Nehemias 8:1-18

8  Pagkatapos, ang buong bayan ay nagtipon-tipon sa liwasan* na nasa tapat ng Pintuang-Daan ng Tubig,+ at sinabi nila kay Ezra+ na tagakopya* na dalhin ang aklat ng Kautusan ni Moises,+ na ibinigay ni Jehova sa Israel.+ 2  Kaya nang unang araw ng ikapitong buwan,+ ang Kautusan ay dinala ni Ezra na saserdote sa harap ng nagkakatipong+ mga lalaki, babae, at lahat ng* kaya nang umunawa sa kanilang naririnig. 3  At mula pagsikat ng araw* hanggang tanghali, binasa niya iyon nang malakas+ sa harap ng mga lalaki, babae, at lahat ng* kaya nang umunawa na nasa liwasan sa tapat ng Pintuang-Daan ng Tubig; at ang bayan ay nakinig na mabuti+ sa aklat ng Kautusan. 4  At si Ezra na tagakopya* ay nakatayo sa isang entabladong kahoy na ginawa para sa okasyong iyon. Nakatayo sa kaniyang kanan sina Matitias, Sema, Anaias, Uria, Hilkias, at Maaseias; sa kaniyang kaliwa ay sina Pedaias, Misael, Malkias,+ Hasum, Has-badana, Zacarias, at Mesulam. 5  Binuksan ni Ezra ang aklat. Nakikita siya ng buong bayan dahil mataas ang kinatatayuan niya. Tumayo ang buong bayan nang buksan niya iyon. 6  Pagkatapos, pinuri ni Ezra si Jehova, ang tunay at dakilang Diyos. Sumagot ang buong bayan, “Amen!* Amen!”+ at itinaas nila ang kanilang mga kamay. Pagkatapos, lumuhod sila sa harap ni Jehova at yumukod sa lupa. 7  At ang mga Levitang sina Jesua, Bani, Serebias,+ Jamin, Akub, Sabetai, Hodias, Maaseias, Kelita, Azarias, Jozabad,+ Hanan, at Pelaias ay nagpaliwanag ng Kautusan sa bayan+ habang nakatayo ang bayan. 8  At patuloy nilang binasa nang malakas ang aklat, ang Kautusan ng tunay na Diyos. Ipinaliwanag nila ang kahulugan nito sa simple at malinaw na paraan, kaya natulungan nila ang mga tao na maintindihan ang binabasa.+ 9  At si Nehemias, na siyang gobernador* noon, si Ezra+ na saserdote at tagakopya,* at ang mga Levita na nagtuturo sa mga tao ay nagsabi sa buong bayan: “Ang araw na ito ay banal kay Jehova na inyong Diyos.+ Huwag kayong magdalamhati o umiyak.” Ang buong bayan kasi ay umiiyak habang naririnig nila ang nilalaman ng Kautusan. 10  Sinabi niya sa kanila: “Sige, kumain kayo ng pinakamasasarap na pagkain* at uminom kayo ng matatamis, at padalhan ninyo ng pagkain+ ang mga walang naihanda, dahil ang araw na ito ay banal sa ating Panginoon. At huwag kayong malungkot, dahil ang kagalakang nagmumula kay Jehova ang inyong moog.”* 11  At pinayapa ng mga Levita ang buong bayan at sinabi: “Huwag kayong umiyak, dahil banal ang araw na ito, at huwag kayong malungkot.” 12  Kaya umalis ang buong bayan para kumain, uminom, magpadala ng pagkain sa iba, at magdiwang,+ dahil naintindihan nila ang mga bagay na ipinaliwanag sa kanila.+ 13  Kinabukasan, ang mga ulo ng mga angkan ng buong bayan, ang mga saserdote, at ang mga Levita ay nagtipon sa palibot ni Ezra na tagakopya* para mas marami pa silang maintindihan mula sa Kautusan. 14  Pagkatapos, nakita nilang nakasulat sa Kautusan na iniutos ni Jehova sa pamamagitan ni Moises na ang mga Israelita ay dapat tumira sa mga kubol* sa panahon ng kapistahan sa ikapitong buwan,+ 15  at dapat nilang ipahayag+ at ipaalám sa lahat ng kanilang lunsod at sa buong Jerusalem: “Pumunta kayo sa mabundok na rehiyon at kumuha ng madahong mga sanga mula sa mga puno ng olibo, pino, mirto, palma, at iba pang puno para gumawa ng mga kubol, ayon sa nasusulat.” 16  Kaya umalis ang bayan at kumuha ng mga iyon para gumawa ng kubol sa kani-kanilang bubong, looban, pati na sa mga looban* ng bahay ng tunay na Diyos,+ sa liwasan ng Pintuang-Daan ng Tubig,+ at sa liwasan ng Pintuang-Daan ng Efraim.+ 17  Kaya ang lahat ng bumalik mula sa pagkabihag ay gumawa ng mga kubol at tumira sa mga iyon; ngayon na lang ito ginawa ng mga Israelita sa ganitong paraan mula noong panahon ni Josue+ na anak ni Nun, kaya nagkaroon ng napakalaking pagsasaya.+ 18  At araw-araw na binasa ang aklat ng Kautusan ng tunay na Diyos,+ mula nang unang araw hanggang sa huling araw. At pitong araw nilang ipinagdiwang ang kapistahan, at nagkaroon ng isang banal na pagtitipon sa ikawalong araw, ayon sa hinihiling ng Kautusan.+

Talababa

O “eskriba.”
O “plaza.”
O “lahat ng bata na.”
O “lahat ng bata na.”
O “mula bukang-liwayway.”
O “eskriba.”
O “Mangyari nawa!”
O “Tirsata,” titulong Persiano para sa gobernador ng isang distrito.
O “eskriba.”
Lit., “ng matatabang bagay.”
O “lakas.”
O “eskriba.”
O “pansamantalang tirahan.”
O “bakuran.”

Study Notes

Media