Mga Kawikaan 25:1-28

25  Ang mga ito rin ay kawikaan ni Solomon,+ na inirekord* ng mga tauhan ni Hezekias+ na hari ng Juda:  2  Naluluwalhati ang Diyos dahil sa paglilihim ng isang bagay,+At naluluwalhati ang mga hari dahil sa pagsasaliksik tungkol sa isang bagay.  3  Kung paanong mataas ang langit at malalim ang lupa,Gayon din ang puso ng hari—hindi ito kayang saliksikin.  4  Alisin mo ang dumi sa pilakAt madadalisay ito nang lubos.+  5  Alisin mo ang masamang tao sa harap ng hari,At magiging matatag ang trono niya sa pamamagitan ng katuwiran.+  6  Huwag mong parangalan ang sarili mo sa harap ng hari,+At huwag kang pumuwesto kasama ng mga prominente,+  7  Dahil mas mabuti pang sabihin niya sa iyo, “Umakyat ka rito,” Kaysa ipahiya ka niya sa harap ng isang maharlika.+  8  Huwag kang magmadali sa pagsasampa ng kaso,Dahil ano ang gagawin mo kapag ipinahiya ka ng kapuwa mo?+  9  Makipag-ayos ka sa kapuwa mo,+Pero huwag mong ipagkalat ang lihim na sinabi sa iyo,*+ 10  Dahil ipapahiya ka ng nakarinig sa iyoAt hindi mo na mababawi ang masamang bagay* na ikinalat mo. 11  Gaya ng mga gintong mansanas sa lalagyang pilak*Ang salitang sinabi sa tamang panahon.+ 12  Gaya ng gintong hikaw at palamuting yari sa purong gintoAng matalinong tagasaway para sa taong nakikinig.+ 13  Gaya ng lamig ng niyebe sa araw ng pag-aaniAng tapat na mensahero para sa nagsugo sa kaniya,Dahil pinagiginhawa niya ang panginoon niya.+ 14  Gaya ng ulap at hangin na walang dalang ulanAng taong nagyayabang tungkol sa regalong hindi naman niya ibinigay.*+ 15  Dahil sa pagiging matiisin, nahihikayat ang kumandante,At ang mabait na pananalita* ay nakababali ng buto.+ 16  Kapag nakakita ka ng pulot-pukyutan, kumain ka lang ng sapat,Dahil kapag nasobrahan ka, baka isuka mo lang iyon.+ 17  Paminsan-minsan ka lang pumunta sa bahay ng kapuwa mo,Para hindi siya magsawa sa iyo at kainisan* ka. 18  Ang testigong nagsisinungaling laban sa kapuwa niyaAy gaya ng pamalong pandigma, espada, at matulis na palaso.+ 19  Ang di-maaasahang tao* na pinagtitiwalaan sa panahon ng problemaAy gaya ng basag na ngipin at pilay na paa. 20  Gaya ng taong naghuhubad ng damit sa malamig na panahonAt gaya ng sukà na inihalo sa sosa*Ang isang mang-aawit na kinakantahan ang pusong nalulungkot.+ 21  Kung nagugutom ang kaaway mo,* bigyan mo siya ng tinapay;Kung nauuhaw siya, bigyan mo siya ng tubig;+ 22  Sa gayon, makapagtutumpok ka ng baga sa ulo niya,*+At gagantimpalaan ka ni Jehova. 23  Ang hangin mula sa hilaga ay nagdadala ng ulan;Nagdadala naman ng galit ang dilang nagkakalat ng tsismis.+ 24  Mas mabuti pang tumira sa bubong*Kaysa makasama sa bahay ang asawang babae na mahilig makipagtalo.*+ 25  Gaya ng malamig na tubig para sa taong* pagodAng magandang ulat mula sa malayong lupain.+ 26  Gaya ng naputikang bukal at nadumhang balonAng isang matuwid na nagpadala sa* masama. 27  Hindi makakabuti ang sobrang pagkain ng pulot-pukyutan,+At hindi maganda ang maghanap ng sariling karangalan.+ 28  Ang taong hindi makapagpigil ng galit*+Ay gaya ng nilusob na lunsod na walang pader.

Talababa

O “kinopya at tinipon.”
O “lihim ng iba.”
O “ang mapanirang tsismis.”
O “sa enggasteng pilak; sa inukit na pilak.”
Lit., “regalong walang katotohanan.”
O “ang mahinahong dila.”
O “kapootan.”
O posibleng “Ang taksil.”
Sa Ingles, alkali.
Lit., “ang napopoot sa iyo.”
Ibig sabihin, mapalalambot ang puso niya.
O “sa isang sulok ng bubong.”
O “asawang bungangera.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “nakipagkompromiso sa.” Lit., “sumusuray-suray sa harap ng.”
O “hindi nakakokontrol sa espiritu niya.”

Study Notes

Media