Obadias 1:1-21
1 Ang pangitain ni Obadias:*
Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova tungkol sa Edom:+
“May narinig kaming ulat mula kay Jehova,Isang mensahero ang ipinadala sa mga bansa:
‘Maghanda tayo para makipaglaban sa kaniya.’”+
2 “Ngayon ay ginawa kitang mahina sa gitna ng mga bansa;Lubusan kang hinamak.+
3 Dinaya ka ng kayabangan ng puso mo,+Ikaw na protektado ng malalaking bato,Ikaw na nakatira sa mataas na lugar at nagsasabi,*‘Sino ang magpapabagsak sa akin sa lupa?’
4 Kahit tumira ka pa sa napakataas na lugar* gaya ng agila,O ilagay mo ang iyong pugad sa mga bituin,Mula roon ay ibabagsak kita,” ang sabi ni Jehova.
5 “Kung pupuntahan ka ng mga magnanakaw sa gabi,Hindi ba ang gusto lang nila ang kukunin nila?
(Talagang mawawasak ka!)*
O kung mga tagapitas ng ubas ang magpupunta sa iyo,Hindi ba magtitira sila?+
6 Tinugis nila ang Esau!
Ninakaw nila ang nakatago niyang mga kayamanan!
7 Itinaboy ka nila sa hangganan.
Nilinlang ka ng lahat ng kaalyado mo.*
Pinabagsak ka ng mga kaibigan mo.*
Ang mga kasalo mo sa pagkain ay naglagay ng lambat na pambitag sa iyo,Pero hindi mo iyon namalayan.
8 Sa araw na iyon,” ang sabi ni Jehova,“Pupuksain ko ang marurunong sa Edom+At ang mga may unawa mula sa mabundok na rehiyon ng Esau.
9 At ang mga mandirigma mo ay matatakot,+ O Teman,+Dahil ang bawat isa sa kanila na nasa mabundok na rehiyon ng Esau ay papatayin.+
10 Dahil sa karahasang ginawa sa kapatid mong si Jacob,+Mababalot ka ng kahihiyan,+At maglalaho ka magpakailanman.+
11 Nang araw na tumayo ka lang at nanood,Nang araw na bihagin ng mga estranghero ang hukbo niya,+Nang pasukin ng mga dayuhan ang kaniyang pintuang-daan at pagpalabunutan+ ang Jerusalem,Naging gaya ka nila.
12 Hindi ka dapat nagsaya nang may masamang nangyari sa kapatid mo,+Hindi ka dapat nagdiwang nang mapahamak ang bayan ng Juda,+At hindi ka dapat nagyabang nang magdusa sila.
13 Hindi ka dapat pumasok sa pintuang-daan ng aking bayan sa araw ng kanilang kapahamakan,+Hindi ka dapat nagsaya nang magdusa siya sa araw ng kaniyang kapahamakan,At hindi ka dapat kumuha ng kaniyang yaman sa araw ng kaniyang kapahamakan.+
14 Hindi ka dapat nag-abang sa sangandaan para patayin ang mga tumatakas,+At hindi mo dapat ibinigay sa kaaway ang mga natirang buháy sa araw ng pagdurusa nila.+
15 Dahil ang araw ni Jehova laban sa lahat ng bansa ay malapit na.+
Kung ano ang ginawa mo, iyon din ang gagawin sa iyo.+
Kung paano mo pinakitunguhan ang iba, ganoon ka rin pakikitunguhan.
16 Dahil kung paanong uminom ka sa aking banal na bundok,Patuloy ring iinom* ang lahat ng bansa.+
Iinom sila at lalagok,At maglalaho sila na parang hindi sila kailanman umiral.
17 Pero sa Bundok Sion pupunta ang mga nakatakas,+At magiging banal iyon;+
At mababawi ng sambahayan ni Jacob ang mga pag-aari nila.+
18 Ang sambahayan ni Jacob ay magiging apoy,Ang sambahayan ni Jose ay magiging liyab,Ang sambahayan ni Esau ay magiging gaya ng dayami;Sisilaban nila ito at tutupukin,At walang matitirang buháy sa sambahayan ni Esau,+Dahil si Jehova mismo ang nagsabi.
19 Makukuha nila ang Negeb at ang mabundok na rehiyon ng Esau,+Ang Sepela at ang lupain ng mga Filisteo.+
Makukuha nila ang lupain ng Efraim at ang lupain ng Samaria,+At makukuha ng Benjamin ang Gilead.
20 Sa bayan ng Israel na binihag mula sa matibay na pader* na ito,+Sa kanila mapupunta ang lupain ng mga Canaanita hanggang sa Zarepat.+
At makukuha ng mga taga-Jerusalem, na naging tapon sa Separad, ang mga lunsod ng Negeb.+
21 At ang mga tagapagligtas ay aakyat sa Bundok SionPara hatulan ang mabundok na rehiyon ng Esau,+At ang paghahari ay magiging kay Jehova.”+
Talababa
^ Ibig sabihin, “Lingkod ni Jehova.”
^ O “at nagsasabi sa iyong puso.”
^ O posibleng “lumipad ka pa nang mataas.”
^ O posibleng “Gaano katindi ang gagawin nilang pagwasak?”
^ O “ng nakipagtipan sa iyo.”
^ O “mga lalaking may pakikipagpayapaan sa iyo.”
^ Iinom ng galit ng Diyos.
^ O “sa muralya.”