Mga Kawikaan 31:1-31
31 Ang mga salita ni Haring Lemuel, ang mahalagang mensahe na itinuro ng kaniyang ina:+
2 Ano ang dapat kong sabihin sa iyo, O anak ko,Ano, O anak ng aking sinapupunan,At ano, O anak ng aking mga panata?+
3 Huwag mong ibigay ang lakas mo sa mga babae,+At huwag kang lumakad sa landasin na nagpapabagsak sa mga hari.+
4 Hindi para sa mga hari, O Lemuel,Hindi para sa mga hari na uminom ng alakAt hindi para sa mga tagapamahala na magsabi, “Nasaan ang inumin ko?”+
5 Para hindi sila uminom at makalimutan ang naisabatas naAt maipagkait sa mahihirap ang karapatan ng mga ito.
6 Bigyan ninyo ng inuming de-alkohol ang mga malapit nang mamatay+At ng alak ang mga problemado.+
7 Hayaan ninyo silang uminom para malimutan ang kahirapan nilaAt hindi na maalaala ang kanilang mga problema.
8 Magsalita ka para sa mga hindi makapagsalita;Ipagtanggol mo ang karapatan ng lahat ng malapit nang mamatay.+
9 Magsalita ka at maging patas sa paghatol;Ipagtanggol mo ang karapatan* ng mga nangangailangan at dukha.+
א [Alep]
10 Sino ang makakahanap ng mahusay na* asawang babae?+
Mas malaki ang halaga niya kaysa sa mga korales.*
ב [Bet]
11 Buong-buo ang tiwala ng asawa niya sa kaniya,At hindi ito nagkukulang ng anuman.
ג [Gimel]
12 Sa buong buhay niya,Ginagawan niya ito ng mabuti, at hindi ng masama.
ד [Dalet]
13 Kumukuha siya ng telang lana at lino;Gustong-gusto niyang magtrabaho gamit ang mga kamay niya.+
ה [He]
14 Gaya siya ng mga barko ng isang negosyante;+Nagdadala siya ng pagkain mula sa malayo.
ו [Waw]
15 Madilim pa ay bumabangon na siya;Naghahanda siya ng pagkain para sa sambahayan niyaAt para sa mga lingkod niyang babae.+
ז [Zayin]
16 Sinusuri niyang mabuti ang isang bukid bago ito bilhin;Nagtatanim siya ng mga ubas gamit ang kinita niya.*
ח [Het]
17 Inihahanda niya ang sarili sa mabigat na trabaho,*+At pinalalakas niya ang kaniyang mga braso.
ט [Tet]
18 Tinitiyak niyang kumikita ang negosyo niya;Ang lampara niya ay hindi namamatay sa gabi.
י [Yod]
19 Hawak ng isang kamay niya ang panulidAt ng isa naman ang kidkiran.*+
כ [Kap]
20 Iniaabot niya ang kaniyang kamay sa nangangailanganAt binubuksan ang mga kamay niya sa mga dukha.+
ל [Lamed]
21 Hindi siya nag-aalala para sa sambahayan niya kapag umuulan ng niyebe,Dahil may suot na pangginaw ang* buong sambahayan niya.
מ [Mem]
22 Siya ang gumagawa ng sarili niyang kubrekama.
Ang mga damit niya ay gawa sa lino at purpurang lana.
נ [Nun]
23 Ang asawa niya ay kilalang-kilala sa mga pintuang-daan ng lunsod,+Kung saan ito umuupo kasama ng matatandang lalaki sa lupain.
ס [Samek]
24 Gumagawa siya at nagbebenta ng mga damit na lino*At nagsusuplay ng sinturon sa mga negosyante.
ע [Ayin]
25 Nadaramtan siya ng lakas at kagandahan,At hindi siya nag-aalala sa* hinaharap.
פ [Pe]
26 Makikita ang karunungan kapag nagsasalita siya;+Ang kautusan ng kabaitan* ay nasa kaniyang bibig.*
צ [Tsade]
27 Binabantayan niya ang gawain ng sambahayan niya,At hindi niya kinakain ang tinapay ng katamaran.+
ק [Kop]
28 Ang mga anak niya ay tumatayo at ipinahahayag siyang maligaya;Tumatayo ang asawa niya at pinupuri siya.
ר [Res]
29 Marami ang mahuhusay na* babae,Pero ikaw—ikaw ay nakahihigit sa kanilang lahat.
ש [Shin]
30 Mapandaya ang halina, at pansamantala lang* ang kagandahan,+Pero ang babaeng natatakot kay Jehova ay papupurihan.+
ת [Taw]
31 Gantimpalaan ninyo siya para sa mga ginagawa niya,*+At purihin sana siya sa mga pintuang-daan ng lunsod dahil sa mga gawa niya.+
Talababa
^ O “usapin.”
^ O “may-kakayahang.”
^ Lit., “ang bunga ng mga kamay niya.”
^ Lit., “Binibigkisan niya ng lakas ang balakang niya.”
^ Ang panulid at kidkiran ay mga piraso ng kahoy na ginagamit sa pag-ikid o paggawa ng sinulid.
^ Lit., “Dahil doble ang suot ng.”
^ O “mga panloob.”
^ O “At tinatawanan niya ang.”
^ O “tapat na pag-ibig.”
^ O “Mabait siyang magsalita kapag nagtuturo.”
^ O “may-kakayahang.”
^ O “at walang silbi.”
^ Lit., “Ibigay ninyo sa kaniya ang bunga ng mga kamay niya.”