Nilalaman ng Juan
A. Paunang Salita: Ang Salita ay Naging Tao at Namuhay Kasama ng mga Tao (1:1-18)
Sa simula pa lang, ang Salita ay kasama na ng Diyos at isa siyang diyos (1:1, 2)
Ang Salita ay ginamit ng Diyos sa paggawa ng lahat ng iba pang bagay (1:3a)
Nagkaroon ng buhay at liwanag sa pamamagitan ng Salita (1:3b-5)
Si Juan Bautista ay magpapatotoo tungkol sa liwanag (1:6-8)
Ang tunay na liwanag ay dumating sa sangkatauhan, pero hindi siya tinanggap ng marami (1:9-11)
Ang mga tumanggap sa Salita dahil sa pananampalataya ay naging mga anak ng Diyos (1:12, 13)
Ang Salita, na may pabor ng Diyos at nagtuturo ng katotohanan, ang nagpakilala sa Ama, na hindi pa kailanman nakita ng sinumang tao (1:14-18)
B. Ang Patotoo ni Juan Bautista Tungkol kay Jesus (1:19-34)
C. Unang mga Alagad ni Jesus (1:35-51)
D. Nagsimulang Gumawa ng Himala si Jesus; Mula Noong Panahon ng Paskuwa ng 30 C.E. (2:1–3:36)
Ginawang alak ni Jesus ang tubig sa isang kasalan sa Cana ng Galilea (2:1-12)
Nilinis ni Jesus ang templo sa Jerusalem (2:13-17)
Sinabi ni Jesus sa mga Judiong kumakalaban sa kaniya na itatayong muli ang templo sa loob ng tatlong araw (2:18-22)
Marami ang nanampalataya kay Jesus dahil sa mga himalang ginawa niya (2:23-25)
Ipinaliwanag ni Jesus kay Nicodemo ang ibig sabihin ng pagsilang mula sa tubig at espiritu (3:1-13)
Itataas ang Anak ng tao kung paanong itinaas din ang ahas sa ilang (3:14, 15)
Isinugo ng Diyos ang kaniyang kaisa-isang Anak, hindi para hatulan ang mga tao, kundi para iligtas ang mga ito (3:16-21)
Huling patotoo ni Juan tungkol kay Jesus (3:22-30)
Ang nananampalataya sa Anak, na galing sa itaas, ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan (3:31-36)
E. Dumaan si Jesus sa Samaria Nang Papunta Siya sa Galilea (4:1-54)
Pagód na dumating si Jesus sa balon ni Jacob sa Sicar, sa Samaria (4:1-6)
Kinausap ni Jesus ang isang Samaritana (4:7-15)
Itinuro ni Jesus sa Samaritana ang tungkol sa tunay na pagsamba (4:16-24)
Sinabi ni Jesus sa Samaritana na siya ang Mesiyas (4:25, 26)
Nagpatotoo sa iba ang Samaritana (4:27-30)
Inihalintulad ni Jesus sa pagkain ang paggawa ng kalooban ng Diyos; binanggit niya ang tungkol sa espirituwal na pag-aani (4:31-38)
Maraming Samaritano ang naniwala na si Jesus ang “tagapagligtas ng sangkatauhan” (4:39-42)
Pinagaling ni Jesus ang anak ng isang opisyal sa Cana ng Galilea (4:43-54)
F. Ministeryo ni Jesus Mula Noong Panahon ng Kapistahan ng mga Judio, Malamang na Paskuwa ng 31 C.E. (5:1-47)
Pinagaling ni Jesus sa araw ng Sabbath ang isang lalaking may sakit sa paliguan ng Betzata (5:1-18)
Binanggit ni Jesus ang awtoridad na ibinigay sa kaniya ng Ama (5:19-24)
Mabubuhay ang mga taong patay sa espirituwal na makikinig sa tinig ni Jesus (5:25-27)
Ang mga nasa libingan ay bubuhaying muli (5:28-30)
Si Juan Bautista, ang mga ginawa ni Jesus, ang Ama, at ang Kasulatan ay nagpapatotoo tungkol kay Jesus (5:31-47)
G. Mula Noong Panahon ng Paskuwa ng 32 C.E. (6:1–7:1)
Pinakain ni Jesus ang mga 5,000 lalaki sa may Lawa ng Galilea (6:1-13)
Tumakas si Jesus nang tangkain ng mga tao na gawin siyang hari (6:14, 15)
Lumakad si Jesus sa tubig (6:16-21)
Sinabi ni Jesus na dapat gumawa ang mga tao para sa di-nasisirang pagkain na nagbibigay ng buhay na walang hanggan (6:22-27)
Si Jesus ang “tinapay ng buhay” (6:28-59)
Maraming alagad ang nagulat sa sinabi ni Jesus, pero kinilala ni Pedro na si Jesus ang “isinugo ng Diyos” (6:60–7:1)
H. Mula Noong Panahon ng Kapistahan ng mga Tabernakulo ng 32 C.E. (7:2–9:41)
Nagpunta ang mga kapatid ni Jesus sa kapistahan; nagpaiwan si Jesus at palihim na nagpunta doon (7:2-13)
Nagturo si Jesus sa templo noong kapistahan (7:14-24)
Magkakaiba ang opinyon ng mga tao tungkol sa Kristo (7:25-52)
Ang Ama ay nagpatotoo tungkol kay Jesus, ang “liwanag ng sangkatauhan” (8:12-30)
Malalaman ng mga tunay na alagad ni Jesus ang katotohanan (8:31, 32)
Ginagawa ng mga anak ni Abraham ang mga ginawa ni Abraham (8:33-41)
Ginagawa ng mga anak ng Diyablo ang gusto ng Diyablo (8:42-47)
Si Jesus at si Abraham (8:48-59)
Pinagaling ni Jesus ang isang lalaking ipinanganak na bulag (9:1-12)
Pinagtatanong ng mga Pariseo ang pinagaling na lalaki (9:13-34)
Bulag ang mga Pariseo (9:35-41)
I. Mula Noong Panahon ng Kapistahan ng Pag-aalay ng 32 C.E. Hanggang Nisan 10, 33 C.E. (10:1–12:50)
Ilustrasyon tungkol sa pastol at sa mga kulungan ng tupa (10:1-18)
Maraming Judio ang ayaw maniwala (10:19-26)
Nagkakaisa si Jesus at ang Ama niya sa pag-aalaga sa mga tupa nila (10:27-30)
Sinubukan ng mga Judio na hulihin si Jesus (10:31-39)
Maraming tao sa kabila ng Jordan ang nanampalataya kay Jesus (10:40-42)
Namatay si Lazaro (11:1-16)
Inaliw ni Jesus sina Marta at Maria (11:17-37)
Binuhay-muli ni Jesus si Lazaro (11:38-44)
Nagsabuwatan ang mga lider ng relihiyon para maipapatay si Jesus (11:45-57)
Binuhusan ni Maria ng langis ang mga paa ni Jesus (12:1-11)
Pagbubunyi nang pumasok si Jesus sa Jerusalem (12:12-19)
Inihula ni Jesus ang nalalapit niyang kamatayan (12:20-27)
Isang tinig ang narinig mula sa langit (12:28)
Ang kawalan ng pananampalataya ng mga Judio ay katuparan ng hula (12:29-43)
Dumating si Jesus para iligtas ang sangkatauhan (12:44-50)
J. Ang Huling Paskuwa ni Jesus at ang Payo Niya sa mga Alagad Niya Bago Siya Mamatay (13:1–17:26)
Hinugasan ni Jesus ang paa ng mga alagad niya (13:1-20)
Tinukoy ni Jesus ang magtatraidor sa kaniya, si Hudas Iscariote (13:21-30)
Nagbigay si Jesus ng isang bagong utos (13:31-35)
Inihula ni Jesus na ikakaila siya ni Pedro nang tatlong beses (13:36-38)
Si Jesus lang ang daan para makalapit sa Ama (14:1-14)
Nangako si Jesus ng isang katulong, ang banal na espiritu (14:15-31)
Ilustrasyon tungkol sa tunay na punong ubas (15:1-10)
Utos na magpakita ng tulad-Kristong pag-ibig (15:11-17)
Napopoot ang sanlibutan kay Jesus at sa mga alagad niya (15:18-27)
Posibleng patayin ang mga alagad ni Jesus (16:1-4a)
Ipapadala ni Jesus ang banal na espiritu (16:4b-16)
Mapapalitan ng kagalakan ang pamimighati ng mga alagad (16:17-24)
Dinaig ni Jesus ang sanlibutan (16:25-33)
Ipinanalangin ni Jesus ang mga alagad niya noon at ngayon (17:1-26)
K. Tinraidor, Inaresto, Nilitis, at Pinatay si Jesus (18:1–19:42)
Tinraidor ni Hudas Iscariote si Jesus (18:1-9)
Tinaga ni Pedro ng espada si Malco, at natagpas ang tainga nito (18:10, 11)
Dinala si Jesus sa punong saserdote na si Anas (18:12-14)
Unang pagkakaila ni Pedro kay Jesus (18:15-18)
Iniharap si Jesus kay Anas (18:19-24)
Ikalawa at ikatlong pagkakaila ni Pedro kay Jesus (18:25-27)
Iniharap si Jesus kay Pilato; isyu tungkol sa pagkahari (18:28-40)
Hinagupit si Jesus at nilait (19:1-7)
Gustong palayain ni Pilato si Jesus, pero natakot siya sa mga Judio (19:8-16a)
Ipinako si Jesus sa isang tulos sa Golgota (19:16b-22)
Tinupad ng mga sundalo ang hula tungkol sa damit ni Jesus (19:23, 24)
Inihabilin ni Jesus ang kaniyang ina (19:25-27)
Tinupad ni Jesus ang hula at namatay siya (19:28-30)
Tinupad ng mga sundalo ang hula tungkol sa pagkamatay ni Jesus (19:31-37)
Libing ni Jesus (19:38-42)
L. Nagpakita ang Binuhay-Muling si Kristo (20:1–21:25)
Nalaman ng mga alagad na walang laman ang libingan ni Jesus (20:1-10)
Nagpakita kay Maria Magdalena ang dalawang anghel at si Jesus (20:11-18)
Nagpakita si Jesus sa mga alagad sa nakakandadong silid (20:19-23)
Nagduda si Tomas pero nakumbinsi rin (20:24-29)
Ipinaliwanag ni Juan kung para saan ang “balumbong ito” (20:30, 31)
Nagpakita si Jesus sa mga alagad sa Galilea (21:1-14)
Tiniyak ni Pedro ang pagmamahal niya kay Jesus (21:15-19)
Inihula ni Jesus ang mangyayari sa minamahal niyang alagad (21:20-23)
Huling pananalita ng sumulat (21:24, 25)