Oseas 12:1-14

12  “Hangin ang kinakain ng Efraim. Buong araw siyang naghahabol sa hanging silangan. Paulit-ulit siyang nagsisinungaling at gumagawa ng karahasan. Nakipagtipan sila sa Asirya+ at nagdala ng langis sa Ehipto.+   May kaso si Jehova laban sa Juda;+Paparusahan Niya ang Jacob dahil sa landasin niya,At gagantihan Niya siya ayon sa mga ginagawa niya.+   Habang nasa sinapupunan, hinawakan niya sa sakong ang kapatid niya,+At buong lakas siyang nakipagbuno sa Diyos.+   Patuloy siyang nakipagbuno sa isang anghel at nanalo. Umiyak siya at humingi ng pagpapala.”+ Nakita Niya siya sa Bethel, at doon Siya nakipag-usap sa atin,+   Si Jehova na Diyos ng mga hukbo,+Jehova ang kaniyang pangalan na dapat tandaan.+   “Kaya manumbalik ka sa iyong Diyos,+Panatilihin mo ang iyong tapat na pag-ibig at katarungan,+At lagi kang umasa sa iyong Diyos.   Pero madayang timbangan ang hawak ng negosyante;Gustong-gusto niyang mandaya.+   Laging sinasabi ng Efraim, ‘Talagang yumaman ako;+Nagkaroon ako ng kayamanan.+ At wala silang makikitang mali o masama sa lahat ng ginagawa ko.’   Pero ako si Jehova na iyong Diyos mula pa sa lupain ng Ehipto.+ Patitirahin kitang muli sa mga toldaGaya noong mga araw ng isang itinakdang panahon.* 10  Nakipag-usap ako sa mga propeta,+Pinarami ko ang mga pangitain nila,At naglahad ako ng mga ilustrasyon* sa pamamagitan ng mga propeta. 11  May panlilinlang* at kasinungalingan sa Gilead.+ Naghandog sila ng mga toro sa Gilgal,+At ang mga altar nila ay gaya ng mga bunton ng bato sa mga tudling* ng bukid.+ 12  Tumakas si Jacob papunta sa teritoryo* ng Aram;*+Naglingkod doon si Israel+ para sa isang asawa,+At para sa isang asawa ay nagbantay siya ng mga tupa.+ 13  Sa pamamagitan ng isang propeta, inilabas ni Jehova ang Israel sa Ehipto,+At sa pamamagitan ng isang propeta ay binantayan niya ito.+ 14  Napakasama ng nagawang kasalanan ng Efraim;+Mananatili siyang may-sala dahil sa pagpapadanak niya ng dugo;Pagbabayarin siya ng kaniyang Panginoon dahil sa kahihiyang idinulot niya.”+

Talababa

O posibleng “isang kapistahan.”
O “talinghaga.”
O “hiwaga; mahika.”
Makitid na hukay sa inararong lupa.
O “Sirya.”
Lit., “parang.”

Study Notes

Media