Mga Kawikaan 29:1-27

29  Ang taong matigas pa rin ang ulo* kahit paulit-ulit na sawayin+Ay biglang mapipinsala at hindi na gagaling.+  2  Kapag marami ang matuwid, nagsasaya ang bayan,Pero kapag masama ang namamahala, dumaraing ang bayan.+  3  Ang umiibig sa karunungan ay nagpapasaya sa kaniyang ama,+Pero ang nakikisama sa mga babaeng bayaran ay lumulustay ng kayamanan niya.+  4  Sa pamamagitan ng katarungan, pinatatatag ng hari ang kaharian niya,+Pero ginigiba ito ng humihingi ng suhol.  5  Ang nambobola ng kapuwa niyaAy naglalatag ng lambat para sa paa nito.+  6  Ang masamang tao ay nabibitag ng kasalanan niya,+Pero ang matuwid ay humihiyaw nang may kagalakan at natutuwa.+  7  Nababahala ang matuwid sa karapatan ng mahihirap,+Pero walang pakialam dito ang masama.+  8  Pinasisiklab ng mayayabang ang galit ng bayan,+Pero ang marurunong ay pumapawi ng galit.+  9  Kapag nakipagtalo ang matalino sa mangmang,May sigawan at laitan, pero wala ring kahihinatnan.+ 10  Ang mga mamamatay-tao ay napopoot sa sinumang walang-sala,*+At gusto nilang patayin ang mga matuwid.* 11  Inilalabas ng mangmang ang lahat ng galit* niya,+Pero nananatiling kalmado ang marunong.+ 12  Kapag nakikinig sa kasinungalingan ang tagapamahala,Magiging masama ang lahat ng lingkod niya.+ 13  May pagkakatulad* ang dukha at ang nang-aapi: Parehong pinagliliwanag ni Jehova ang mga mata nila.* 14  Kapag makatarungan ang hatol ng hari sa mahihirap,+Mananatiling matatag ang trono niya.+ 15  Ang pamalo* at saway ay nagbibigay ng karunungan,+Pero ang batang hindi sinasaway ay nagdudulot ng kahihiyan sa kaniyang ina. 16  Kapag dumarami ang masasama, dumarami rin ang kasalanan,Pero makikita ng mga matuwid ang pagbagsak nila.+ 17  Disiplinahin mo ang iyong anak at bibigyan ka niya ng kapayapaan;*At mapasasaya ka niya nang husto.+ 18  Kapag walang pangitain,* nagkakagulo ang bayan,+Pero maligaya ang tumutupad ng kautusan.+ 19  Ang isang lingkod ay ayaw magpatuwid sa salita,Dahil kahit naiintindihan niya, hindi siya sumusunod.+ 20  Nakakita ka na ba ng taong padalos-dalos sa pagsasalita?+ Mas may pag-asa pa ang mangmang kaysa sa kaniya.+ 21  Kung ibinibigay sa lingkod ang lahat ng gusto niya mula pagkabata,Siya ay magiging walang utang na loob balang-araw. 22  Nagkakaroon ng away dahil sa taong magagalitin;+Nakagagawa ng maraming kasalanan ang taong madaling magalit.+ 23  Ang kayabangan ng isang tao ang magbababa sa kaniya,+Pero ang mapagpakumbaba* ay mapararangalan.+ 24  Ang kaibigan ng magnanakaw ay napopoot sa sarili niya. Makarinig man siya ng panawagan para tumestigo,* hindi siya magsasalita.+ 25  Ang panginginig sa harap ng* mga tao ay isang bitag,*+Pero ang nagtitiwala kay Jehova ay poprotektahan.+ 26  Marami ang gustong makipag-usap sa isang* tagapamahala,Pero si Jehova ang nagbibigay ng katarungan sa isang tao.+ 27  Ang taong di-makatarungan ay kasuklam-suklam sa mga matuwid,+Pero ang matuwid ang pamumuhay ay kasuklam-suklam sa masama.+

Talababa

O “nagpapatigas ng kaniyang leeg.”
O “walang kapintasan.”
O posibleng “Pero sinisikap ng matuwid na protektahan ang buhay niya.”
O “lahat ng nadarama.” Lit., “buong espiritu.”
Lit., “Nagkita.”
Ibig sabihin, binibigyan Niya sila ng buhay.
O “disiplina; parusa.”
Lit., “kapahingahan.”
O “patnubay mula sa Diyos.”
Lit., “ang mababa ang espiritu.”
O “ng panatang may kasamang sumpa.”
O “Ang pagkatakot sa.”
O “ay nag-uumang ng bitag.”
O posibleng “ang gustong makuha ang pabor ng.” Lit., “ang humahanap sa mukha ng.”

Study Notes

Media