Mga Kawikaan 13:1-25
13 Tinatanggap ng marunong na anak ang disiplina ng kaniyang ama,+Pero ang mapagmataas* ay hindi nakikinig sa saway.*+
2 Kakainin ng isang tao ang mabubuting bunga ng kaniyang pananalita,*+Pero ang hinahangad* ng mapanlinlang ay umaakay sa karahasan.
3 Ang taong nagbabantay sa kaniyang bibig* ay nag-iingat ng buhay niya,+Pero ang taong hindi kumokontrol sa mga labi niya ay mapapahamak.+
4 Naghahangad ang tamad pero wala siyang nakukuha,+Pero ang masipag ay talagang masisiyahan.*+
5 Ang matuwid ay napopoot sa kasinungalingan,+Pero ang ginagawa ng masama ay nagdudulot ng kahihiyan at kadustaan.
6 Ang katuwiran ay nag-iingat sa walang-sala,+Pero ang kasamaan ay nagpapabagsak sa makasalanan.
7 May nagkukunwaring mayaman pero walang-wala naman;+May nagkukunwaring mahirap pero napakayaman pala.
8 Ang kayamanan ng isang tao ang pantubos niya sa kaniyang buhay,+Pero ang mahirap ay hindi man lang nalalagay sa panganib.*+
9 Ang liwanag ng mga matuwid ay nagniningning,*+Pero ang lampara ng masasama ay papatayin.+
10 Ang mga pangahas ay lumilikha lang ng away,+Pero ang marurunong ay humihingi ng payo.*+
11 Ang yaman na madaling nakuha* ay mauubos,+Pero ang yaman na unti-unting tinipon* ay darami.
12 Ang inaasahan* na hindi nangyayari ay nagpapalungkot sa* puso,+Pero ang hangaring natupad ay gaya ng punong nagbibigay-buhay.+
13 Ang humahamak sa tagubilin* ay mananagot,+Pero ang nagpapahalaga sa utos ay pagpapalain.+
14 Ang turo* ng marunong ay bukal ng buhay;+Ilalayo nito ang tao sa mga bitag ng kamatayan.
15 Kalugod-lugod ang may malalim na kaunawaan,Pero punô ng problema ang landas ng mapandaya.
16 Ang marunong ay kumikilos nang may kaalaman,+Pero ipinapakita ng mangmang ang sarili niyang kamangmangan.+
17 Ang masamang mensahero ay nagdudulot ng problema,+Pero ang mensahe ng tapat na sugo ay nagpapagaling.+
18 Ang nagwawalang-bahala sa disiplina ay maghihirap at mapapahiya,Pero ang tumatanggap sa pagtutuwid* ay pararangalan.+
19 Ang hangaring natupad ay nagpapasaya sa tao,+Pero ayaw ng mangmang na lumayo sa kasamaan.+
20 Ang lumalakad na kasama ng marurunong ay magiging marunong,+Pero ang sumasama* sa mga mangmang ay mapapahamak.+
21 Ang mga makasalanan ay hinahabol ng kapahamakan,+Pero ang mga matuwid ay pinagpapala ng kasaganaan.+
22 Ang mabuting tao ay may naipamamana sa mga apo niya,Pero ang yaman ng makasalanan ay nakaimbak para sa matuwid.+
23 Ang bukid ng dukha ay namumunga ng saganang pagkain,Pero puwede itong* maagaw dahil sa kawalan ng hustisya.
24 Ang hindi dumidisiplina* sa anak niya ay napopoot dito,+Pero kung mahal ng magulang ang anak niya, tinitiyak niyang madisiplina ito.*+
25 Ang matuwid ay kumakain at nabubusog,+Pero walang laman ang tiyan ng masama.+
Talababa
^ Lit., “manunuya.”
^ O “pagtutuwid.”
^ Lit., “bibig.”
^ O “sinasabi.”
^ Lit., “ay patatabain.”
^ Lit., “makaririnig ng saway.”
^ Lit., “nagsasaya.”
^ O “ay nagsasanggunian.”
^ O “na nakuha sa walang-kabuluhang paraan.”
^ Lit., “na tinipon ng kamay.”
^ O “nagpapasakit ng.”
^ O “inaasam.”
^ O “salita.”
^ O “batas.”
^ O “saway.”
^ O “nakikipag-ugnayan.”
^ O “siyang.”
^ O “Ang hindi nagpaparusa.” Lit., “Ang nag-uurong ng pamalo.”
^ O posibleng “dinidisiplina niya ito agad.”