Ayon kay Lucas 20:1-47
Talababa
Study Notes
punong saserdote: Tingnan ang study note sa Mat 2:4.
eskriba: Tingnan ang study note sa Mat 2:4.
matatandang lalaki: Tingnan ang study note sa Mat 16:21.
ilustrasyong: O “talinghagang.”—Tingnan ang study note sa Mat 13:3.
pinaupahan: Tingnan ang study note sa Mat 21:33.
nang mahaba-habang panahon: Si Lucas lang ang nagdagdag ng ekspresyong ito sa ilustrasyon tungkol sa mga magsasakang mamamatay-tao.—Ihambing ang mga kaparehong ulat sa Mat 21:33 at Mar 12:1.
pangunahing batong-panulok: Tingnan ang study note sa Mat 21:42.
Cesar: Tingnan ang study note sa Mat 22:17.
denario: Ang baryang pilak na ito ng mga Romano, na may nakasulat na pangalan ni Cesar, ang “buwis” na sinisingil ng mga Romano sa mga Judio. (Mat 22:17, 19; Luc 20:22) Noong panahon ni Jesus, ang mga manggagawa sa bukid ay karaniwang sinusuwelduhan ng isang denario para sa 12-oras na trabaho sa isang araw, at karaniwang ginagamit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan ang denario sa pagkalkula ng halaga ng ibang pera. (Mat 20:2; Mar 6:37; 14:5; Apo 6:6) Iba’t ibang klase ng baryang tanso at pilak ang ginagamit sa Israel, kasama na ang mga baryang pilak na ginawa sa Tiro na ginagamit na pambayad ng buwis sa templo. Pero sa pagbabayad ng buwis sa Roma, lumilitaw na ang pilak na denario na may larawan ni Cesar ang ipinambabayad ng mga tao.—Tingnan sa Glosari at Ap. B14.
larawan at pangalan: Tingnan ang study note sa Mat 22:20.
ibayad: Tingnan ang study note sa Mat 22:21.
kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar: Ang eksenang ito, na mababasa rin sa Mat 22:21 at Mar 12:17, ang nag-iisang nakaulat na pagkakataong binanggit ni Jesus ang Romanong emperador. Kasama sa “mga bagay na kay Cesar” ang pagbabayad para sa serbisyo ng gobyerno at ang pagbibigay ng karangalan at relatibong pagpapasakop sa mga awtoridad.—Ro 13:1-7.
sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos: Tingnan ang study note sa Mat 22:21.
Saduceo: Dito lang binanggit ang mga Saduceo sa Ebanghelyo ni Lucas. (Tingnan sa Glosari.) Malamang na may kaugnayan ang pangalang ito (sa Griego, Sad·dou·kaiʹos) kay Zadok (madalas na isulat na Sad·doukʹ sa Septuagint), na ginawang mataas na saserdote noong mga araw ni Solomon at na ang mga inapo ay lumilitaw na naglingkod bilang saserdote sa loob ng daan-daang taon.—1Ha 2:35.
pagkabuhay-muli: Ang salitang Griego na a·naʹsta·sis ay literal na nangangahulugang “pagbangon; pagtayo.” Ginamit ito nang mga 40 beses sa Kristiyanong Griegong Kasulatan para tumukoy sa pagkabuhay-muli ng mga patay. (Mat 22:23, 31; Luc 20:33; Gaw 4:2; 24:15; 1Co 15:12, 13) Sa salin ng Septuagint sa Isa 26:19, ginamit ang pandiwa ng a·naʹsta·sis bilang katumbas ng pandiwang Hebreo na “mabuhay” sa pariralang “ang iyong mga patay ay mabubuhay.”—Tingnan sa Glosari.
naging asawa: Tingnan ang study note sa Mar 12:21.
mga tao: Lit., “mga anak.” Ang salitang Griego na ginamit dito ay nasa panlalaking anyo. Pero sa kontekstong ito, malawak ang kahulugan ng salitang ito at hindi lang tumutukoy sa anak na lalaki. Malinaw na lalaki at babae ang tinutukoy dito dahil dalawang magkaibang salitang Griego ang ginamit para sa nag-aasawa, isa para sa mga lalaki at isa para sa mga babae. Sa kontekstong ito, ang buong ekspresyong “mga tao sa sistemang ito” ay maliwanag na isang idyoma para sa mga taong makasanlibutan ang ugali at paraan ng pamumuhay.
sistemang ito: Ang salitang Griego na ai·onʹ, na literal na nangangahulugang “panahon,” ay puwedeng tumukoy sa kalakaran o sa mga pagkakakilanlan ng isang espesipikong yugto ng panahon. Sa kontekstong ito, tumutukoy ito sa kasalukuyang sistema.—Tingnan ang study note sa Mat 12:32; Mar 10:30 at Glosari, “Sistema.”
darating na sistema: Ang salitang Griego na ai·onʹ, na literal na nangangahulugang “panahon,” ay puwedeng tumukoy sa kalakaran o sa mga pagkakakilanlan ng isang espesipikong yugto ng panahon. Dito, tumutukoy ito sa darating na sistema sa ilalim ng pamamahala ng Diyos, kung kailan bubuhaying muli ang mga namatay.—Tingnan ang study note sa Mat 12:32; Mar 10:30 at Glosari, “Sistema.”
anak: Ang salitang Griego para sa “anak,” na dalawang beses lumitaw sa talatang ito, ay nasa panlalaking anyo. Sa ilang konteksto, malawak ang kahulugan ng salitang ito at hindi lang tumutukoy sa anak na lalaki.—Tingnan ang study note sa Luc 20:34.
may binanggit si Moises: Tingnan ang study note sa Mar 12:26.
Tinawag niya si Jehova na ‘Diyos ni Abraham’: O “Sinabi niya: ‘Si Jehova na Diyos ni Abraham.’” Ipinapaliwanag dito ni Jesus na kahit matagal nang patay ang mga patriyarka, ipinakita ni Moises na Diyos pa rin nila si Jehova. Ang siniping bahagi sa talatang ito ay mula sa Exo 3:6. Makikita sa naunang mga talata (Exo 3:4, 5) na si “Jehova” ang nagsasalita, at sa Exo 3:6, sinabi ni Jehova kay Moises: “Ako ang Diyos ng iyong ama, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob.” Noong panahong iyon, 329 na taon nang patay si Abraham, 224 si Isaac, at 197 si Jacob. Pero hindi sinabi ni Jehova: ‘Ako ang Diyos nila noon,’ kundi sinabi niya: ‘Ako ang Diyos nila.’ Ang pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan ay isa sa mga dahilan kung bakit ginamit ng Bagong Sanlibutang Salin ang pangalang Jehova sa mismong teksto.—Tingnan ang Ap. C1 at introduksiyon sa Ap. C3; Luc 20:37.
dahil silang lahat ay buháy sa kaniya: O “dahil silang lahat ay buháy para sa kaniya.” Ipinapakita ng Bibliya na ang mga taong malayo sa Diyos ay para na ring patay sa kaniya, kahit buháy sila. (Efe 2:1; 1Ti 5:6) Pero ang mga lingkod ni Jehova na may pagsang-ayon niya ay nananatiling buháy sa paningin niya kahit patay na sila, dahil siguradong bubuhayin niya silang muli.—Ro 4:16, 17.
Jehova: Ang pangalan ng Diyos, na kinakatawan ng apat na katinig sa Hebreo (ang transliterasyon ay YHWH), ay lumitaw sa orihinal na tekstong Hebreo sa Aw 110:1, na sinipi rito. Pero gaya ng ipinaliwanag sa Ap. A5, karamihan ng salin ng Bibliya ay hindi gumamit ng pangalan ng Diyos sa tinatawag na Bagong Tipan, kahit sa mga pagsipi mula sa Hebreong Kasulatan. “Panginoon” lang ang mababasa sa karamihan ng Bibliya. Pero gaya ng makikita sa Ap. C, may mga salin ng Bibliya na gumamit ng Jehova, Yahveh, Yahweh, יהוה (YHWH, o Tetragrammaton), PANGINOON, at ADONAI sa malalaking letra (na nagpapakitang ipinampalit ito sa pangalan ng Diyos) sa mismong teksto ng Kristiyanong Griegong Kasulatan. Sa ilang edisyon ng King James Version noong ika-17 siglo, ginamit sa tekstong ito ang “PANGINOON” na nasa malalaking letra, pati sa tatlong iba pang teksto sa Kristiyanong Griegong Kasulatan kung saan sinipi ang Aw 110:1. (Mat 22:44; Mar 12:36; Gaw 2:34) Ganito rin ang ginawa sa mga sumunod na edisyon. Sa Hebreong Kasulatan ng saling iyon, ang paggamit ng “PANGINOON” ay nagpapakita na pangalan ng Diyos ang lumitaw sa orihinal na tekstong Hebreo, kaya kapag ginagamit ang “PANGINOON” sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, nangangahulugan itong iniisip ng mga tagapagsalin na si Jehova ang tinutukoy sa teksto. Kapansin-pansin din na sa New King James Version, na unang inilathala noong 1979, ginamit ang “PANGINOON” sa lahat ng pagsipi mula sa Hebreong Kasulatan kung saan ang tinutukoy ng salitang ito ay ang pangalan ng Diyos.
pamilihan: Tingnan ang study note sa Mat 23:7.
pinakamagagandang puwesto: Tingnan ang study note sa Mat 23:6.