Liham ni Santiago 5:1-20

5  Makinig kayo ngayon, kayong mayayaman, umiyak kayo at humagulgol dahil sa mga pagdurusang mararanasan ninyo.+ 2  Ang kayamanan ninyo ay nabulok, at ang damit ninyo ay kinain ng insekto.*+ 3  Ang inyong ginto at pilak ay kinalawang, at ang kalawang nito ay magiging patotoo laban sa inyo at kakainin nito ang laman ninyo. Ang mga inimbak ninyo ay magiging gaya ng apoy sa mga huling araw.+ 4  Ang bayad na ipinagkait ninyo sa mga manggagawa na umani sa mga bukid ninyo ay patuloy na sumisigaw, at ang paghingi ng tulong ng mga manggagapas ay narinig ni Jehova* ng mga hukbo.+ 5  Namuhay kayo nang marangya sa lupa at nagpakasasa. Pinataba ninyo ang puso ninyo sa araw ng pagpatay.+ 6  Humatol kayo; pinatay ninyo ang matuwid. Hindi ba laban siya sa inyo? 7  Kaya maging matiisin kayo, mga kapatid, hanggang sa dumating ang panahon ng presensiya* ng Panginoon.+ Ang magsasaka ay patuloy na naghihintay sa mahalagang bunga ng lupa, at nagtitiis siya hanggang sa dumating ang maagang ulan at ang huling ulan.+ 8  Maging matiisin din kayo;+ patatagin ninyo ang puso ninyo, dahil ang presensiya ng Panginoon ay malapit na.+ 9  Mga kapatid, huwag kayong magbulong-bulungan* laban sa isa’t isa, para hindi kayo mahatulan.+ Ang Hukom ay nakatayo na sa harap ng pinto. 10  Mga kapatid, tularan ninyo ang halimbawa ng mga propetang nagsalita sa pangalan ni Jehova;* nagdusa sila+ at nagtiis.+ 11  Itinuturing nating maligaya* ang mga nakapagtiis.*+ Nalaman ninyo ang tungkol sa pagtitiis* ni Job+ at kung paano siya pinagpala ni Jehova* nang bandang huli,+ at nakita ninyo na si Jehova* ay napakamapagmahal* at maawain.+ 12  Higit sa lahat, mga kapatid ko, huwag na kayong sumumpa, sa ngalan man ng langit o ng lupa o ng anupamang ibang sumpa. Pero tiyakin ninyo na ang inyong “Oo” ay oo at ang inyong “Hindi” ay hindi,+ para hindi kayo mahatulan. 13  Mayroon bang sinuman sa inyo na nagdurusa? Patuloy siyang manalangin.+ Mayroon bang sinumang masaya sa inyo? Umawit siya ng mga salmo.+ 14  Mayroon bang sinuman sa inyo na may sakit? Tawagin niya ang matatandang lalaki+ sa kongregasyon, at ipanalangin nila siya at pahiran ng langis+ sa pangalan ni Jehova.* 15  At ang panalangin na may pananampalataya ay magpapagaling sa maysakit,* at ibabangon siya ni Jehova.* At kung nakagawa siya ng mga kasalanan, patatawarin siya. 16  Kaya ipagtapat ninyo sa isa’t isa ang mga kasalanan ninyo+ at ipanalangin ninyo ang isa’t isa, para mapagaling kayo. Napakalaki ng nagagawa* ng pagsusumamo ng taong matuwid.+ 17  Si Elias ay isang taong may damdaming tulad ng sa atin, pero nang marubdob siyang manalangin na huwag umulan, hindi umulan sa lupain sa loob ng tatlong taon at anim na buwan.+ 18  At muli siyang nanalangin, at bumuhos ang ulan mula sa langit at namunga ang lupain.+ 19  Mga kapatid ko, kung ang sinuman sa inyo ay malihis mula sa katotohanan at may magpanumbalik sa kaniya, 20  dapat ninyong malaman na ang magpapanumbalik sa isang makasalanan mula sa maling landasin niya+ ay makapagliligtas sa kaniya* mula sa kamatayan at makapagtatakip ng maraming kasalanan.+

Talababa

O “tangà,” isang insekto na kumakain ng tela.
Tingnan ang Ap. A5.
O “pagkanaririto.”
O “dumaing; magreklamo.” Lit., “magbuntonghininga.”
Tingnan ang Ap. A5.
O “napakamapagmalasakit.”
Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan ang Ap. A5.
O “pagbabata.”
O “pinagpala.”
O “nakapagbata.”
Tingnan ang Ap. A5.
O posibleng “ay magpapaginhawa sa pagod.”
Tingnan ang Ap. A5.
Lit., “Malakas ang puwersa.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Study Notes

Media