Ayon kay Marcos 4:1-41
Study Notes
inilayo ito nang kaunti . . . sa baybayin: Tingnan ang study note sa Mat 13:2.
ilustrasyon: Tingnan ang study note sa Mat 13:3.
sa batuhan: Tingnan ang study note sa Mat 13:5.
sa may matitinik na halaman: Tingnan ang study note sa Mat 13:7.
Ang may tainga ay makinig: Bago ilahad ni Jesus ang ilustrasyon tungkol sa magsasaka, sinabi niya: “Makinig kayo.” (Mar 4:3) Ito rin ang ipinayo niya pagkatapos niyang ilahad ang ilustrasyon. Idiniriin nito kung gaano kahalaga na pakinggan ng mga tagasunod niya ang sinasabi niya. Ganiyan din ang makikita sa Mat 11:15; 13:9, 43; Mar 4:23; Luc 8:8; 14:35; Apo 2:7, 11, 17, 29; 3:6, 13, 22; 13:9.
sistemang: Tingnan ang study note sa Mat 13:22.
lampara: Tingnan ang study note sa Mat 5:15.
basket: Tingnan ang study note sa Mat 5:15.
Kung gaano kalaki ang ibinibigay ninyo: Makikita sa talata 23 hanggang 25 na kung di-gaanong nagbibigay-pansin ang mga alagad sa itinuturo ni Jesus, hindi sila gaanong makikinabang. Pero kung magbubuhos sila dito ng pansin, ituturo at isisiwalat niya sa kanila ang mga bagay na higit pa sa inaasahan nila. Kaya makikinabang sila nang husto at mas maituturo nila sa iba ang natutuhan nila. Dahil bukas-palad si Jesus, mas maraming pagpapala ang ibibigay niya sa kanila kaysa sa inaasahan nila.
Ang Kaharian ng Diyos ay gaya ng isang tao na naghahasik ng binhi: Si Marcos lang ang manunulat ng Ebanghelyo na nag-ulat ng ilustrasyong mababasa sa talata 26 hanggang 29.
binhi ng mustasa: Tingnan ang study note sa Mat 13:31.
pinakamaliit sa lahat ng binhi: Tingnan ang study note sa Mat 13:32.
maintindihan: Lit., “pakinggan.” Ang salitang Griego para dito ay puwedeng mangahulugang “magbigay-pansin sa pamamagitan ng pakikinig” o “unawain.”—Ihambing ang study note sa Gaw 9:7; 22:9.
sa kabilang ibayo: Tingnan ang study note sa Mat 8:18.
malakas na buhawi: Ang ekspresyong ito ay ipinanumbas sa tatlong salitang Griego na puwedeng literal na isaling “malakas na bagyong-hangin.” (Tingnan ang study note sa Mat 8:24.) Hindi ito nasaksihan ni Marcos, kaya posibleng nakuha niya kay Pedro ang buhay na buhay na paglalarawan sa buhawi at ang iba pang detalye sa ulat niya.—May kinalaman sa naging impluwensiya ni Pedro sa Ebanghelyo ni Marcos, tingnan ang “Introduksiyon sa Marcos.”
unan: O “kutson.” Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, dito lang lumitaw ang salitang ito. Ipinapakita ng paggamit dito ng tiyak na pantukoy sa Griego na ang unan ay posibleng kasama talaga sa mga kagamitan sa bangka. Puwedeng isa itong sako ng buhangin na ginagamit na pampabigat sa ilalim ng kubyerta sa popa, upuan ng nagtitimon na nababalutan ng katad, o kutson o balahibo ng hayop na inuupuan ng nagsasagwan.