Ayon kay Lucas 8:1-56
Talababa
Study Notes
ipinangangaral: Tingnan ang study note sa Mat 3:1.
si Maria na tinatawag na Magdalena: Ang babaeng madalas tawaging Maria Magdalena ay unang binanggit dito sa ulat ng ikalawang taon ng pangangaral ni Jesus. Ang pangalan niyang Magdalena (nangangahulugang “Ng, o Mula sa, Magdala”) ay malamang na kinuha sa bayan ng Magdala. Ang bayang ito ay nasa kanlurang baybayin ng Lawa ng Galilea at nasa pagitan ng Capernaum at Tiberias. Sinasabing sa Magdala lumaki si Maria o doon siya nakatira. Karaniwan nang nababanggit si Maria Magdalena sa mga ulat tungkol sa pagkamatay at pagkabuhay-muli ni Jesus.—Mat 27:55, 56, 61; Mar 15:40; Luc 24:10; Ju 19:25.
Juana: Pinaikling pambabaeng anyo ng pangalang Hebreo na Jehohanan, na nangangahulugang “Si Jehova ay Nagpakita ng Lingap; Si Jehova ay Nagmagandang-Loob.” Si Juana, isa sa mga babaeng pinagaling ni Jesus, ay dalawang beses lang binanggit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, at mababasa lang siya sa Ebanghelyo ni Lucas.—Luc 24:10.
Cuza: Katiwala sa bahay ni Herodes Antipas.
maglingkod sa kanila: O “sumuporta (maglaan) sa kanila.” Ang salitang Griego na di·a·ko·neʹo ay puwedeng tumukoy sa pag-aasikaso sa materyal na pangangailangan ng isa sa pamamagitan ng pagkuha ng pagkain, pagluluto, at paghahain, at iba pa. Ganiyan ang kahulugan ng salitang di·a·ko·neʹo sa Luc 10:40 (“paghahanda”), Luc 12:37 (“pagsisilbihan”), Luc 17:8 (“pagsilbihan”), at Gaw 6:2 (“mamahagi ng pagkain”), pero puwede rin itong tumukoy sa lahat ng iba pang paglilingkod para mailaan ang personal na pangangailangan ng isa. Sa tekstong ito, ipinaliwanag kung paano sumuporta kay Jesus at sa mga alagad niya ang mga babaeng binanggit sa talata 2 at 3. Nakatulong ang mga babaeng ito para matapos nina Jesus ang atas nila mula sa Diyos. Dahil diyan, naluwalhati ng mga babaeng ito ang Diyos, at ipinakita ng Diyos ang pagpapahalaga niya sa ginawa nila nang ipasulat niya sa Bibliya ang kanilang pagkamahabagin at pagkabukas-palad para mabasa ng mga susunod na henerasyon. (Kaw 19:17; Heb 6:10) Ito rin ang terminong Griego na ginamit para sa mga babaeng nakaulat sa Mat 27:55; Mar 15:41.—Tingnan ang study note sa Luc 22:26, kung saan ipinaliwanag ang kaugnay na pangngalang di·aʹko·nos.
ilustrasyon: Tingnan ang study note sa Mat 13:3.
sa bato: Tingnan ang study note sa Mat 13:5.
sa may matitinik na halaman: Tingnan ang study note sa Mat 13:7.
mga sagradong lihim: Tingnan ang study note sa Mat 13:11.
lampara: Tingnan ang study note sa Mat 5:15.
mga kapatid: Tingnan ang study note sa Mat 12:46.
ang aking ina at mga kapatid: Ipinapakita dito ni Jesus ang kaibahan ng mga kapatid niya sa espirituwal, ang kaniyang mga alagad, sa mga kapatid niya sa dugo, na ang ilan ay lumilitaw na hindi nananampalataya sa kaniya. (Ju 7:5) Ipinapakita niyang gaanuman kalapít ang ugnayan niya sa kaniyang mga kapamilya, mas malapít ang kaugnayan niya sa mga nakikinig sa salita ng Diyos at sumusunod dito.
kabilang panig: Silangang baybayin ng Lawa ng Galilea.
malakas na buhawi: Ang ekspresyong ito ay ipinanumbas sa dalawang salitang Griego na puwedeng literal na isaling “bagyong-hangin.” (Tingnan ang study note sa Mar 4:37.) Karaniwan lang ang malalakas na bagyo sa Lawa ng Galilea. Mga 210 m (690 ft) ang baba nito mula sa lebel ng dagat, at mas mainit ang hangin sa dagat kumpara sa nakapalibot na mga talampas at bundok. Dahil diyan, nagkakaroon ng pagbabago sa atmospera at nabubuo ang malakas na hangin na pinagmumulan ng malalaking alon.
lupain ng mga Geraseno: Ang rehiyon sa kabilang panig, sa silangang baybayin ng Lawa ng Galilea. Hindi matukoy sa ngayon ang eksaktong hangganan ng rehiyong ito, pati ang mismong lokasyon nito. Sinasabi ng ilan na ang “lupain ng mga Geraseno” ang rehiyon sa palibot ng Kursi, malapit sa matarik na dalisdis na nasa silangang baybayin ng lawa. Iniisip naman ng iba na ito ang malaking distrito na nakapalibot sa lunsod ng Gerasa (Jarash), na makikita 55 km (34 mi) sa timog-silangan ng Lawa ng Galilea. Tinatawag itong “lupain ng mga Gadareno” sa Mat 8:28. (Tingnan ang study note sa Mat 8:28; Mar 5:1.) Kahit magkaibang lugar ang binanggit, ang dalawang lupaing ito ay makikita sa iisang malawak na rehiyon sa silangang baybayin ng Lawa ng Galilea, at malamang na nagpapang-abot ang mga hangganan ng dalawang lupaing ito. Kaya hindi nagkakasalungatan ang mga ulat tungkol dito.—Tingnan din ang Ap. A7, Mapa 3B, “Mga Pangyayari sa May Lawa ng Galilea,” at Ap. B10.
Geraseno: Tingnan ang study note sa Mar 5:1.
isang lalaki . . . na sinasapian ng demonyo: Dalawang lalaki ang binanggit ni Mateo (8:28), pero isa lang ang sinabi nina Marcos (5:2) at Lucas. Maliwanag na nagpokus sina Marcos at Lucas sa isa sa mga lalaking sinapian ng demonyo dahil siya ang kinausap ni Jesus at mas kapansin-pansin ang nangyari sa kaniya. Posibleng mas marahas siya at mas matagal na sinapian ng demonyo. Posible rin na matapos pagalingin ang dalawang lalaki, siya lang ang gustong sumama kay Jesus.—Luc 8:37-39.
libingan: Tingnan ang study note sa Mat 8:28.
Bakit nandito ka, . . . ?: Tingnan ang study note sa Mar 5:7.
pahirapan: Ang kaugnay na terminong Griego ay tumutukoy sa mga tagapagbilanggo. (Tingnan ang study note sa Mat 18:34.) Kaya sa kontekstong ito, lumilitaw na ang ‘pagpapahirap’ ay tumutukoy sa paggapos o pagbibilanggo sa “kalaliman” gaya ng binabanggit sa Luc 8:31.
Hukbo: Tingnan ang study note sa Mar 5:9.
kalaliman: Ang salitang Griego na aʹbys·sos, na nangangahulugang “napakalalim” o “di-maarok; walang hangganan,” ay tumutukoy sa isang bilangguan o sa pagiging bilanggo. Lumilitaw ito nang siyam na beses sa Kristiyanong Griegong Kasulatan—dito, sa Ro 10:7, at pitong beses sa Apocalipsis. Sinasabi sa Apo 20:1-3 na sa hinaharap, ihahagis si Satanas sa kalaliman at mananatili siya roon nang sanlibong taon. Posibleng ito ang nasa isip ng hukbo ng mga demonyo nang magmakaawa sila kay Jesus na huwag silang papuntahin sa “kalaliman.” Sa talata 28, nagmakaawa ang isa sa mga demonyo na huwag siyang “pahirapan” ni Jesus. Sa kaparehong ulat sa Mat 8:29, nagtanong ang mga demonyo kay Jesus: “Pumunta ka ba rito para parusahan kami bago ang takdang panahon?” Kaya ang ‘pagpapahirap’ na kinatatakutan ng mga demonyo ay malamang na tumutukoy sa pagiging bilanggo “sa kalaliman.”—Tingnan ang Glosari at study note sa Mat 8:29.
baboy: Ang mga baboy ay marumi ayon sa Kautusan (Lev 11:7), pero may tindahan ng karne ng baboy sa komunidad ng mga di-Judio na nakatira sa rehiyon ng Decapolis, dahil para sa mga Griego at Romano, masarap na pagkain ang baboy. Hindi sinabi sa ulat kung ang “mga tagapag-alaga ng baboy” ay mga Judio na lumalabag sa Kautusan.—Luc 8:34.
patuloy mong sabihin sa iba kung ano ang ginawa ng Diyos para sa iyo: Karaniwan nang iniuutos ni Jesus na huwag ipamalita ang mga himala niya (Mar 1:44; 3:12; 7:36; Luc 5:14), pero inutusan niya ang lalaking ito na sabihin sa mga kamag-anak niya ang nangyari. Posibleng ganito ang iniutos niya dahil pinaalis siya ng mga tao sa lugar na iyon kaya hindi na siya makakapagpatotoo. Makakatulong din ang patotoo ng lalaki para maitama ang di-magandang balita na posibleng kumalat dahil sa pagkamatay ng mga baboy.
buong lunsod: Ang mababasa sa kaparehong ulat sa Mar 5:20 ay “sa Decapolis.” Kaya lumilitaw na ang lunsod na tinutukoy rito ay isa sa mga lunsod sa rehiyon ng Decapolis.—Tingnan sa Glosari, “Decapolis.”
nag-iisa: Ang salitang Griego na mo·no·ge·nesʹ ay nangangahulugang “kaisa-isa; bugtong; nag-iisa sa kaniyang uri; natatangi.” Ang terminong ito ay ginagamit para ilarawan ang kaugnayan ng anak na lalaki o babae sa mga magulang niya. Sa kontekstong ito, ginamit ang terminong ito para tumukoy sa kaisa-isang anak. Ginamit din ang salitang Griego na ito para tukuyin ang “kaisa-isang” anak ng biyuda sa Nain at ang “nag-iisang” anak na sinasapian ng demonyo na pinagaling ni Jesus. (Luc 7:12; 9:38) Ginamit ng Griegong Septuagint ang mo·no·ge·nesʹ para sa anak na babae ni Jepte. Mababasa doon: “Ito ang kaisa-isa niyang anak. Wala siyang ibang anak, lalaki man o babae.” (Huk 11:34) Sa mga ulat ni apostol Juan, limang beses niyang ginamit ang mo·no·ge·nesʹ para tukuyin si Jesus.—Para sa kahulugan ng terminong ito kapag ginagamit patungkol kay Jesus, tingnan ang study note sa Ju 1:14; 3:16.
dinudugo: Tingnan ang study note sa Mat 9:20.
Anak: Tingnan ang study note sa Mar 5:34.
Umuwi ka na at huwag nang mag-alala: Tingnan ang study note sa Mar 5:34.
hindi siya namatay. Natutulog lang siya: Tingnan ang study note sa Mar 5:39.
nabuhay siyang muli: O “bumalik ang kaniyang puwersa ng buhay.” Ang salitang Griego na pneuʹma na ginamit dito ay malamang na tumutukoy sa puwersa ng buhay sa mga nilalang sa lupa o sa hininga ng mga ito.—Tingnan ang study note sa Mat 27:50.