Zefanias 1:1-18

1  Ang mensahe ni Jehova na dumating kay Zefanias* na anak ni Cusi na anak ni Gedalias na anak ni Amarias na anak ni Hezekias noong panahon ni Josias+ na anak ni Amon+ na hari ng Juda:  2  “Lubusan kong papawiin ang lahat ng bagay mula sa ibabaw ng lupa,” ang sabi ni Jehova.+  3  “Papawiin ko ang tao at ang hayop. Papawiin ko ang mga ibon sa langit at ang mga isda sa dagat,+At ang mga katitisuran*+ kasama ng masasama;At aalisin ko ang mga tao mula sa ibabaw ng lupa,” ang sabi ni Jehova.  4  “Iuunat ko ang kamay ko laban sa JudaAt laban sa lahat ng taga-Jerusalem,At papawiin ko mula sa lugar na ito ang lahat ng bakas ni Baal,+Ang pangalan ng mga saserdote ng huwad na diyos, pati na ang mga saserdote,+  5  At ang mga nasa bubong na yumuyukod sa hukbo ng langit,+At ang mga yumuyukod at nangangako ng katapatan kay Jehova+Samantalang nangangako ng katapatan kay Malcam;+  6  At ang mga tumatalikod mula sa pagsunod kay Jehova+At hindi humahanap kay Jehova o sumasangguni sa kaniya.”+  7  Tumahimik ka sa harap ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, dahil ang araw ni Jehova ay malapit na.+ Naghanda si Jehova ng isang hain; tinawag* niya ang mga inanyayahan niya.  8  “Sa araw ng hain kay Jehova, pananagutin ko ang matataas na opisyal,Ang mga anak ng hari,+ at ang lahat ng nakadamit na pambanyaga.  9  Pananagutin ko ang lahat ng umaakyat sa plataporma* sa araw na iyon,Ang mga nagpapalaganap ng karahasan at panlilinlang sa bahay ng panginoon nila. 10  Sa araw na iyon,” ang sabi ni Jehova,“Maririnig ang paghiyaw mula sa Pintuang-Daan ng mga Isda,+Ang paghagulgol mula sa Ikalawang Distrito ng lunsod,+ At ang malakas na pagbagsak mula sa mga burol. 11  Humagulgol kayo, kayong mga nakatira sa Maktes,*Dahil ang lahat ng negosyante ay pinuksa;*Ang lahat ng nagtitimbang ng pilak ay nilipol. 12  Sa panahong iyon, maghahanap akong mabuti sa Jerusalem gamit ang mga lampara,At pananagutin ko ang mga nagwawalang-bahala* at nagsasabi sa sarili nila,‘Si Jehova ay hindi gagawa ng mabuti, at hindi siya gagawa ng masama.’+ 13  Ang kayamanan nila ay kakamkamin at ang mga bahay nila ay wawasakin.+ Magtatayo sila ng mga bahay, pero hindi nila matitirhan ang mga iyon;At magtatanim sila ng ubas, pero hindi sila iinom ng alak mula roon.+ 14  Ang dakilang araw ni Jehova ay malapit na!+ Malapit na ito at napakabilis ng pagdating nito!+ Ang ingay ng araw ni Jehova ay nakapipighati.*+ Sa araw na iyon ay sisigaw ang mandirigma.+ 15  Ang araw na iyon ay araw ng galit,+Araw ng kapighatian at ng pagdurusa,+Araw ng bagyo at ng pagkatiwangwang,Araw ng kadiliman at matinding karimlan,+Araw ng makapal at maitim na ulap,+ 16  Araw ng tambuli at ng hudyat ng labanan,+Laban sa mga napapaderang* lunsod at laban sa matataas na tore sa mga kanto ng pader.+ 17  Pipighatiin ko ang mga tao,At lalakad sila na parang bulag,+Dahil kay Jehova sila nagkasala.+ Ang dugo nila ay ibubuhos na gaya ng alabok,At ang kanilang laman* na gaya ng dumi.+ 18  Hindi sila maililigtas ng kanilang pilak o ginto sa araw ng galit ni Jehova;+Dahil sa nag-aapoy niyang galit, ang buong lupa ay matutupok,+Dahil magsasagawa siya ng pagpuksa, isang kakila-kilabot na pagpuksa, sa lahat ng nakatira sa lupa.”+

Talababa

Ibig sabihin, “Ikinubli (Iningatan) ni Jehova.”
Lumilitaw na tumutukoy sa mga bagay o gawain na kaugnay ng pagsamba sa mga diyos-diyusan.
O “pinabanal.”
O “podyum.” Posibleng ang plataporma ng trono ng hari.
Malamang na isang lugar sa Jerusalem na malapit sa Pintuang-Daan ng Isda.
Lit., “pinatahimik.”
Lit., “ang mga namumuo sa kanilang latak,” gaya ng sa bariles ng alak.
Lit., “mapait.”
O “nakukutaang.”
Lit., “bituka.”

Study Notes

Media