Zacarias 13:1-9

13  “Sa araw na iyon, bubuksan ang isang balon para sa sambahayan ni David at sa mga taga-Jerusalem para sa paglilinis ng kasalanan at karumihan.+ 2  “Sa araw na iyon,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, “buburahin ko ang pangalan ng mga idolo mula sa lupain,+ at hindi na sila maaalaala pa; at aalisin ko sa lupain ang mga propeta+ at ang espiritu ng karumihan. 3  At kung may isang tao na muling manghuhula, sasabihin sa kaniya ng kaniyang ama at ina, na nagsilang sa kaniya, ‘Mamamatay ka, dahil nagsasalita ka ng kasinungalingan sa pangalan ni Jehova.’ At sasaksakin siya ng kaniyang ama at ina, na nagsilang sa kaniya, dahil sa kaniyang panghuhula.+ 4  “Sa araw na iyon, ikahihiya ng bawat isa sa mga propeta ang kaniyang pangitain kapag nanghuhula siya; at hindi sila magbibihis ng opisyal na damit na gawa sa balahibo ng hayop+ para manlinlang. 5  At sasabihin niya, ‘Hindi ako propeta. Isa akong magsasaka, dahil binili ako ng isang tao noong bata pa ako.’ 6  At kung may magtatanong sa kaniya, ‘Bakit may mga sugat ka sa pagitan ng mga balikat mo?’* sasagot siya, ‘Nasugatan ako sa bahay ng mga kaibigan ko.’”*  7  “O espada, gumising ka laban sa aking pastol,+Laban sa lalaking kasamahan ko,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo. “Saktan mo ang pastol,+ at hayaang mangalat ang kawan;*+At iuunat ko ang aking kamay laban sa mga hamak.”  8  “At sa buong lupain,” ang sabi ni Jehova,“Dalawang bahagi ang lilipulin at maglalaho;*At ang ikatlong bahagi ay maiiwan doon.  9  At pararaanin ko sa apoy ang ikatlong bahagi;At dadalisayin ko silang gaya ng pagdalisay sa pilak,At susuriin ko silang gaya ng pagsuri sa ginto.+ Tatawag sila sa pangalan ko,At sasagutin ko sila. Sasabihin ko, ‘Sila ang aking bayan,’+ At sasabihin naman nila, ‘Si Jehova ang aming Diyos.’”

Talababa

Lit., “sa pagitan ng mga kamay mo.” Sa dibdib o sa likod.
O “mga nagmamahal sa akin.”
O “mga tupa.”
O “mamamatay.”

Study Notes

Media