Mga Kawikaan 17:1-28

17  Mas mabuti pa ang isang piraso ng tuyong tinapay pero may kapayapaan*+Kaysa sa bahay na maraming pagkain* pero laging may pagtatalo.+  2  Ang lingkod na may kaunawaan ang mamamahala sa anak na gumagawi nang kahiya-hiya;Magkakaroon din siya ng mana gaya ng anak.  3  Ang dalisayang kaldero ay para sa pilak at ang hurno ay para sa ginto,+Pero si Jehova ang tagasuri ng mga puso.+  4  Ang masama ay nagbibigay-pansin sa masakit na pananalita,At ang taong mapanlinlang ay nakikinig sa mapanirang dila.+  5  Ang humahamak sa dukha ay umiinsulto sa kaniyang Maylikha,+At ang natutuwa sa kapahamakan ng iba ay tiyak na mapaparusahan.+  6  Ang mga apo ay korona ng matatanda,At ang mga ama* ang karangalan ng mga anak.  7  Ang mahusay* na pananalita ay hindi bagay sa mangmang;+ Lalo nang hindi bagay sa isang tagapamahala* ang pagsisinungaling!+  8  Ang regalo ay gaya ng mamahaling bato* para sa may-ari nito;+Ang nagbigay ay nagtatagumpay anuman ang gawin niya.+  9  Ang nagpapatawad* ng kasalanan ay nagpapakita* ng pag-ibig,+Pero ang salita nang salita tungkol dito ay naglalayo sa malalapít na magkakaibigan.+ 10  Mas malaki ang epekto ng isang saway sa taong may unawa+Kaysa ng sandaang hampas sa mangmang.+ 11  Puro paghihimagsik ang gustong gawin ng masama,Pero isang malupit na mensahero ang isusugo para parusahan siya.+ 12  Mas mabuti pang makasalubong ang oso na nawalan ng mga anakKaysa ang mangmang na kumikilos nang may kamangmangan.+ 13  Kapag kasamaan ang iginaganti ng isang tao sa kabutihan,Ang kasamaan ay hindi hihiwalay sa bahay niya.+ 14  Ang pagpapasimula ng away ay gaya ng pagpapakawala ng tubig;*Bago magsimula ang pagtatalo, umalis ka na.+ 15  Ang nagpapawalang-sala sa masama at ang humahatol sa matuwid+—Pareho silang kasuklam-suklam kay Jehova. 16  Para saan pa ang kakayahan ng mangmang na makakuha ng karununganKung wala naman sa puso niya na* gawin iyon?*+ 17  Ang tunay na kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon+At isang kapatid na maaasahan kapag may problema.*+ 18  Ang taong kulang sa unawa ay nakikipagkamay at pumapayagNa managot sa* utang ng iba sa harap ng kapuwa niya.+ 19  Ang mahilig makipagtalo ay madaling magkasala.+ Ang nagyayabang* ay naghahanap ng kapahamakan.+ 20  Ang taong masama ang puso ay hindi magtatagumpay,*+At ang nagsasalita ng panlilinlang ay mapapahamak. 21  Ang ama na nagkaanak ng mangmang ay mapipighati;At ang ama ng anak na walang unawa ay hindi masaya.+ 22  Ang masayang puso ay mabisang gamot,*+Pero ang pagkasira ng loob* ay nakauubos ng lakas.*+ 23  Ang masamang tao ay palihim na tatanggap ng suhol*Para baluktutin ang katarungan.+ 24  Ang karunungan ay nasa harapan ng taong may unawa,Pero ang mga mata ng mangmang ay pagala-gala hanggang sa dulo ng lupa.+ 25  Ang mangmang na anak ay nagdudulot ng pighati sa kaniyang amaAt sama ng loob* sa nagsilang sa kaniya.+ 26  Hindi tamang parusahan* ang matuwid,At hindi dapat hampasin ang mararangal na tao. 27  Ang taong may kaalaman ay maingat sa pagsasalita,+At ang may kaunawaan ay nananatiling kalmado.*+ 28  Kahit ang mangmang ay itinuturing na marunong kung nananatili siyang tahimik,At ang nagtitikom ng bibig niya ay itinuturing na may kaunawaan.

Talababa

Lit., “handog.”
O “katahimikan.”
O “magulang.”
O “matuwid.”
O “prominenteng tao.”
O “ng batong nagdadala ng pagsang-ayon.”
O “nagtatakip.”
O “naghahangad.”
O “pagbubukas ng dam.”
O “wala naman siyang puso para.”
O “Kung kulang naman siya sa unawa?”
O “kapighatian.”
O “Na garantiyahan ang.”
Lit., “Ang nagpapataas ng pasukan niya.”
Lit., “hindi makakakita ng mabuti.”
O “nakatutuyo sa mga buto.”
O “ang duróg na espiritu.”
O “ay nakapagpapagaling.”
Lit., “ay tatanggap ng suhol mula sa dibdib.”
Lit., “At kapaitan.”
O “pagmultahin.”
Lit., “malamig ang espiritu.”

Study Notes

Media