Jonas 2:1-10

2  At nanalangin si Jonas kay Jehova na kaniyang Diyos habang nasa loob ng tiyan ng isda.+  Sinabi niya: “Tumawag ako kay Jehova nang nasa kagipitan ako, at sinagot niya ako.+ Humingi ako ng tulong mula sa kailaliman* ng Libingan.*+ Narinig mo ang tinig ko.   Nang ihagis mo ako sa kalaliman, sa pusod ng dagat,Tinangay ako ng malalakas na agos.+ Nilamon ako ng iyong malalaking alon.+   At sinabi ko, ‘Pinalayas ako sa iyong harapan! Paano ko muling makikita ang iyong banal na templo?’   Nilamon ako ng tubig at muntik na akong* mamatay;+Lumubog ako sa malalim na katubigan. Nakapulupot sa ulo ko ang damong-dagat.   Lumubog ako hanggang sa pinakasahig ng dagat.* At kung tungkol sa lupa, ikinulong ako ng mga halang nito magpakailanman. Pero iniahon mo akong buháy mula sa kalaliman,* O Jehova na aking Diyos.+   Nang malapit na akong mamatay, si Jehova ang naalaala ko.+ At nakarating ang panalangin ko sa iyo, sa loob ng iyong banal na templo.+   Itinatakwil ng mga sumasamba sa walang-silbing mga idolo ang nagpapakita ng tapat na pag-ibig sa kanila.*   Pero ako, pupurihin kita at maghahandog ako sa iyo. Tutuparin ko ang aking pangako.*+ Ang kaligtasan ay mula kay Jehova.”+ 10  Pagkatapos, inutusan ni Jehova ang isda na iluwa si Jonas sa tuyong lupa.

Talababa

Lit., “tiyan.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “sa pinakapaanan ng mga bundok.”
Lit., “iniahon mo ang buhay ko mula sa hukay.”
O posibleng “Tinalikuran ng mga sumasamba sa walang-silbing mga idolo ang katapatan nila.”
O “panata.”

Study Notes

Media