Joel 3:1-21
3 “Dahil sa mga araw na iyon at sa panahong iyon,Kapag ibinalik ko ang mga nabihag sa Juda at Jerusalem,+
2 Titipunin ko rin ang lahat ng bansaAt ibababa sila sa Lambak* ni Jehosapat.*
Hahatulan ko sila roon+Alang-alang sa aking bayan at sa Israel na pag-aari ko,Dahil pinangalat nila ang mga ito sa mga bansa,At pinaghati-hatian nila ang lupain ko.+
3 Dahil pinagpalabunutan nila ang bayan ko;+Ibinibigay nila ang batang lalaki kapalit ng babaeng bayaran,At ang batang babae kapalit ng alak.
4 At ano ang problema ninyo sa akin,O Tiro at Sidon at lahat ng rehiyon sa Filistia?
May nagawa ba akong masama sa inyo at ginagantihan ninyo ako?
Kung ginagantihan ninyo ako,
Agad-agad ko kayong gagantihan ayon sa mga ginawa ninyo.+
5 Dahil kinuha ninyo ang aking pilak at ginto,+At dinala ninyo sa inyong mga templo ang pinakamahahalaga kong kayamanan;
6 At ibinenta ninyo sa mga Griego ang mga nasa Juda at Jerusalem,+Para ilayo sila sa teritoryo nila;
7 Pero ibabalik ko sila mula sa lugar na pinagbentahan ninyo sa kanila,+At gagantihan ko kayo ayon sa mga ginawa ninyo.
8 Ipagbibili ko ang inyong mga anak na lalaki at babae sa mga taga-Juda,+At ipagbibili nila ang mga ito sa mga taga-Sheba, sa isang malayong bansa;Dahil si Jehova mismo ang nagsabi nito.
9 Ihayag ninyo ito sa gitna ng mga bansa:+
‘Maghanda kayo para sa* digmaan! Pakilusin ninyo ang malalakas na lalaki!
Palapitin ang lahat ng sundalo, at palusubin sila!+
10 Pukpukin ninyo ang inyong araro* para gawing espada at ang inyong karit para gawing sibat.
Sabihin ng mahina: “Malakas ako.”
11 Lahat kayong mga bansa sa palibot, magtipon kayo at tumulong!’”+
Sa lugar na iyon, O Jehova, pababain mo ang iyong mga mandirigma.*
12 “Magtipon ang mga bansa at pumunta sa Lambak* ni Jehosapat;Dahil doon ako uupo para hatulan ang lahat ng bansa sa palibot.+
13 Gumapas kayo gamit ang karit, dahil hinog na ang aanihin.
Bumaba kayo at magpisa ng ubas, dahil punô na ang pisaan.+
Umaapaw na ang mga tangke, dahil napakarami nilang ginagawang masama.
14 Napakaraming tao sa lambak ng paghatol,*Dahil ang araw ni Jehova ay malapit nang dumating sa lambak ng paghatol.*+
15 Magdidilim ang araw at buwan,At mawawala ang liwanag ng mga bituin.
16 At uungal si Jehova mula sa Sion,Mula sa Jerusalem ay ilalakas niya ang boses niya.
At uuga ang langit at lupa;Pero si Jehova ay magiging isang kanlungan para sa bayan niya,+Isang tanggulan para sa bayang Israel.
17 At malalaman ninyo na ako ang Diyos ninyong si Jehova, na naninirahan sa Sion, ang aking banal na bundok.+
Ang Jerusalem ay magiging isang banal na lugar,+At hindi na siya dadaanan ng mga estranghero.*+
18 Sa araw na iyon, tutulo mula sa mga bundok ang matamis na alak,+Sa mga burol ay aagos ang gatas,At sa lahat ng batis ng Juda ay aagos ang tubig.
Isang bukal ang aagos mula sa bahay ni Jehova,+At madidiligan nito ang Lambak* ng mga Punong Akasya.
19 Pero ang Ehipto ay magiging tiwangwang,+At ang Edom ay magiging tiwangwang na ilang,+Dahil sa karahasang ginawa sa bayan ng Juda,+Kung saan sila nagpadanak ng dugong walang-sala.+
20 Pero may maninirahan sa Juda magpakailanman,At sa Jerusalem sa lahat ng henerasyon.+
21 Ituturing kong walang-sala ang dugo nila na hindi ko itinuring na walang-sala noon;+At maninirahan si Jehova sa Sion.”+
Talababa
^ O “Mababang Kapatagan.”
^ Ibig sabihin, “Si Jehova ay Hukom.”
^ Lit., “Magpabanal kayo ng.”
^ O “ang talim ng inyong araro.”
^ O “makapangyarihan.”
^ O “Mababang Kapatagan.”
^ O “mababang kapatagan ng pasiya.”
^ O “mababang kapatagan ng pasiya.”
^ O “banyaga.”
^ O “Wadi.”