Mga Kawikaan 4:1-27

4  Makinig kayo, mga anak ko, sa disiplina ng isang ama;+Magbigay-pansin kayo para magkaroon ng unawa,  2  Dahil bibigyan ko kayo ng mahuhusay na tagubilin;Huwag ninyong itakwil ang turo* ko.+  3  Naging mabuting anak ako sa aking ama,+At pinakamamahal ako ng aking ina.+  4  Tinuruan niya* ako at sinabi: “Buong puso mo sanang sundin ang mga salita ko.+ Tuparin mo ang mga utos ko, at patuloy kang mabubuhay.+  5  Kumuha ka ng karunungan, kumuha ka ng unawa.+ Huwag mong kalimutan ang pananalita ko, at huwag kang lumihis mula rito.  6  Huwag mo itong itakwil, at ipagsasanggalang ka nito. Ibigin mo ito, at iingatan ka nito.  7  Karunungan ang pinakamahalagang* bagay,+ kaya kumuha ka ng karunungan,At sa lahat ng dapat mong kunin, tiyakin mong makuha ang unawa.+  8  Lubos mo itong pahalagahan, at itataas ka nito.+ Pararangalan ka nito dahil niyakap mo ito.+  9  Lalagyan ka nito ng magandang putong* sa ulo;Ipapatong nito sa iyong ulo ang korona ng kagandahan.” 10  Makinig ka, anak ko, at tanggapin mo ang pananalita ko,At darami ang mga taon ng buhay mo.+ 11  Tuturuan kitang lumakad nang may karunungan;+Aakayin kita sa landas ng katuwiran.+ 12  Kapag lumalakad ka, ang iyong hakbang ay hindi mapipigilan;At kung tatakbo ka, hindi ka matitisod. 13  Manghawakan ka sa disiplina; huwag mo itong bitiwan.+ Ingatan mo ito, dahil nakadepende rito ang iyong buhay.+ 14  Huwag mong tahakin ang landas ng kasamaan,At huwag kang lumakad sa daan ng masasama.+ 15  Iwasan mo iyon at huwag piliin;+Lumayo ka roon, at lampasan mo iyon.+ 16  Dahil hindi sila makatulog hangga’t hindi sila nakagagawa ng masama. Hindi sila makatulog hangga’t wala silang naipapahamak. 17  Kinakain nila ang tinapay ng kasamaanAt iniinom ang alak ng karahasan. 18  Pero ang landas ng mga matuwid ay gaya ng maningning na liwanag sa umaga,Na patuloy na lumiliwanag hanggang sa katanghaliang-tapat.+ 19  Ang daan ng masasama ay gaya ng kadiliman;Hindi nila alam kung ano ang nakatisod sa kanila. 20  Anak ko, magbigay-pansin ka sa mga salita ko;Makinig kang mabuti* sa sinasabi ko. 21  Lagi mong isaisip iyon;Isapuso mo iyon,+ 22  Dahil iyon ay buhay para sa mga nakakahanap nito+At kalusugan para sa buong katawan* nila. 23  Sa lahat ng dapat mong ingatan, ingatan mo ang iyong puso,+Dahil dito nagmumula ang bukal ng buhay. 24  Iwasan mo ang di-tapat na pananalita,+At alisin mo ang panlilinlang sa iyong bibig. 25  Itutok mo ang iyong paningin sa harapan,Oo, tumitig ka* sa unahan.+ 26  Patagin mo* ang landas ng mga paa mo,+At magiging tuwid ang lahat ng iyong lakad. 27  Huwag kang liliko sa kanan o kaliwa.+ Ilayo mo sa kasamaan ang iyong mga paa.

Talababa

O “kautusan.”
Ama.
O “pangunahing.”
Palamuting ipinapatong sa ulo.
Lit., “Ikiling mo ang iyong tainga.”
Lit., “laman.”
O “ititig mo ang mga nagniningning mong mata.”
O posibleng “Pag-isipan mong mabuti.”

Study Notes

Media