Mikas 6:1-16

6  Pakisuyo, pakinggan ninyo ang sinasabi ni Jehova. Tumayo ka, iharap mo sa mga bundok ang kaso mo,*At pakinggan sana ng mga burol ang tinig mo.+  2  Pakinggan ninyo, O mga bundok, ang kaso ni Jehova,Kayong matitibay na pundasyon ng lupa,+Dahil si Jehova ay may kaso laban sa kaniyang bayan;Sa Israel siya makikipagtalo:+  3  “Bayan ko, ano ba ang ginawa ko sa iyo? Paano kita pinagod?+ Tumestigo ka laban sa akin.  4  Dahil inilabas kita mula sa lupain ng Ehipto,+Sa pagkaalipin* ay tinubos kita;+Isinugo ko sa iyo sina Moises, Aaron, at Miriam.+  5  Bayan ko, alalahanin mo, pakisuyo, kung ano ang pinlano ni Haring Balak ng Moab,+At kung ano ang isinagot sa kaniya ni Balaam na anak ni Beor+—Kung ano ang nangyari mula sa Sitim+ hanggang sa Gilgal+Para malaman mo ang matuwid na mga gawa ni Jehova.”  6  Ano ang dadalhin ko kapag humarap ako kay Jehova? Ano ang dadalhin ko sa pagyukod ko sa harap ng Diyos na nasa langit? Haharap ba ako sa kaniya na may dalang mga buong handog na sinusunog,Mga guya* na isang taóng gulang?+  7  Matutuwa ba si Jehova sa libo-libong lalaking tupa,Sa napakaraming langis?+ Ibibigay ko ba ang panganay kong lalaki para sa aking pagkakamali,Ang sarili kong anak para sa aking kasalanan?+  8  Sinabi niya sa iyo, O tao, kung ano ang mabuti. At ano lang ang hinihiling sa iyo ni Jehova? Ang maging makatarungan,*+ ibigin ang katapatan,*+At maging mapagpakumbaba*+ sa paglakad na kasama ng iyong Diyos!+  9  Tumatawag si Jehova sa lunsod;Ang mga may praktikal na karunungan ay matatakot sa pangalan mo. Magbigay-pansin kayo sa magiging parusa sa inyo at sa magbibigay nito.*+ 10  Nasa bahay pa ba ng masasama ang mga kayamanang nakuha sa kasamaanAt ang madayang takalang epa* na kasumpa-sumpa? 11  Maituturing bang malinis ang pagkatao ko* kung madaya ang mga timbangan koAt kulang sa bigat ang mga batong panimbang na nasa supot ko?+ 12  Dahil ang kaniyang mayayaman ay napakarahas,At ang mga nakatira sa kaniya ay nagsasalita ng kasinungalingan;+Ang kanilang dila ay mapandaya.+ 13  “Kaya sasaktan kita at susugatan,+At magiging tiwangwang ka dahil sa iyong mga kasalanan. 14  Kakain ka pero hindi ka mabubusog;Mananatili kang gutom.+ Ang kinuha mo ay hindi mo madadala nang ligtas,At kung may madala ka man, ibibigay ko iyon sa mga kaaway mo.* 15  Maghahasik ka ng binhi, pero hindi ka gagapas. Magpipisa ka ng olibo, pero hindi mo magagamit ang langis;At gagawa ka ng bagong alak, pero hindi ka iinom ng alak.+ 16  Dahil sinusunod ninyo ang mga batas ni Omri at tinutularan ang lahat ng gawain ng sambahayan ni Ahab,+At nakikinig kayo sa payo nila. Kaya sa gagawin ko sa inyo ay mangingilabot ang mga tao,At ang mga nakatira sa lunsod ay hahamakin;*+At matitikman ninyo ang pandurusta ng mga bayan.”+

Talababa

O “ang usapin mo sa batas.”
Lit., “Sa bahay ng mga alipin.”
O “batang baka.”
O “At kilalanin ang limitasyon mo.”
O “maging mabait at tapat sa iyong pag-ibig.” Lit., “ibigin ang tapat na pag-ibig.”
O “patas.”
O “Magbigay-pansin kayo sa pamalo at sa nag-atas dito.”
Tingnan ang Ap. B14.
O “Maituturing ba akong walang-sala.”
Lit., “sa espada.”
Lit., “sisipulan.”

Study Notes

Media