Mga Kawikaan 20:1-30

20  Ang alak ay manunuya,+ ang inuming de-alkohol ay magulo;+Ang naliligaw dahil sa mga ito ay hindi marunong.+  2  Ang pagkatakot sa* hari ay gaya ng pagkatakot sa ungal ng leon;+Ang gumagalit sa kaniya ay nagsasapanganib ng sariling buhay.+  3  Kapuri-puri ang taong umiiwas sa pakikipagtalo,+Pero madaling mapaaway ang mangmang.+  4  Ang tamad ay hindi nag-aararo sa taglamig,Kaya mamamalimos siya sa panahon ng pag-aani dahil walang-wala siya.*+  5  Ang laman* ng puso ng tao* ay gaya ng malalim na tubig,Pero nasasalok ito ng taong may kaunawaan.  6  Marami ang nagsasabi na may tapat na pag-ibig sila,Pero mahirap makakita ng totoong tapat.  7  Ang matuwid ay lumalakad nang tapat.+ Magiging maligaya ang mga anak niya.+  8  Kapag ang hari ay umuupo sa trono para humatol,+Sinasala ng mga mata niya ang lahat ng kasamaan.+  9  Sino ang makapagsasabi: “Nilinis ko ang puso ko;+Malinis na ako at walang kasalanan”?+ 10  Ang madayang panimbang at ang maling panukat*Ay parehong kasuklam-suklam kay Jehova.+ 11  Kahit bata* ay makikilala sa kilos niya,Kung ang ugali niya ay malinis at matuwid.+ 12  Ang taingang nakaririnig at ang matang nakakakita—Ang mga iyon ay parehong ginawa ni Jehova.+ 13  Huwag kang tulog nang tulog, dahil maghihirap ka.+ Buksan mo ang mga mata mo, at mabubusog ka sa tinapay.+ 14  “Ang pangit, ang pangit!” ang sabi ng bumibili;Pagkatapos, umaalis siya at nagyayabang.+ 15  Nariyan ang ginto at maraming korales,*Pero mas mahalaga ang mga labi ng kaalaman.+ 16  Kunin mo ang damit ng isang tao kung nanagot siya para sa estranghero;+Kunin mo ang prenda niya kung nanagot siya para sa babaeng banyaga.*+ 17  Masarap para sa isang tao ang tinapay na nakuha sa pandaraya,Pero sa bandang huli, mapupuno ng graba ang bibig niya.+ 18  Magtatagumpay* ang mga plano kapag napag-uusapan,*+At makipaglaban ka nang may mahusay na patnubay.+ 19  Ang maninirang-puri ay gumagala para magbunyag ng mga sekreto;+Huwag kang makisama sa mahilig magkalat ng tsismis.* 20  Ang sinumang sumusumpa sa kaniyang ama at ina,Papatayin ang lampara niya pagsapit ng dilim.+ 21  Ang mana na nakuha dahil sa kasakimanAy hindi magiging pagpapala sa bandang huli.+ 22  Huwag mong sabihin: “Gaganti ako ng masama!”+ Umasa ka kay Jehova,+ at ililigtas ka niya.+ 23  Ang madayang panimbang* ay kasuklam-suklam kay Jehova,At ang di-tapat na timbangan ay hindi mabuti. 24  Pinapatnubayan ni Jehova ang mga hakbang ng tao,+Dahil paano malalaman ng tao kung saan siya pupunta?* 25  Nagiging bitag sa isang tao ang pagsigaw niya nang padalos-dalos, “Banal!”+ At pagkatapos na lang niya pag-iisipan ang panata niya.+ 26  Sinasala ng marunong na hari ang masasama,+At pinadadaanan niya sila sa gulong na panggiik.+ 27  Ang hininga ng tao ang lampara ni Jehova,Ang nagsisiwalat sa kaloob-looban ng tao. 28  Ang tapat na pag-ibig at katapatan ang nag-iingat sa hari;+Napananatili niya ang kaniyang trono dahil sa tapat na pag-ibig.+ 29  Ang karangalan ng mga kabataang lalaki ay ang lakas nila,+At ang kaluwalhatian ng matatandang lalaki ay ang puting buhok nila.+ 30  Ang mga pasa at sugat ay nag-aalis ng* kasamaan,+At dinadalisay ng mga hampas ang kaloob-looban ng tao.

Talababa

O “Ang pagiging nakakatakot ng.”
O posibleng “Maghahanap siya sa panahon ng pag-aani pero walang makikita.”
O “intensiyon.” Lit., “payo.”
O “Ang kaisipan ng tao.”
O “Ang dalawang klase ng batong panimbang at dalawang klase ng takalan.”
O “ang isang batang lalaki.”
Tingnan sa Glosari.
O “para sa banyaga.”
O “Magiging matatag.”
O “dahil sa mga payo.”
O “sa nanghihiyakat sa pamamagitan ng mga labi niya.”
O “Ang dalawang klase ng batong panimbang.”
O “Dahil paano maiintindihan ng tao ang sarili niyang lakad?”
O “ay kumakayod sa.”

Study Notes

Media