Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)

Nilalaman ng Mateo

  • A. Talaangkanan ni Jesu-Kristo (1:1-17)

  • B. Bago Isilang si Jesus Hanggang sa Bautismo Niya (1:18–3:17)

    • Pagdadalang-tao ni Maria sa pamamagitan ng banal na espiritu at ang reaksiyon ni Jose (1:18-25)

    • Pagdalaw ng mga astrologo at planong pagpatay ni Herodes (2:1-12)

    • Dinala nina Jose at Maria si Jesus at tumakas papuntang Ehipto (2:13-15)

    • Ipinapatay ni Herodes ang mga batang lalaki sa Betlehem at sa lahat ng distrito nito (2:16-18)

    • Tumira sa Nazaret ang pamilya ni Jesus (2:19-23)

    • Ministeryo ni Juan Bautista (3:1-12)

    • Bautismo ni Jesus (3:13-17)

  • C. Pagtukso ng Diyablo kay Jesus at Pasimula ng Pangangaral ni Jesus sa Galilea (4:1-25)

    • Tinanggihan ni Jesus ang mga tukso ng Diyablo (4:1-11)

    • Nagsimulang mangaral si Jesus tungkol sa Kaharian ng langit (4:12-17)

    • Tinawag ang unang apat na alagad para maging “mangingisda ng tao” (4:18-22)

    • Si Jesus ay nangaral, nagturo, at nagpagaling (4:23-25)

  • D. Sermon sa Bundok (5:1–7:29)

    • Sinimulan ni Jesus ang Sermon sa Bundok (5:1, 2)

    • Siyam na kaligayahan (5:3-12)

    • “Asin ng mundo” at “liwanag ng sangkatauhan” (5:13-16)

    • Tutuparin ni Jesus ang Kautusan (5:17-20)

    • Payo tungkol sa galit at paglutas ng di-pagkakaunawaan (5:21-26)

    • Payo tungkol sa pangangalunya at diborsiyo (5:27-32)

    • Payo tungkol sa panunumpa, pagganti, at pag-ibig sa kaaway (5:33-48)

    • Huwag magpakitang-tao (6:1-4)

    • Kung paano mananalangin at ang modelong panalangin (6:5-15)

    • Iwasan ang pakitang-taong pag-aayuno (6:16-18)

    • Kayamanan sa lupa at sa langit (6:19-24)

    • Huwag nang mag-alala; unahin ang Kaharian ng Diyos (6:25-34)

    • Huwag nang humatol (7:1-6)

    • Patuloy na humingi, maghanap, at kumatok (7:7-11)

    • Gintong Tuntunin (7:12)

    • Makipot na pintuang-daan (7:13, 14)

    • Huwad na mga propeta; makikilala ang puno sa bunga nito (7:15-23)

    • Bahay sa ibabaw ng malaking bato at bahay sa buhanginan (7:24-27)

    • Namangha ang mga tao sa paraan ng pagtuturo ni Jesus (7:28, 29)

  • E. Gumawa si Jesus ng Iba’t Ibang Himala sa Galilea (8:1–9:34)

    • Pinagaling ang isang ketongin (8:1-4)

    • Pananampalataya ng isang opisyal ng hukbo (8:5-13)

    • Maraming pinagaling si Jesus sa Capernaum (8:14-17)

    • Mga kahilingan para maging tagasunod ni Jesus (8:18-22)

    • Pinatahimik ni Jesus ang bagyo sa Lawa ng Galilea (8:23-27)

    • Pinapasok ang mga demonyo sa mga baboy (8:28-34)

    • Pinagaling ni Jesus ang isang paralitiko (9:1-8)

    • Tinawag ni Jesus si Mateo (9:9-13)

    • Tanong tungkol sa pag-aayuno (9:14-17)

    • Binuhay-muli ang anak ng isang tagapamahala; hinipo ng isang babae ang damit ni Jesus (9:18-26)

    • Pinagaling ni Jesus ang mga bulag at pipi (9:27-34)

  • F. Inilarawan ni Jesus ang Malawakang Gawaing Pagtuturo at Nagbigay Siya ng Tagubilin sa mga Guro (9:35–11:1)

    • Maraming aanihin pero kakaunti ang manggagawa (9:35-38)

    • Ang 12 apostol (10:1-4)

    • Tagubilin para sa ministeryo (10:5-15)

    • Pag-uusigin ang mga alagad (10:16-25)

    • Matakot sa Diyos, hindi sa tao (10:26-31)

    • Dumating si Jesus, hindi para magdala ng kapayapaan, kundi ng espada (10:32-39)

    • Ang mga tumatanggap sa mga alagad ni Jesus ay pagpapalain (10:40-42)

    • Naglakbay si Jesus para magturo at mangaral (11:1)

  • G. Naglakbay si Jesus sa Buong Galilea at Nagturo (11:2–12:50)

    • Itinanong ni Juan kung si Jesus nga ang hinihintay nila (11:2-6)

    • Pinuri ni Jesus si Juan Bautista (11:7-15)

    • Di-nagsisising henerasyon (11:16-19)

    • Kinondena ang Corazin, Betsaida, at Capernaum (11:20-24)

    • Pinuri ni Jesus ang kaniyang Ama sa pagsisiwalat ng katotohanan sa mga mapagpakumbaba (11:25-27)

    • Nakagiginhawa sa mga alagad ang pamatok ni Jesus (11:28-30)

    • Jesus, “Panginoon ng Sabbath” (12:1-8)

    • Pinagaling sa araw ng Sabbath ang isang lalaking may tuyot na kamay (12:9-14)

    • Si Jesus ang lingkod na minamahal ng Diyos (12:15-21)

    • Pinalayas ang mga demonyo sa pamamagitan ng banal na espiritu, hindi ni Beelzebub (12:22-30)

    • Kasalanang hindi mapatatawad (12:31, 32)

    • Nakikilala ang puno sa bunga nito (12:33-37)

    • Tanda ni Jonas (12:38-42)

    • Pagbabalik ng masamang espiritu (12:43-45)

    • Ina at mga kapatid ni Jesus (12:46-50)

  • H. Nagturo si Jesus Tungkol sa Kaharian sa Pamamagitan ng mga Ilustrasyon (13:1-58)

    • Mula sa bangka, nagturo si Jesus sa maraming tao (13:1, 2)

    • Naihasik ang binhi sa apat na klase ng lupa (13:3-9)

    • Kung bakit gumamit si Jesus ng mga ilustrasyon (13:10-17)

    • Ipinaliwanag ang ilustrasyon tungkol sa magsasaka (13:18-23)

    • Ang trigo at ang panirang-damo (13:24-30)

    • Ang binhi ng mustasa at ang pampaalsa (13:31-33)

    • Katuparan ng hula ang paggamit ni Jesus ng mga ilustrasyon (13:34, 35)

    • Ipinaliwanag ang ilustrasyon tungkol sa trigo at panirang-damo (13:36-43)

    • Nakabaong kayamanan at magandang klase ng perlas (13:44-46)

    • Ang lambat (13:47-50)

    • Bawat tagapagturo ay naglalabas ng bago at lumang kayamanan (13:51, 52)

    • Hindi pinahalagahan si Jesus sa sarili niyang bayan (13:53-58)

  • I. Pagtatapos ng Ministeryo ni Jesus sa Galilea at sa Kalapít na mga Lugar (14:1–18:35)

    • Kamatayan ni Juan Bautista (14:1-12)

    • Nagpakain si Jesus ng mga 5,000 lalaki, pati mga babae at bata (14:13-21)

    • Naglakad si Jesus sa ibabaw ng tubig (14:22-33)

    • Pagpapagaling sa Genesaret (14:34-36)

    • Isyu tungkol sa paghuhugas ng kamay (15:1-9)

    • Nanggagaling sa puso ang nagpaparumi sa tao (15:10-20)

    • Malaking pananampalataya ng babaeng taga-Fenicia (15:21-28)

    • Pinagaling ni Jesus ang maraming uri ng sakit (15:29-31)

    • Nagpakain si Jesus ng 4,000 lalaki, pati mga babae at bata (15:32-39)

    • Humingi ng tanda mula sa langit ang mga Pariseo at Saduceo (16:1-4)

    • Nagbabala si Jesus laban sa lebadura ng mga Pariseo at Saduceo (16:5-12)

    • Sinabi ni Pedro na si Jesus ang Kristo (16:13-17)

    • Ibinigay ni Jesus kay Pedro ang mga susi ng Kaharian (16:18-20)

    • Inihula ni Jesus ang kamatayan niya at pagkabuhay-muli (16:21-23)

    • Mga kahilingan para maging tunay na alagad (16:24-28)

    • Pagbabagong-anyo ni Jesus (17:1-13)

    • Pinalayas ni Jesus ang demonyong sumanib sa bata (17:14-18)

    • Pananampalatayang kasinliit ng binhi ng mustasa (17:19, 20)

    • Inihula ulit ni Jesus ang kamatayan niya at pagkabuhay-muli (17:22, 23)

    • Ipinambayad ng buwis ang baryang galing sa bibig ng isda (17:24-27)

    • Sino ang pinakadakila sa Kaharian? (18:1-6)

    • Mga dahilan ng pagkakasala (18:7-10)

    • Ilustrasyon tungkol sa nawawalang tupa (18:12-14)

    • Kung paano aayusin ang di-pagkakaunawaan at tutulungan ang kapatid na gawin ang tama (18:15-20)

    • Ilustrasyon tungkol sa aliping hindi mapagpatawad (18:21-35)

  • J. Ministeryo ni Jesus sa Perea at sa Jerico at sa Kalapít na mga Lugar Nito (19:1–20:34)

    • Pag-aasawa at diborsiyo (19:1-9)

    • Kaloob na pagiging walang asawa (19:10-12)

    • Ipinanalangin ni Jesus ang mga bata (19:13-15)

    • Tanong ng mayamang lalaki (19:16-26)

    • Gagantimpalaan ang mga sakripisyo para sa Kaharian (19:27-30)

    • Pare-parehong tumanggap ng isang denario ang mga manggagawa sa ubasan (20:1-16)

    • Muling inihula ni Jesus ang kamatayan niya at pagkabuhay-muli (20:17-19)

    • Humiling ng mga posisyon sa Kaharian (20:20-28)

    • Pinagaling ni Jesus ang dalawang bulag na lalaki malapit sa Jerico (20:29-34)

  • K. Huling Bahagi ng Ministeryo ni Jesus sa Jerusalem (21:1–23:39)

    • Nagbunyi ang mga tao sa pagpasok ni Jesus sa Jerusalem (21:1-11)

    • Nilinis ni Jesus ang templo (21:12-17)

    • Isinumpa ang puno ng igos (21:18-22)

    • Hinamon ang awtoridad ni Jesus (21:23-27)

    • Ilustrasyon tungkol sa ama at dalawang anak niya (21:28-32)

    • Ilustrasyon tungkol sa mga magsasakang mamamatay-tao (21:33-46)

    • Ilustrasyon tungkol sa handaan para sa kasal (22:1-14)

    • Ang Diyos at si Cesar (22:15-22)

    • Tanong tungkol sa pagkabuhay-muli (22:23-33)

    • Dalawang pinakamahalagang utos (22:34-40)

    • Ang Kristo ba ay anak ni David? (22:41-46)

    • Huwag gayahin ang mga eskriba at mga Pariseo (23:1-12)

    • Kaawa-awa ang mga eskriba at mga Pariseo (23:13-36)

    • Nalungkot si Jesus para sa Jerusalem (23:37-39)

  • L. Mga Hula ni Jesus Tungkol sa Tanda ng Presensiya Niya (24:1–25:46)

    • Tanong tungkol sa tanda ng presensiya ni Jesus (24:1-3)

    • Iba’t ibang bahagi ng tanda at ang malaking kapighatian (24:4-22)

    • Babala para hindi mailigaw ng mga nagkukunwaring Kristo (24:23-28)

    • Ang pagdating ng Anak ng tao (24:29-31)

    • Ilustrasyon tungkol sa puno ng igos (24:32, 33)

    • Ang henerasyong ito ay hindi lilipas (24:34, 35)

    • Hindi alam ng mga tao at mga anghel ang araw at oras; ang presensiya ni Jesus ay gaya ng panahon ni Noe (24:36-39)

    • Patuloy na magbantay (24:40-44)

    • Ang tapat at matalinong alipin at ang mga katangian ng isang masamang alipin (24:45-51)

    • Ilustrasyon tungkol sa 10 dalaga (25:1-13)

    • Ilustrasyon tungkol sa mga talento (25:14-30)

    • Ilustrasyon tungkol sa mga tupa at kambing (25:31-46)

  • M. Ang Pagtatraidor kay Jesus at ang Kaniyang Pagdurusa, Kamatayan, at Libing (26:1–27:66)

    • Nagplano ang mga saserdote na ipapatay si Jesus (26:1-5)

    • Binuhusan ng isang babae si Jesus ng mabangong langis (26:6-13)

    • Ang huling Paskuwa ni Jesus at ang pagtatraidor ni Hudas (26:14-25)

    • Pinasimulan ang Hapunan ng Panginoon (26:26-30)

    • Inihula ang pagkakaila ni Pedro (26:31-35)

    • Nanalangin si Jesus sa Getsemani (26:36-46)

    • Inaresto si Jesus at dinala sa Sanedrin (26:47-68)

    • Ikinaila ni Pedro si Jesus nang tatlong beses at humagulgol siya (26:69-75)

    • Dinala si Jesus kay Pilato (27:1, 2)

    • Nabagabag si Hudas at nagbigti (27:3-10)

    • Humarap si Jesus kay Pilato (27:11-26)

    • Ginawang katatawanan ng mga sundalo si Jesus (27:27-31)

    • Ipinako sa tulos si Jesus sa Golgota (27:32-44)

    • Kamatayan ni Jesus (27:45-56)

    • Paglilibing kay Jesus (27:57-61)

    • Binantayang mabuti ang libingan ni Jesus (27:62-66)

  • N. Binuhay-Muli si Jesus; Nagbigay Siya ng Utos na Gumawa ng mga Alagad (28:1-20)

    • Binuhay-muli si Jesus; nagpakita siya sa mga alagad niya (28:1-10)

    • Sinuhulan ang mga sundalo para magsinungaling tungkol sa pagkabuhay-muli ni Jesus (28:11-15)

    • Nagbigay si Jesus ng utos na gumawa ng mga alagad (28:16-20)