Josue 15:1-63

15  Ang lupaing ibinigay+ sa tribo ni Juda* para sa kanilang mga pamilya ay hanggang sa hangganan ng Edom,+ ilang ng Zin, at hanggang sa Negeb sa dulo nito sa timog. 2  Ang hangganan nila sa timog ay mula sa dulo ng Dagat Asin,*+ sa look nito sa timog, 3  at patimog pa sa paakyat na daan ng Akrabim,+ lalampas ng Zin, at mula sa timog ay paahon sa Kades-barnea,+ patawid ng Hezron, hanggang sa Addar, at paikot sa Karka. 4  Lalampas ito sa Azmon+ hanggang sa Wadi* ng Ehipto,+ at ang dulo ay sa Dagat.* Ito ang kanilang hangganan sa timog. 5  Ang hangganan sa silangan ay ang Dagat Asin* hanggang sa dulo ng Jordan, at ang hangganan sa hilaga ay mula sa look ng dagat, sa dulo ng Jordan.+ 6  Ang hangganan ay paahon sa Bet-hogla+ at lalampas sa hilaga ng Bet-araba+ at paahon sa bato ni Bohan+ na anak ni Ruben. 7  Ang hangganan ay paakyat sa Debir sa Lambak* ng Acor+ at liliko pahilaga sa Gilgal,+ na nasa tapat ng paakyat na daan ng Adumim sa timog ng wadi, at ang hangganan ay patawid sa bukal ng En-semes,+ at ang dulo nito ay sa En-rogel.+ 8  Ang hangganan ay paahon pa ng Lambak ng Anak ni Hinom+ papunta sa dalisdis ng mga Jebusita+ sa timog, ang Jerusalem,+ at paakyat sa tuktok ng bundok, na nasa tapat ng Lambak ng Hinom sa kanluran at nasa dulo ng Lambak* ng Repaim sa hilaga. 9  Mula sa tuktok ng bundok, ang hangganan ay nagpatuloy sa bukal ng tubig ng Neptoa+ at hanggang sa mga lunsod ng Bundok Epron at hanggang sa Baala, na tinatawag ding Kiriat-jearim.+ 10  At ang hangganan ay umikot mula sa Baala pakanluran sa Bundok Seir, tumawid sa Kesalon na nasa dalisdis ng Bundok Jearim sa hilaga, bumaba sa Bet-semes,+ at tumawid sa Timnah.+ 11  Ang hangganan ay nagpatuloy sa dalisdis ng Ekron+ sa hilaga hanggang sa Sikeron at tumawid sa Bundok Baala at nagpatuloy sa Jabneel, at ang dulo ng hangganan ay sa dagat. 12  Ang hangganan sa kanluran ay sa Malaking Dagat*+ at ang baybayin nito. Ito ang mga hangganan sa palibot ng teritoryo ng mga pamilya ng tribo ni Juda. 13  At si Caleb+ na anak ni Jepune ay binigyan ni Josue ng isang bahagi sa lupain ng mga inapo ni Juda, gaya ng iniutos sa kaniya ni Jehova: ang Kiriat-arba (si Arba ay ama ni Anak), na tinatawag ding Hebron.+ 14  Kaya itinaboy ni Caleb mula roon ang tatlong anak ni Anak:+ sina Sesai, Ahiman, at Talmai.+ 15  Pagkatapos, umalis siya roon para makipagdigma sa mga nakatira sa Debir.+ (Ang Debir ay dating tinatawag na Kiriat-seper.) 16  Sinabi ni Caleb: “Ibibigay ko ang anak kong si Acsa para maging asawa ng lalaking makapagpapabagsak at makasasakop sa Kiriat-seper.” 17  At nasakop iyon ni Otniel+ na anak ni Kenaz,+ na kapatid ni Caleb. Kaya ibinigay niya rito ang anak niyang si Acsa+ para maging asawa nito. 18  Habang pauwi si Acsa, hinimok niya ang asawa niya na humingi ng bukid sa ama* niya. Pagkatapos, bumaba si Acsa sa kaniyang asno.* Tinanong siya ni Caleb: “Ano ang gusto mo?”+ 19  Sinabi ni Acsa: “Pakisuyo, bigyan ninyo ako ng pagpapala. Isang lupain sa timog* ang ibinigay ninyo sa akin, kaya ibigay rin ninyo sa akin ang Gulot-maim.”* Kaya ibinigay niya rito ang Mataas na Gulot at ang Mababang Gulot. 20  Ito ang mana ng mga pamilya sa tribo ni Juda. 21  Ito ang mga lunsod sa dulong timog ng lupain ng tribo ni Juda sa may hangganan ng Edom:+ Kabzeel, Eder, Jagur, 22  Kina, Dimona, Adada, 23  Kedes, Hazor, Itnan, 24  Zip, Telem, Bealot, 25  Hazor-hadata, at Keriot-hezron, na tinatawag ding Hazor, 26  Amam, Sema, Molada,+ 27  Hazar-gada, Hesmon, Bet-pelet,+ 28  Hazar-sual, Beer-sheba,+ Biziotias, 29  Baala, Iim, Ezem, 30  Eltolad, Khesil, Horma,+ 31  Ziklag,+ Madmana, Sansana, 32  Lebaot, Silhim, Ain, at Rimon+—lahat-lahat, 29 na lunsod kasama ang mga pamayanan ng mga ito. 33  Ito ang mga lunsod sa Sepela:+ Estaol, Zora,+ Asna, 34  Zanoa, En-ganim, Tapua, Enam, 35  Jarmut, Adulam,+ Socoh, Azeka,+ 36  Saaraim,+ Aditaim, at Gedera at Gederotaim*—14 na lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito. 37  Ang Zenan, Hadasha, Migdal-gad, 38  Dilean, Mizpe, Jokteel, 39  Lakis,+ Bozkat, Eglon, 40  Cabon, Lamam, Kitlis, 41  Gederot, Bet-dagon, Naama, at Makeda+—16 na lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito. 42  Ang Libna,+ Eter, Asan,+ 43  Ipta, Asna, Nezib, 44  Keila, Aczib, at Maresa—siyam na lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito. 45  Ang Ekron, ang katabing mga nayon nito,* at ang mga pamayanan nito; 46  mula sa Ekron pakanluran, ang lahat ng nasa tabi ng Asdod at ang mga pamayanan ng mga ito. 47  Ang Asdod,+ ang katabing mga nayon nito, at ang mga pamayanan nito; ang Gaza,+ ang katabing mga nayon nito, at ang mga pamayanan nito, pababa sa Wadi ng Ehipto, sa Malaking Dagat,* at sa katabing rehiyon.+ 48  At sa mabundok na rehiyon, ang Samir, Jatir,+ Socoh, 49  Dana, Kiriat-sana, na tinatawag ding Debir, 50  Anab, Estemo,+ Anim, 51  Gosen,+ Holon, at Gilo+—11 lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito. 52  Ang Arab, Duma, Esan, 53  Janim, Bet-tapua, Apeka, 54  Humta, Kiriat-arba, na tinatawag ding Hebron,+ at Zior—siyam na lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito. 55  Ang Maon,+ Carmel, Zip,+ Juta, 56  Jezreel, Jokdeam, Zanoa, 57  Kain, Gibeah, at Timnah+—10 lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito. 58  Ang Halhul, Bet-zur, Gedor, 59  Maarat, Bet-anot, at Eltekon—anim na lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito. 60  Ang Kiriat-baal, na tinatawag ding Kiriat-jearim,+ at Raba—dalawang lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito. 61  Sa ilang ay ang Bet-araba,+ Midin, Secaca, 62  Nibsan, Lunsod ng Asin, at ang En-gedi+—anim na lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito. 63  Ang mga Jebusita+ na nakatira sa Jerusalem+ ay hindi naitaboy ng mga lalaki ng Juda,+ kaya ang mga Jebusita ay nakatira pa rin sa Jerusalem kasama ng bayan ng Juda hanggang sa araw na ito.

Talababa

O “napunta sa tribo ni Juda sa pamamagitan ng palabunutan.”
Dagat na Patay.
Malaking Dagat, ang Mediteraneo.
Tingnan sa Glosari.
Dagat na Patay.
O “Mababang Kapatagan.”
O “Mababang Kapatagan.”
Dagat Mediteraneo.
O posibleng “ipinalakpak niya ang mga kamay niya habang nakasakay sa asno.”
Si Caleb.
O “Negeb,” isang tuyot na lupain.
Posibleng nangangahulugang “Mga Bukal ng Tubig.”
O posibleng “ang Gedera at ang mga kulungan nito ng tupa.”
O “ang mga nayong nakadepende rito.”
Dagat Mediteraneo.

Study Notes

Media