Mga Panaghoy 1:1-22

א [Alep]* 1  Nakaupo siyang mag-isa, ang lunsod na dating punô ng tao!+ Naging tulad siya ng isang biyuda, siya na dating matao sa gitna ng mga bansa!+ Siya na dating prinsesa sa gitna ng mga distrito ay puwersahang pinagtatrabaho!+ ב [Bet]  2  Humahagulgol siya sa gabi,+ at basang-basa ng luha ang mga pisngi niya. Walang sinuman sa mga mangingibig niya ang umaaliw sa kaniya.+ Pinagtaksilan siya ng lahat ng kasamahan niya;+ naging kaaway niya sila. ג [Gimel]  3  Ipinatapon ang Juda+ at dumanas siya ng pang-aapi at pang-aalipin.+ Napilitan siyang tumira kasama ng mga bansa;+ wala siyang makitang pahingahan. Inabutan siya ng lahat ng umuusig sa kaniya habang nagdurusa siya. ד [Dalet]  4  Ang mga daan papuntang Sion ay nagdadalamhati, dahil walang pumupunta sa kapistahan.+ Ang lahat ng pintuang-daan niya ay tiwangwang;+ ang mga saserdote niya ay nagbubuntonghininga. Ang mga dalaga niya ay namimighati, at siya ay nagdurusa. ה [He]  5  Ang mga kalaban niya ay panginoon* na niya ngayon; ang mga kaaway niya ay hindi nababahala.+ Pinighati siya ni Jehova dahil sa dami ng kasalanan niya.+ Binihag ng mga kalaban ang mga anak niya.+ ו [Waw]  6  Nawala ang lahat ng karilagan ng anak na babae ng Sion.+ Ang matataas na opisyal niya ay gaya ng mga lalaking usa na walang makitang pastulan,At lumalakad sila nang walang lakas habang tumatakas sa humahabol sa kanila. ז [Zayin]  7  Noong nagdurusa siya at walang matirhan, naalaala ng JerusalemAng lahat ng kaniyang kanais-nais na bagay noong unang panahon.+ Nang mahulog ang bayan niya sa kamay ng kalaban at walang tumulong sa kaniya,+Nakita siya ng mga kalaban at pinagtawanan nila ang* pagbagsak niya.+ ח [Het]  8  Nagkasala nang malubha ang Jerusalem,+ Kaya naging kasuklam-suklam siya. Hinahamak na siya ngayon ng lahat ng dating nagpaparangal sa kaniya, dahil nakita nila siyang hubad.+ Dumaraing siya+ at tumatalikod dahil sa kahihiyan. ט [Tet]  9  Ang karumihan niya ay nasa mga laylayan niya. Hindi niya inisip ang kinabukasan niya.+ Matindi ang pagbagsak niya; walang umaaliw sa kaniya. O Jehova, tingnan mo ang paghihirap ko, dahil nagmamalaki ang kaaway.+ י [Yod] 10  Kinuha ng kalaban ang lahat ng kayamanan niya.+ Nakita niyang pumasok sa santuwaryo niya ang mga bansa,+Ang mga inutusan mong huwag pumasok sa loob ng kongregasyon mo. כ [Kap] 11  Ang buong bayan niya ay nagbubuntonghininga; naghahanap sila ng tinapay.+ Ibinigay nila ang mahahalaga nilang pag-aari kapalit ng makakain, para manatiling buháy. Tingnan mo, O Jehova, ako ay naging isang babaeng* walang kabuluhan. ל [Lamed] 12  Bale-wala ba ito sa inyo, kayong lahat na dumadaan? Tingnan ninyo! May papantay ba sa kirot na nararamdaman ko,Na ibinigay sa akin ni Jehova sa araw ng kaniyang nag-aapoy na galit?+ מ [Mem] 13  Nagpadala siya ng apoy mula sa langit para sunugin ang bawat buto ko.+ Naglatag siya ng lambat para sa mga paa ko; napaurong niya ako. Ginawa niya akong isang babaeng nag-iisa. May sakit ako buong araw. נ [Nun] 14  Ang mga kasalanan ko ay nakatali sa akin na parang pamatok; itinali niya ang mga iyon ng kamay niya. Inilagay ang mga iyon sa leeg ko, at nawalan ako ng lakas. Ibinigay ako ni Jehova sa kamay ng mga hindi ko kayang labanan.+ ס [Samek] 15  Itinaboy ni Jehova ang lahat ng malalakas na lalaki sa gitna ko.+ Tumawag siya ng isang kapulungan laban sa akin para durugin ang aking kalalakihan.+ Tinapakan ni Jehova ang anak na dalaga ng Juda sa pisaan ng ubas.+ ע [Ayin] 16  Umiiyak ako dahil sa mga bagay na ito;+ umaagos ang luha sa mga mata ko. Dahil malayo sa akin ang mga puwedeng umaliw o magpaginhawa sa akin. Ang mga anak ko ay nawalan ng pag-asa, dahil nagtagumpay ang kaaway. פ [Pe] 17  Iniunat ng Sion ang mga kamay niya;+ walang umaaliw sa kaniya. Inutusan ni Jehova ang lahat ng nasa palibot ng Jacob na kalabanin siya.+ Ang Jerusalem ay naging kasuklam-suklam sa kanila.+ צ [Tsade] 18  Matuwid si Jehova,+ dahil nagrebelde ako sa mga utos* niya.+ Makinig kayo, lahat kayong mga bayan, at tingnan ninyo ang paghihirap ko. Binihag ang aking mga dalaga at binata.+ ק [Kop] 19  Tinawag ko ang aking mga mangingibig, pero pinagtaksilan nila ako.+ Namatay ang aking mga saserdote at matatandang lalaki sa lunsod,Habang naghahanap sila ng makakain para manatiling buháy.+ ר [Res] 20  Tingnan mo ako, O Jehova, dahil labis akong nagdurusa. Naghihirap ang kalooban* ko. Nababagabag ang puso ko, dahil lubusan akong nagrebelde.+ Sa labas, ang espada ay pumapatay;+ sa loob ng bahay ay mayroon ding kamatayan. ש [Shin] 21  Narinig ng mga tao ang pagbubuntonghininga ko; walang umaaliw sa akin. Narinig ng lahat ng kaaway ko ang tungkol sa kapahamakan ko. Nagsaya sila, dahil pinasapit mo ito.+ Pero pasasapitin mo ang araw na inihayag mo,+ kung kailan sila ay magiging gaya ko.+ ת [Taw] 22  Makita mo nawa ang lahat ng kasamaan nila, at parusahan mo nawa sila,+Kung paanong pinarusahan mo ako dahil sa lahat ng kasalanan ko. Dahil lagi akong nagbubuntonghininga, at ang puso ko ay may sakit.

Talababa

Ang kabanata 1-4 ay mga awit ng pagdadalamhati na nakaayos ayon sa alpabetong Hebreo o istilong akrostik.
Lit., “ulo.”
O “at natuwa sila sa.”
Tumutukoy sa Jerusalem.
Lit., “sa bibig.”
Lit., “bituka.”

Study Notes

Media