Josue 21:1-45
21 Ang mga ulo ng mga angkan ng mga Levita ay lumapit ngayon kay Eleazar+ na saserdote, kay Josue na anak ni Nun, at sa mga ulo ng angkan sa mga tribo ng Israel,
2 at sinabi nila sa mga ito sa Shilo+ sa lupain ng Canaan: “Iniutos ni Jehova sa pamamagitan ni Moises na bigyan kami ng mga lunsod na titirhan at ng mga pastulan para sa mga alaga naming hayop.”+
3 Kaya sa utos ni Jehova, ang mga Israelita ay nagbigay sa mga Levita ng mga lunsod+ at ng mga pastulan mula sa kanilang mana.+
4 Sa pamamagitan ng palabunutan, ang mga pamilya ng mga Kohatita+ ay binigyan ng mga lunsod, at ang mga Levita na mga inapo ni Aaron na saserdote ay binigyan ng 13 lunsod mula sa tribo ni Juda,+ tribo ni Simeon,+ at tribo ni Benjamin.+
5 At ang iba pang Kohatita ay binigyan* ng 10 lunsod mula sa mga pamilya ng tribo ni Efraim,+ tribo ni Dan, at kalahati ng tribo ni Manases.+
6 Ang mga Gersonita+ naman ay binigyan ng 13 lunsod mula sa mga pamilya ng tribo ni Isacar, tribo ni Aser, tribo ni Neptali, at kalahati ng tribo ni Manases sa Basan.+
7 Ang mga pamilya ng mga Merarita+ ay binigyan ng 12 lunsod mula sa tribo ni Ruben, tribo ni Gad, at tribo ni Zebulon.+
8 Ibinigay ng mga Israelita sa mga Levita ang mga lunsod na ito at ang mga pastulan nito sa pamamagitan ng palabunutan, gaya ng iniutos ni Jehova sa pamamagitan ni Moises.+
9 Ito ang mga pangalan ng mga lunsod na ibinigay nila mula sa tribo ni Juda at tribo ni Simeon,+
10 at ibinigay ang mga ito sa mga anak ni Aaron na mula sa mga pamilya ng mga Kohatita na mga Levita. Sila ang unang nabigyan batay sa palabunutan.
11 Ibinigay nila sa kanila ang Kiriat-arba+ (si Arba ay ama ni Anak), na tinatawag ding Hebron,+ sa mabundok na rehiyon ng Juda, at ang mga pastulan sa palibot nito.
12 Pero ang lupain ng lunsod at ang mga pamayanan nito ay ibinigay nila kay Caleb na anak ni Jepune.+
13 At sa mga anak ni Aaron na saserdote, ibinigay nila ang Hebron+ na kanlungang lunsod para sa mga nakapatay+ at ang mga pastulan nito, pati na ang Libna+ at ang mga pastulan nito,
14 ang Jatir+ at ang mga pastulan nito, ang Estemoa+ at ang mga pastulan nito,
15 ang Holon+ at ang mga pastulan nito, ang Debir+ at ang mga pastulan nito,
16 ang Ain+ at ang mga pastulan nito, ang Juta+ at ang mga pastulan nito, ang Bet-semes at ang mga pastulan nito—siyam na lunsod mula sa dalawang tribong ito.
17 At mula sa tribo ni Benjamin: ang Gibeon+ at ang mga pastulan nito, ang Geba at ang mga pastulan nito,+
18 ang Anatot+ at ang mga pastulan nito, at ang Almon at ang mga pastulan nito—apat na lunsod.
19 Ang lahat ng lunsod na ibinigay sa mga inapo ni Aaron, na mga saserdote, ay 13 lunsod kasama ang mga pastulan nito.+
20 At ang iba pa sa mga pamilya ng mga Kohatita na mga Levita ay binigyan ng mga lunsod mula sa tribo ni Efraim sa pamamagitan ng palabunutan.
21 Ibinigay sa kanila ang Sikem,+ na kanlungang lunsod para sa mga nakapatay,+ at ang mga pastulan nito sa mabundok na rehiyon ng Efraim, ang Gezer+ at ang mga pastulan nito,
22 ang Kibzaim at ang mga pastulan nito, at ang Bet-horon+ at ang mga pastulan nito—apat na lunsod.
23 At mula sa tribo ni Dan: ang Elteke at ang mga pastulan nito, ang Gibeton at ang mga pastulan nito,
24 ang Aijalon+ at ang mga pastulan nito, at ang Gat-rimon at ang mga pastulan nito—apat na lunsod.
25 At mula sa kalahati ng tribo ni Manases: ang Taanac+ at ang mga pastulan nito at ang Gat-rimon at ang mga pastulan nito—dalawang lunsod.
26 Ang lahat ng lunsod kasama ang mga pastulan ng mga ito na natanggap ng iba pang pamilya ng mga Kohatita ay 10.
27 At ang mga Gersonita,+ na mula sa mga pamilya ng mga Levita, ay tumanggap ng mga lunsod mula sa kalahati ng tribo ni Manases. Ibinigay sa kanila ang isang kanlungang lunsod para sa mga nakapatay, ang Golan+ sa Basan, at ang mga pastulan nito, pati ang Beestera at ang mga pastulan nito—dalawang lunsod.
28 At mula sa tribo ni Isacar:+ ang Kision at ang mga pastulan nito, ang Daberat+ at ang mga pastulan nito,
29 ang Jarmut at ang mga pastulan nito, at ang En-ganim at ang mga pastulan nito—apat na lunsod.
30 At mula sa tribo ni Aser:+ ang Misal at ang mga pastulan nito, ang Abdon at ang mga pastulan nito,
31 ang Helkat+ at ang mga pastulan nito, at ang Rehob+ at ang mga pastulan nito—apat na lunsod.
32 At mula sa tribo ni Neptali: isang kanlungang lunsod+ para sa mga nakapatay, ang Kedes+ sa Galilea, at ang mga pastulan nito, ang Hamot-dor at ang mga pastulan nito, at ang Kartan at ang mga pastulan nito—tatlong lunsod.
33 Ang lahat ng lunsod ng mga pamilya ng mga Gersonita ay 13 lunsod kasama ang mga pastulan ng mga ito.
34 At ang mga pamilya ng mga Merarita,+ na kabilang din sa mga Levita, ay tumanggap ng mga lunsod mula sa tribo ni Zebulon:+ ang Jokneam+ at ang mga pastulan nito, ang Karta at ang mga pastulan nito,
35 ang Dimna at ang mga pastulan nito, at ang Nahalal+ at ang mga pastulan nito—apat na lunsod.
36 At mula sa tribo ni Ruben: ang Bezer+ at ang mga pastulan nito, ang Jahaz at ang mga pastulan nito,+
37 ang Kedemot at ang mga pastulan nito, at ang Mepaat at ang mga pastulan nito—apat na lunsod.
38 At mula sa tribo ni Gad:+ isang kanlungang lunsod para sa mga nakapatay, ang Ramot sa Gilead,+ at ang mga pastulan nito, ang Mahanaim+ at ang mga pastulan nito,
39 ang Hesbon+ at ang mga pastulan nito, at ang Jazer+ at ang mga pastulan nito—lahat-lahat, apat na lunsod.
40 Ang lahat ng lunsod na ibinigay sa mga pamilya ng mga Merarita, na kabilang din sa mga pamilya ng mga Levita, ay 12 lunsod.
41 Ang lahat ng lunsod ng mga Levita sa loob ng lupaing pag-aari ng mga Israelita ay 48 lunsod kasama ang mga pastulan ng mga ito.+
42 Ang bawat lunsod na ito ay may mga pastulan sa palibot nito—gayon sa lahat ng lunsod na ito.
43 Kaya ibinigay ni Jehova sa Israel ang buong lupain na ipinangako niyang ibibigay sa kanilang mga ninuno,+ at kinuha nila iyon at nanirahan sila roon.+
44 Bukod diyan, binigyan sila ni Jehova ng kapahingahan sa buong lupain, gaya ng ipinangako niya sa kanilang mga ninuno,+ at walang isa man sa mga kaaway nila ang nagtagumpay laban sa kanila.+ Ibinigay ni Jehova ang lahat ng kaaway nila sa kanilang kamay.+
45 Walang nabigo sa lahat ng mabuting pangako* ni Jehova sa sambahayan ng Israel; ang lahat ng iyon ay nagkatotoo.+