Oseas 11:1-12

11  “Minahal ko ang Israel noong bata pa siya,+At tinawag ko mula sa Ehipto ang anak ko.+  2  Habang tinatawag nila* sila,Lalo silang lumalayo.+ Patuloy silang naghahain sa mga imahen ni Baal+At naghahandog sa mga inukit na imahen.+  3  Pero ako ang nagturo sa Efraim na lumakad,+ at binubuhat ko sila sa mga bisig ko;+At hindi nila kinilala na pinagaling ko sila.  4  Inaakay ko sila gamit ang mga lubid ng tao,* ang mga panali ng pag-ibig;+At naging gaya ako ng nag-aalis ng pamatok sa leeg* nila,At maingat kong pinakain ang bawat isa sa kanila.  5  Hindi sila babalik sa Ehipto, pero Asirya ang maghahari sa kanila,+Dahil ayaw nilang manumbalik sa akin.+  6  At isang espada ang iwawasiwas sa mga lunsod niya,+At wawasakin nito ang mga halang niya at lalamunin sila dahil sa mga pakana nila.+  7  Napakadali para sa bayan ko na magtaksil sa akin.+ Kahit tinawag nila sila paitaas,* walang tumatayo.  8  Paano ko magagawang pabayaan ka, O Efraim?+ Paano ko magagawang ibigay ka sa iba, O Israel? Paano ko magagawang tratuhin kang gaya ng Adma O gawin sa iyo ang ginawa ko sa Zeboiim?+ Nagbago ang nadarama ko;Nakadama ako ng matinding* habag.+  9  Hindi ko ilalabas ang nag-aapoy kong galit. Hindi ko na muling wawasakin ang Efraim,+Dahil ako ay Diyos at hindi tao,Ang Banal sa gitna ninyo;At hindi ko kayo haharapin nang galit na galit. 10  Lalakad silang kasunod ni Jehova, at uungal siyang gaya ng leon;+Kapag umungal siya, ang mga anak niya ay darating mula sa kanluran na nanginginig.+ 11  Manginginig silang gaya ng ibon kapag umalis sila sa Ehipto,Gaya ng isang kalapati kapag umalis sila sa Asirya;+At patitirahin ko sila sa mga bahay nila,” ang sabi ni Jehova.+ 12  “Pinalibutan ako ng Efraim ng mga kasinungalingan,+At ng sambahayan ng Israel ng panlilinlang. Pero ang Juda ay lumalakad pa ring kasama ng Diyos,At tapat siya sa Kabanal-banalan.”+

Talababa

Ang mga propeta at ang iba pang isinugo para magturo sa Israel.
O “mga lubid ng kabaitan,” gaya ng ginagamit ng isang magulang.
Lit., “mga panga.”
Isang nakatataas na anyo ng pagsamba.
Lit., “Uminit ang aking.”

Study Notes

Media