi ko naiintindihan.+  4  Sinabi mo, ‘Makinig ka, pakisuyo, at magsasalita ako. Tatanungin kita, at sagutin mo ako.’+  5  Narinig ng mga tainga ko ang tungkol sa iyo,Pero ngayon ay nakikita ka na ng aking mga mata.  6  Kaya binabawi ko na ang sinabi ko,+At uupo ako sa alabok at abo para ipakita ang pagsisisi ko.”+ 7  Matapos makipag-usap si Jehova kay Job, sinabi ni Jehova kay Elipaz na Temanita: “Galit na galit ako sa iyo at sa dalawa mong kasama,+ dahil hindi ninyo sinabi ang katotohanan tungkol sa akin,+ di-gaya ng ginawa ng lingkod kong si Job. 8  Kaya kumuha kayo ng pitong toro at pitong lalaking tupa at puntahan ninyo ang lingkod kong si Job, at maghandog kayo ng haing sinusunog para sa sarili ninyo. Ipapanalangin kayo ng lingkod kong si Job.+ Tatanggapin ko ang hiling niya na* huwag kayong hiyain dahil sa kamangmangan ninyo, dahil hindi ninyo sinabi ang katotohanan tungkol sa akin, di-gaya ng ginawa ng lingkod kong si Job.” 9  Kaya umalis sina Elipaz na Temanita, Bildad na Shuhita, at Zopar na Naamatita, at ginawa nila ang iniutos ni Jehova. At tinanggap ni Jehova ang panalangin ni Job. 10  Matapos ipanalangin ni Job ang mga kasamahan niya,+ inalis ni Jehova ang kapighatian niya+ at ibinalik ang kasaganaan niya.* Dinoble ni Jehova ang pag-aari ni Job noon.+ 11  Nagpuntahan sa kaniya ang lahat ng kapatid niyang lalaki at babae at lahat ng dati pa niyang kaibigan,+ at magkakasama silang kumain sa bahay niya. Dinamayan nila siya at inaliw dahil sa lahat ng kapahamakang ipinahintulot ni Jehova na danasin niya. Bawat isa sa kanila ay nagregalo sa kaniya ng pera at isang gintong singsing. 12  Kaya mas pinagpala ni Jehova ang huling bahagi ng buhay ni Job kaysa sa pasimula,+ at nagkaroon si Job ng 14,000 tupa, 6,000 kamelyo, 1,000 pares ng baka, at 1,000 babaeng asno.+ 13  Nagkaroon din siya ng pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae.+ 14  Pinangalanan niyang Jemaima ang panganay na babae, Kezia ang ikalawa, at Keren-hapuc ang ikatlo. 15  Sa buong lupain, walang kasingganda ang mga anak na babae ni Job, at binigyan sila ng mana ng kanilang ama gaya ng mga kapatid nilang lalaki. 16  Pagkatapos, nabuhay pa si Job ng 140 taon, at nakita niya ang kaniyang mga anak at apo—apat na henerasyon. 17  Nang bandang huli, namatay si Job, matapos masiyahan sa mahabang buhay.*

Talababa

Lit., “Tiyak na itataas ko ang mukha niya para.”
Lit., “binaligtad ni Jehova ang pagkakabihag ni Job.”
Lit., “matanda na at puspos ng mga araw.”

Study Notes

Media