Mga Kawikaan 18:1-24
18 Ang nagbubukod ng sarili ay nagtataguyod ng makasarili niyang mga hangarin;Itinatakwil* niya ang lahat ng karunungan.*
2 Ang mangmang ay walang interes na matuto;*Mas gusto pa niyang sabihin ang opinyon* niya.+
3 Kapag dumating ang masamang tao, kasunod nito ang panghahamak,At kapag kumilos nang kahiya-hiya ang isang tao, darating ang kadustaan.+
4 Ang mga salita ng isang tao ay gaya ng malalim na tubig.+
Ang karunungan mula sa kaniya ay aagos na gaya ng ilog.
5 Hindi tamang kumampi sa masasama+O pagkaitan ng katarungan ang mga matuwid.+
6 Ang pananalita ng mangmang ay umaakay sa mga pagtatalo,+At ang bibig niya ay nag-aanyaya ng pambubugbog.+
7 Ang bibig ng mangmang ang nagpapahamak sa kaniya,+At nabibitag siya* ng mga labi niya.
8 Ang pananalita ng maninirang-puri ay gaya ng masarap na pagkain;*+Nilululon iyon agad at dumederetso sa tiyan.+
9 Ang tamad sa trabaho niyaAy kapatid ng taong nagdudulot ng pinsala.*+
10 Ang pangalan ni Jehova ay matibay na tore.+
Doon tumatakbo ang matuwid at tumatanggap ng proteksiyon.*+
11 Ang kayamanan ng mayaman ang proteksiyon* niya;Gaya iyon ng matibay na pader sa imahinasyon niya.+
12 Ang mapagmataas na puso ay nauuwi sa pagbagsak,+At ang kapakumbabaan ay umaakay sa karangalan.+
13 Kapag sumasagot ang isang tao bago niya marinig ang mga detalye,Kamangmangan iyon at kahiya-hiya.+
14 Ang taong matibay ang loob ay makapagtitiis ng pagkakasakit,+Pero sino ang makapagtitiis ng pagkasira ng loob?*+
15 Ang puso ng may unawa ay kumukuha ng kaalaman,+At ang tainga ng marurunong ay naghahanap ng kaalaman.
16 Ang regalo ng isang tao ay nagbubukas ng daan para sa kaniya;+Nakalalapit siya sa importanteng mga tao.
17 Mukhang tama ang unang nagdulog ng kaso+Hanggang sa dumating ang kabilang panig at pagtatanungin* siya.+
18 Palabunutan ang tumatapos sa mga pagtatalo+At nagpapasiya sa pagitan ng* mahigpit na magkalaban.
19 Mas mahirap payapain ang nasaktang kapatid kaysa pabagsakin ang isang napapaderang lunsod,+At may mga pagtatalo na gaya ng mga halang sa tanggulan.+
20 Mabubusog ang isang tao dahil sa bunga ng pananalita* niya;+Masisiyahan siya sa resulta ng mga sinasabi niya.
21 Ang kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila;+Kung ang isa ay madalas magsalita, kakainin niya ang bunga nito.+
22 Ang nakahanap ng mahusay na asawang babae ay nakakita ng mabuting bagay,+At pagpapala* iyon sa kaniya ni Jehova.+
23 Ang mahirap ay nagmamakaawa,Pero ang mayaman ay mabagsik sumagot.
24 May magkakasamang ipinapahamak ang isa’t isa,+Pero may kaibigang mas malapít pa kaysa sa isang kapatid.+
Talababa
^ O “Hinahamak.”
^ O “praktikal na karunungan.”
^ Lit., “sa unawa.”
^ O “ang nasa puso.”
^ O “gaya ng mga bagay na nilululon nang may kasibaan.”
^ O “kapatid ng magnanakaw.”
^ Lit., “at naitataas,” o nailalagay sa lugar na ligtas at hindi maaabot.
^ O “napapaderang lunsod.”
^ O “sa duróg na espiritu?”
^ O “siyasatin.”
^ Lit., “At pinaghihiwalay nito ang.”
^ Lit., “bibig.”
^ O “kabutihang-loob.”