Mga Kawikaan 26:1-28

26  Gaya ng niyebe sa tag-araw at ulan sa pag-aani,Ang karangalan ay hindi rin angkop sa mangmang.+  2  Kung paanong may dahilan ang pagtakas ng ibon at paglipad ng langay-langayan,*May dahilan din kung bakit dumarating ang sumpa.*  3  Ang panghagupit ay para sa kabayo, ang renda ay para sa asno,+At ang pamalo ay para sa mangmang.+  4  Huwag mong sagutin ang mangmang ayon sa kamangmangan niyaPara hindi mo maibaba ang sarili mo sa kalagayan niya.*  5  Sagutin mo ang mangmang ayon sa kamangmangan niyaPara hindi niya isiping marunong siya.+  6  Kung ipinagkatiwala ng sinuman ang mga bagay-bagay sa isang mangmang,Para na rin niyang pinutol ang mga paa niya at pininsala ang sarili niya.  7  Gaya ng mga binti* ng pilayAng kawikaan sa bibig ng mga mangmang.+  8  Gaya ng pagtatali ng bato sa panghilagposAng pagbibigay ng karangalan sa mangmang.+  9  Gaya ng matinik na halaman sa kamay ng lasenggoAng isang kawikaan sa bibig ng mga mangmang. 10  Gaya ng mamamanà na tira lang nang tira*Ang taong umuupa sa mangmang o sa napadaan lang. 11  Gaya ng asong kinakain ulit ang kaniyang suka,Inuulit ng mangmang ang kamangmangan niya.+ 12  Nakakita ka na ba ng taong nag-iisip na marunong siya?+ Mas may pag-asa pa ang mangmang kaysa sa kaniya. 13  Sinasabi ng tamad: “May leon sa lansangan,May leon sa liwasan!”*+ 14  Kung paanong paulit-ulit na pumipihit ang pinto sa bisagra,*Ganoon ang tamad sa higaan niya.+ 15  Ang kamay ng tamad ay dumadampot ng pagkain sa mangkok,Pero pagod na pagod siya para isubo pa ito sa bibig niya.+ 16  Iniisip ng tamad na mas marunong siyaKaysa sa pitong taong nagbibigay ng mahusay na pangangatuwiran. 17  Gaya ng taong sumusunggab sa mga tainga ng asoAng taong napadaan lang at nagagalit dahil* sa away ng iba.+ 18  Gaya ng baliw na nagpapahilagpos ng nagliliyab na mga sibat at nakamamatay na palaso* 19  Ang taong pinagkakatuwaan ang* kapuwa niya at sinasabi, “Nagbibiro lang ako!”+ 20  Kapag walang kahoy, namamatay ang apoy,At kapag walang maninirang-puri, natitigil ang pagtatalo.+ 21  Gaya ng uling para sa mga baga at kahoy para sa apoyAng taong mahilig makipagtalo na nagpapasimula* ng away.+ 22  Ang pananalita ng maninirang-puri ay gaya ng masarap na pagkain;*Nilululon iyon agad at dumederetso sa tiyan.+ 23  Gaya ng pampakintab na pilak sa isang piraso ng palayokAng matatamis na salita mula sa* masamang puso.+ 24  Itinatago ng tao ang kaniyang poot sa pamamagitan ng mga labi niya,Pero may panlilinlang sa loob niya. 25  Kahit mabait siyang magsalita, huwag kang magtiwala sa kaniya,Dahil may pitong kasuklam-suklam na bagay sa puso niya.* 26  Bagaman ang poot niya ay naitatago ng panlilinlang,Ang kasamaan niya ay ilalantad sa kongregasyon. 27  Ang gumawa ng hukay ang siya ring mahuhulog doon,At ang sinumang nagpapagulong ng bato—babalik iyon sa kaniya.+ 28  Ang sinungaling na dila ay napopoot sa mga ipinahamak nito,At ang mambobolang bibig ay nakapipinsala.+

Talababa

Isang uri ng ibon.
O posibleng “Hindi nagkakatotoo ang sumpang di-nararapat.”
O “Para hindi ka maging katulad niya.”
O “nakalaylay na mga binti.”
O “na sinusugatan ang lahat.”
O “plaza.”
O “paikutan.”
O posibleng “at nakikialam.”
Lit., “at palaso at kamatayan.”
O “nanlilinlang sa.”
O “nagpapalala.”
O “gaya ng mga bagay na nilululon nang may kasibaan.”
Lit., “Ang maalab na mga labi na may.”
O “Dahil talagang kasuklam-suklam ang puso niya.”

Study Notes

Media