Josue 14:1-15

14  At ito ang kinuha ng mga Israelita bilang mana sa lupain ng Canaan, na ibinigay sa kanila ni Eleazar na saserdote at ni Josue na anak ni Nun at ng mga ulo ng angkan* sa mga tribo ng Israel para manahin.+ 2  Ibinigay sa kanila ang kani-kanilang mana sa pamamagitan ng palabunutan,+ gaya ng iniutos ni Jehova sa pamamagitan ni Moises para sa siyam at kalahating tribo.+ 3  Ibinigay na ni Moises ang mana ng dalawa at kalahating tribo sa kabilang ibayo* ng Jordan,+ pero ang mga Levita ay hindi niya binigyan ng lupain bilang mana.+ 4  Ang mga inapo ni Jose ay itinuturing na dalawang tribo,+ ang Manases at ang Efraim;+ at hindi nila binigyan ng parte sa lupain ang mga Levita, maliban sa mga lunsod+ na titirhan ng mga ito at lupa para sa mga alagang hayop at pag-aari ng mga ito.+ 5  Hinati-hati ng mga Israelita ang lupain gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises. 6  Lumapit ang mga lalaki ng Juda kay Josue sa Gilgal,+ at sinabi sa kaniya ni Caleb+ na anak ni Jepune na Kenizita: “Alam na alam mo ang sinabi ni Jehova+ kay Moises na lingkod ng tunay na Diyos+ tungkol sa akin at sa iyo sa Kades-barnea.+ 7  Ako ay 40 taóng gulang nang isugo ako ng lingkod ni Jehova na si Moises mula sa Kades-barnea para mag-espiya sa lupain,+ at pagbalik ko, iniulat ko sa kaniya ang lahat ng nakita ko.*+ 8  Kahit na ang mga kapatid kong kasama kong nag-espiya ay nagpahina ng loob* ng bayan, sinunod ko nang buong puso* si Jehova na aking Diyos.+ 9  Nang araw na iyon, nangako si Moises: ‘Ang lupain na nilakaran mo ay magiging permanenteng mana mo at ng iyong mga anak, dahil sumunod ka nang buong puso kay Jehova na aking Diyos.’+ 10  Ngayon, gaya ng ipinangako ni Jehova,+ iningatan niya akong buháy+ nitong 45 taon mula nang bitiwan ni Jehova ang pangakong ito kay Moises noong naglalakbay sa ilang ang Israel;+ buháy pa rin ako ngayon at 85 taóng gulang na. 11  Hindi pa nagbabago ang lakas ko mula nang isugo ako ni Moises. Kung gaano ako kalakas noon, ganoon pa rin ako kalakas ngayon, para sa digmaan at sa iba pang gawain. 12  Kaya ibigay mo sa akin ang mabundok na rehiyong ito na ipinangako ni Jehova nang araw na iyon. Nalaman mo nang araw na iyon na may mga Anakim+ doon na may malalaki at napapaderang* lunsod,+ pero tiyak* na tutulungan ako ni Jehova,+ at itataboy ko sila,* gaya ng ipinangako ni Jehova.”+ 13  Kaya pinagpala ni Josue si Caleb na anak ni Jepune at ibinigay sa kaniya ang Hebron bilang mana.+ 14  Ang Hebron ay naging pag-aari ni Caleb na anak ni Jepune na Kenizita bilang mana hanggang sa araw na ito, dahil sumunod siya nang buong puso kay Jehova na Diyos ng Israel.+ 15  Ang dating pangalan ng Hebron ay Kiriat-arba.+ (Si Arba ang pinakaprominente sa mga Anakim.) At natigil ang digmaan sa lupain.+

Talababa

O “angkan ng ama.”
Sa silangan.
Lit., “may dala akong salita ayon sa nasa puso ko.”
Lit., “ay naging dahilan para matunaw ang puso.”
Lit., “nang lubusan.”
O “kukunin ko ang lupain nila.”
O “malamang.”
O “nakukutaang.”

Study Notes

Media