C3
Mga Talata sa Lucas Kung Saan Lumitaw ang Pangalan ni Jehova Kahit Hindi Mula sa Tuwiran o Di-tuwirang Pagsipi
LUCAS 1:6 “utos at kahilingan ng batas ni Jehova”
DAHILAN: Kahit “ng Panginoon” (tou Ky·riʹou) ang ginamit dito ng mga manuskritong Griego na mayroon tayo sa ngayon, may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Makikita sa kontekstong ito na ang tinutukoy ay ang Diyos. Sa unang dalawang kabanata ng ulat ni Lucas, maraming mababasang pagsipi at kahawig na pananalita at ekspresyon sa Hebreong Kasulatan kung saan lumitaw ang pangalan ng Diyos. Halimbawa, ang pariralang “utos at kahilingan ng batas” at ang kahawig na kombinasyon ng mga terminong ginagamit sa batas ay makikita sa Hebreong Kasulatan, at sa konteksto kung saan lumitaw ang mga ito, nandoon ang pangalan ng Diyos o si Jehova mismo ang nagsasalita. (Genesis 26:2, 5; Bilang 36:13; Deuteronomio 4:40; Ezekiel 36:23, 27) Kapansin-pansin na ang dalawang Griegong terminong ito sa batas ay lumitaw sa salin ng Septuagint sa Deuteronomio 27:10. Sa isang lumang piraso ng papiro ng Griegong Septuagint (sa koleksiyong Papyrus Fouad Inv. 266) kung saan makikita ang ilang bahagi ng tekstong ito, nakasulat ang pangalan ng Diyos sa kuwadradong mga letrang Hebreo. Ang pirasong ito ay mula noong unang siglo B.C.E. Ang pagkakagamit sa Hebreong Kasulatan ng mga terminong ito na may kinalaman sa pamantayan ni Jehova ay nagpapakitang ang Kyʹri·os ay ipinalit sa pangalan ng Diyos.
REPERENSIYA:
Sinasabi ng A Translator’s Handbook on the Gospel of Luke, na inilathala ng United Bible Societies (1971) at isinulat nina J. Reiling at J. L. Swellengrebel, tungkol sa Lucas 1:6: “[Isinaling] ‘Panginoon,’ gaya sa Septuagint, kung saan ginagamit ang kurios bilang panumbas sa Hebreong ʼadonay kapag tumutukoy kay Yahweh. Totoo iyan sa lahat ng paglitaw ng ‘Panginoon’ sa kab. 1 at 2 (maliban sa 1:43 at 2:11), at sa 5:17.”
Sinasabi ng The International Standard Bible Encyclopedia, na inedit ni Geoffrey W. Bromiley, 1982, (Tomo 2, p. 508): “Ang Griegong kyrios ay karaniwang isinasaling ‘Lord’ sa mga bersiyong Ingles, at katumbas ito ng Hebreong YHWH sa LXX [Septuagint] . . . Ang ‘Lord’ ay puwedeng tumukoy sa Diyos (ang Ama; Mat. 5:33; Luc. 1:6).”
Sinasabi ng A Theology of Luke’s Gospel and Acts, ni Darrell L. Bock, 2011, (p. 126): “Ang madalas na paggamit ng salitang κύριος (kyrios) ay batay sa pagkakagamit dito ng LXX [Septuagint] bilang panumbas sa Yahweh. Kitang-kita ito sa unang mga bahagi [ng ulat ni Lucas], kung saan lumitaw ito nang 25 beses.”
Sa A Greek-English Lexicon of the New Testament and Other Early Christian Literature, na nirebisa at inedit ni F. W. Danker, 2000, (p. 576-577), nakalista ang Lucas 1:6, 9, 28, 46; 2:15, 22 sa ilalim ng depinisyon ng “panginoon” na “katawagan para sa Diyos.” Sinabi pa nito may kinalaman sa paggamit ng “panginoon” sa Septuagint (LXX): “Madalas itong ipalit sa pangalang Yahweh sa Tekstong Masoretiko.” Nakalista rin ang Lucas 1:17, 58 pagkatapos ng paliwanag na ito: “Dahil walang pantukoy . . . , gaya ito ng isang personal na pangalan.”
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 1:6, 9, 15, 16, 17, 25, 28, 32, 38, 45, 46, 58, 66, 68; 2:9b, 15, 22, 23a, b, 24, 26, 39; 3:4; 4:8, 12, 18, 19; 5:17; 10:21, 27; 13:35; 19:38; 20:37, 42a kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The Anchor Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1981, (Tomo 28) tungkol sa Lucas 1:6: “Ang kyrios ay ginamit dito para sa Yahweh, gaya ng iba pang paglitaw nito sa unang mga bahagi [ng ulat ni Lucas]. . . . Ang pagkakasalin ng iba pang bahagi ng pariralang ito ay ibinatay sa katulad na mga ekspresyon sa Lumang Tipan.”
Sinasabi ng The Interpretation of St. Luke’s Gospel, ni R.C.H. Lenski, sa pahina 40 tungkol sa talatang ito: “‘Paglakad sa lahat ng utos at batas ng Panginoon (si Jehova) nang walang kapintasan.’ Ipinapaalala sa atin [ng mga salitang Griego na isinaling “utos at (kahilingan ng) batas”] ang mga utos at batas ni Jehova na nakaulat sa Deut. 4:1, 40; 6:2.”
Ang The Companion Bible, na may mga komentaryo ni E. W. Bullinger, na inilimbag noong 1999, ay gumamit ng malaking letra at pinaliit na malalaking letra para sa PANGINOON sa mismong teksto ng Lucas 1:6 at nagpaliwanag sa margin: “Ang PANGINOON. Dapat isaling Jehova dito at sa iba pang paglitaw.”
Ginamit sa Complete Jewish Bible, ni David H. Stern, 1998, ang malaking letra at pinaliit na malalaking letra para sa salitang “ADONAI” sa talatang ito at sa karamihan ng talata kung saan lumitaw ang pangalang “Jehova” sa Lucas sa Bagong Sanlibutang Salin. Sa introduksiyon ng Complete Jewish Bible, sinabi ng tagapagsalin: “Ang salitang ‘ADONAI’ ay ginagamit . . . kapag naniniwala ako bilang tagapagsalin na ang salitang Griego na ‘kurios’ ay ipinampalit sa tetragrammaton.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7-17, 23, 28-35, 37-40, 42-44, 46-49, 52, 58-60, 65, 66, 88, 93-97, 100-102, 105, 114-117, 125, 130, 138, 141, 144-147, 153, 154, 163, 167, 180, 185-187, 217, 242, 250, 259, 262, 263, 265, 268, 271, 273-275, 283, 290, 295, 306, 310, 312, 325
LUCAS 1:9 “templo ni Jehova”
DAHILAN: Ang mababasa dito sa karamihan ng manuskritong Griego ay “ng Panginoon” (tou Ky·riʹou); sa ilang manuskrito, ang mababasa ay “ng Diyos.” Pero sa unang dalawang kabanata ng ulat ni Lucas, gaya ng binabanggit sa komento sa Lucas 1:6, maraming mababasang pagsipi at kahawig na pananalita at ekspresyon sa Hebreong Kasulatan kung saan lumitaw ang pangalan ng Diyos. Kahit Kyʹri·os ang ginamit dito ng mga manuskritong Griego na mayroon tayo sa ngayon, may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Hebreong Kasulatan, ang mga ekspresyong katumbas ng “templo [o “santuwaryo”] ni Jehova” ay madalas na may kasamang Tetragrammaton. (Bilang 19:20; 2 Hari 18:16; 23:4; 24:13; 2 Cronica 26:16; 27:2; Jeremias 24:1; Ezekiel 8:16; Hagai 2:15) Kaya ang pagkakagamit sa Hebreong Kasulatan ng ekspresyong ito ay nagpapakitang ang Kyʹri·os ay ipinalit sa pangalan ng Diyos.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 1:9 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The Interpretation of St. Luke’s Gospel, ni R.C.H. Lenski, sa pahina 43 tungkol sa talatang ito: “Ang Κύριος [Kyʹri·os] ay salin para sa Yahweh.”
Sinasabi ng New Testament Text and Translation Commentary, ni Philip W. Comfort, 2008, tungkol sa Lucas 1:9: “Ang ‘Panginoon’ sa talatang ito ay hindi ang ‘Panginoong Jesu-Kristo’ kundi si ‘Yahweh.’”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7-18, 22, 23, 28-36, 38-40, 42-44, 46-49, 52, 59, 60, 65, 66, 88, 93, 95, 100-102, 105, 106, 114-116, 127, 138, 141, 145-147, 153, 154, 163, 167, 180, 187, 217, 242, 250, 259, 262, 265, 267, 268, 271, 273-275, 283, 290, 295, 306, 310, 312, 322-325
LUCAS 1:11 “anghel ni Jehova”
DAHILAN: Maraming beses na ginamit ang ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, at ang unang paglitaw nito ay sa Genesis 16:7. Kapag lumilitaw ang ekspresyong ito sa unang mga kopya ng Griegong Septuagint, ang salitang Griego na agʹge·los (anghel; mensahero) ay sinusundan ng pangalan ng Diyos sa letrang Hebreo. Kapansin-pansin na sa mas bagong mga kopya ng Septuagint, nang palitan ang pangalan ng Diyos ng terminong Kyʹri·os (Panginoon) sa talatang ito at sa iba pang teksto, madalas na wala itong tiyak na Griegong pantukoy na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Kaya posibleng ang kawalan ng tiyak na pantukoy dito at sa iba pang teksto ay nagpapakitang ang Kyʹri·os ay ipinalit sa pangalan ng Diyos.—Tingnan ang komento sa Mateo 1:20.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 1:11 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit sa Bagong Tipan para tumukoy kay Yahweh o sa Diyos.”
Sinasabi ng The Anchor Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1981, (Tomo 28) tungkol sa Lucas 1:11: “Sa Huk 13:3, nagpakita rin ang ‘anghel ng Panginoon’ sa baog na asawa ni Manoa, ang ama ni Samson. . . . Batay sa ekspresyong Semitiko ang pariralang Griego na angelos kyriou, na katumbas ng karaniwang ekspresyong Hebreo na malʼak Yhwh, ‘mensahero ni Yahweh,’ dahil wala itong tiyak na Griegong pantukoy. Sa Lumang Tipan, ang anghel na ito na may mataas na posisyon ay sinasabi kung minsan na si Yahweh mismo.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7-13, 16-18, 22-24, 28-36, 38-43, 46-49, 52, 59-61, 65, 66, 88, 90, 93-95, 100-103, 105, 106, 114-117, 125, 127, 128, 130, 133, 138, 144-147, 153, 154, 180, 186, 187, 217, 237, 242, 250, 259, 262, 263, 265, 268, 271, 273-275, 283, 290, 295, 306, 310, 312, 322-325
LUCAS 1:15 “sa paningin ni Jehova”
DAHILAN: Sa unang dalawang kabanata ng ulat ni Lucas, gaya ng binabanggit sa komento sa Lucas 1:6, maraming mababasang pagsipi at kahawig na pananalita at ekspresyon sa Hebreong Kasulatan kung saan lumitaw ang pangalan ng Diyos. Sa tekstong ito, ang mababasa sa karamihan ng manuskritong Griego ay Kyʹri·os (Panginoon); sa ilang manuskrito, ang mababasa ay “Diyos.” Pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Makikita sa konteksto na ang tinutukoy dito ng Kyʹri·os ay ang Diyos. Ang ekspresyong Griego na e·noʹpi·on Ky·riʹou (lit., “sa paningin [harap] ng Panginoon”) ay may katulad na idyomang Hebreo at lumilitaw nang mahigit 100 beses sa natitirang mga kopya ng Septuagint bilang salin ng mga pariralang Hebreo kung saan ginamit ang Tetragrammaton sa orihinal na teksto. (Hukom 11:11; 1 Samuel 10:19; 2 Samuel 5:3; 6:5) Ang pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan ay nagpapakitang ang Kyʹri·os ay ipinalit sa pangalan ng Diyos.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 1:15 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The Interpretation of St. Luke’s Gospel, ni R.C.H. Lenski, sa pahina 46 tungkol sa talatang ito: “‘Sa paningin ng Panginoon’ (si Yahweh, gaya ng dati).”
Sinasabi ng New Testament Text and Translation Commentary, ni Philip W. Comfort, 2008, tungkol sa Lucas 1:15: “Ang Panginoon dito ay si Yahweh, hindi ang Panginoong Jesu-Kristo.”
Sinasabi ng The Anchor Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1981, (Tomo 28) tungkol sa Lucas 1:15: “Sinasabi dito na dakila si Juan (tingnan ang Lucas 7:28) ayon sa pamantayan ng Kyrios, na sa kontekstong ito ay tumutukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa isang talababa sa Lucas 1:15: “Si Jehova.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10-18, 22, 23, 28-36, 38-43, 46-49, 52, 53, 59, 60, 65, 66, 73, 88, 93-95, 100-102, 104, 106, 114-117, 122, 125, 127, 130, 133, 136, 138, 144-147, 153, 154, 180, 186, 187, 217, 222, 242, 250, 259, 262, 263, 265, 268, 271, 273-275, 283, 290, 295, 310, 322-325
LUCAS 1:16 “marami sa mga anak ni Israel ang tutulungan niyang manumbalik kay Jehova na kanilang Diyos”
DAHILAN: Kahit Kyʹri·os (Panginoon) ang ginamit dito ng mga manuskritong Griego na mayroon tayo sa ngayon, may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Ang mensahe ng anghel kay Zacarias (talata 13-17) ay maraming kahawig na pananalita sa Hebreong Kasulatan. Halimbawa, ang kombinasyon ng Kyʹri·os (Panginoon) at The·osʹ (Diyos) na may kasamang personal na panghalip (isinalin ditong “Jehova na kanilang Diyos”) ay karaniwan sa mga pagsipi sa Hebreong Kasulatan. (Ihambing ang ekspresyong “Jehova na iyong Diyos” sa Lucas 4:8, 12; 10:27.) Sa orihinal na teksto ng Hebreong Kasulatan, ang ekspresyong “Jehova na kanilang Diyos” ay lumitaw nang mahigit 30 beses, pero walang mababasa ritong “Panginoon na kanilang Diyos.” Gayundin, ang ekspresyong “mga anak ni Israel” ay mula sa isang idyomang Hebreo na lumitaw nang maraming beses sa Hebreong Kasulatan. Tumutukoy ito sa “mga Israelita.” (Genesis 36:31) Ang ekspresyong Griego na ginamit dito para sa “manumbalik kay Jehova” ay kahawig ng salin ng Septuagint sa 2 Cronica 19:4 para sa pariralang Hebreo na “ibalik sila kay Jehova.”—Tingnan ang komento sa Lucas 1:6.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 1:16 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The Interpretation of St. Luke’s Gospel, ni R.C.H. Lenski, sa pahina 48 tungkol sa talatang ito: “Ang Κύριος [Kyʹri·os] ay si Yahweh gaya ng dati.”
Sinasabi ng A Translator’s Handbook on the Gospel of Luke, na inilathala ng United Bible Societies (1971) at isinulat nina J. Reiling at J. L. Swellengrebel, tungkol sa Lucas 1:16: “Dito at sa [Lucas] 1:32, 68, kung saan kitang-kita ang istilo ng Lumang Tipan. Dahil diyan, dapat unawain ang terminong ito bilang Griegong salin ng Yahweh ʼElohim, kung saan ang Yahweh ay pantanging pangalan at ang ʼElohim ay pangngalang pambalana.”
Sinasabi ng The Anchor Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1981, (Tomo 28) tungkol sa Lucas 1:16: “Binigyan si Juan ng lakas at kakayahang manghula para magamit siya ni Yahweh para manumbalik sa kaniya ang Israel. . . . Dito, malinaw na tumutukoy kay Yahweh ang Kyrios.”
Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa isang talababa sa Lucas 1:16: “Si Jehova.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7-18, 22-24, 28-43, 46-49, 52-55, 57, 59-61, 65, 66, 88, 90, 93-95, 97, 100-105, 112, 114-117, 122, 125, 127, 128, 130, 133, 136, 138, 141, 144-147, 153, 154, 161, 163, 166, 180, 185-187, 200, 217, 222, 223, 242, 243, 250, 259, 262, 263, 265, 268, 271, 273-275, 283, 290, 295, 310, 312, 322-325
LUCAS 1:17 “maihanda ang mga tao para kay Jehova”
DAHILAN: Ang sinabi ng anghel kay Zacarias (talata 13-17) ay may kahawig na pananalita sa Malakias 3:1; 4:5, 6; at Isaias 40:3, kung saan ginamit ang pangalan ng Diyos. (Tingnan ang mga komento sa Lucas 1:15, 16.) Kahit Kyʹri·os (Panginoon) ang ginamit dito ng mga manuskritong Griego na mayroon tayo sa ngayon, ang pagkakagamit nito sa Hebreong Kasulatan ay nagbibigay ng makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Gayundin, ang pariralang Griego para sa “maihanda ang mga tao” ay may kahawig na ekspresyon sa salin ng Septuagint sa 2 Samuel 7:24, kung saan mababasa sa tekstong Hebreo: “Ginawa mong sarili mong bayan ang Israel . . . , O Jehova.”—Tingnan ang komento sa Lucas 1:6.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 1:17 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The Anchor Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1981, (Tomo 28) tungkol sa Lucas 1:17: “Mauuna siya sa kaniya, ibig sabihin, kay Yahweh, bilang mensahero na tinutukoy sa Mal 3:1. . . . Sa Mal [4:5, 6], siya ang mensahero na isusugo bago ang ‘dakila at kakila-kilabot na araw ni Yahweh’ (ihambing ang Mal 3:2). . . . Ito ang ibig sabihin ng anghel nang sabihin niya kay Zacarias na mauuna ang anak nitong si Juan sa Panginoon (si Yahweh). Tingnan ang Lucas 1:76. . . . para ihanda ang isang bayan na karapat-dapat sa Panginoon. Ang unang bahagi ng ekspresyong ito ay galing sa Lumang Tipan, ‘ihanda ang isang bayan’ (2 Sam 7:24).”
Sinasabi ng reperensiyang French na Évangile Selon Saint Luc (Ang Ebanghelyo Ayon kay San Lucas), ni M. J. Lagrange, 1921, tungkol sa Lucas 1:17: “Ang Κυρίῳ [ibang anyo ng Kyʹri·os] na walang pantukoy ay tumutukoy kay Iahvé.”
Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa isang talababa sa Lucas 1:17: “Si Jehova.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7-18, 22-24, 28-36, 39, 40, 42-44, 46-49, 52, 53, 61, 65, 66, 88, 90, 93, 95, 100-106, 114-117, 125, 127, 136, 144-147, 153, 154, 163, 167, 180, 185, 187, 222, 242, 243, 250, 254, 259, 262, 271, 273-275, 283, 290, 295, 310, 312, 322-325
LUCAS 1:25 “Ginawa ito ni Jehova alang-alang sa akin”
DAHILAN: Kahit Kyʹri·os (Panginoon) ang ginamit dito ng mga manuskritong Griego na mayroon tayo sa ngayon, may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa pasasalamat na ito ni Elisabet, maaalala natin ang ulat tungkol kay Sara sa Genesis 21:1, kung saan lumitaw ang pangalan ng Diyos. Para ilarawan ang pakikitungo ni Jehova sa mga tao, karaniwan nang ginagamit sa Hebreong Kasulatan ang katumbas na pandiwang Hebreo para sa “ginawa alang-alang sa akin” (o, “ginawa para sa akin”) kasama ng pangalan ng Diyos. (Exodo 13:8; Deuteronomio 4:34; 1 Samuel 12:7; 25:30) Gayundin, walang tiyak na Griegong pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Ipinapakita lang nito na ang Kyʹri·os ay katumbas ng isang pantanging pangalan. Ang sinabi ni Elisabet na inalis ang kahihiyan niya dahil sa pagiging walang anak ay kahawig ng sinabi ni Raquel, na nakaulat sa Genesis 30:23.—Tingnan ang mga komento sa Marcos 5:19 at Lucas 1:6.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 1:25 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The Interpretation of St. Luke’s Gospel, ni R.C.H. Lenski, sa pahina 58 tungkol sa talatang ito: “Ang Panginoon (si Yahweh gaya ng dati, may pantukoy man o wala).”
Sinasabi ng Word Biblical Commentary, ni John Nolland, 1989, (Tomo 35A, p. 34) tungkol sa Lucas 1:25: “Ang pagpapahayag ni Elisabet ng pagkamangha niya sa kabutihan ng Diyos ay gaya ng kina Sara (Gen 21:1) at Raquel (Gen 30:23). . . . Ang mga unang bahagi ng ulat [ni Lucas] ay punong-puno ng mga ekspresyong katulad ng nasa Lumang Tipan: dapat gamiting batayan ang Lumang Tipan sa pag-unawa sa mga nakaulat dito.”
Sinasabi ng reperensiyang French na Évangile Selon Saint Luc (Ang Ebanghelyo Ayon kay San Lucas), ni M. J. Lagrange, 1921, tungkol sa Lucas 1:25: “Sa mga akademikong edisyon, inalis ang pantukoy bago ang Κύριος [Kyʹri·os], na sa tekstong ito ay tumutukoy kay Iahvé.”
Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa isang talababa sa Lucas 1:25: “Si Jehova.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7-18, 22, 23, 28-36, 38-44, 46, 47, 52-54, 59, 60, 65, 66, 90, 93-95, 100-106, 114-117, 122, 125, 130, 133, 138, 141, 144-147, 153, 154, 180, 185-187, 217, 222, 242, 250, 259, 262, 268, 271, 273, 275, 283, 290, 295, 306, 310, 312, 323-325
LUCAS 1:28 “Si Jehova ay sumasaiyo”
DAHILAN: Ito at ang katulad na mga parirala na may pangalan ng Diyos ay madalas na lumitaw sa Hebreong Kasulatan. (Ruth 2:4; 2 Samuel 7:3; 2 Cronica 15:2; Jeremias 1:19) Ang pagbati ng anghel kay Maria ay kahawig ng sinabi ng anghel ni Jehova kay Gideon sa Hukom 6:12: “Si Jehova ay sumasaiyo, ikaw na malakas na mandirigma.” Kahit “ang Panginoon” (ho Kyʹri·os) ang ginamit sa Lucas 1:28 ng mga manuskritong Griego na mayroon tayo sa ngayon, ang pagkakagamit ng ekspresyong “si Jehova ay sumasaiyo” sa Hebreong Kasulatan ay palatandaan na ang Kyʹri·os ay ipinalit sa pangalan ng Diyos.—Tingnan ang komento sa Lucas 1:6.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 1:28 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The Interpretation of St. Luke’s Gospel, ni R.C.H. Lenski, sa pahina 62 tungkol sa talatang ito: “Hindi na kailangang ianunsiyo ng isang anghel na may pagsang-ayon ni Yahweh (ὁ Κύριος [ho Kyʹri·os] gaya ng dati) si Maria . . . dahil isa siyang makadiyos na Judio.”
Sinasabi ng The Anchor Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1981, (Tomo 28) tungkol sa ekspresyong ito sa Lucas 1:28: “Ang Panginoon ay sumasaiyo! Madalas gamitin ang pariralang ito sa Lumang Tipan, pero dalawang beses lang itong lumitaw dito bilang pagbati, sa Ruth 2:4 at sa Huk 6:12. . . . Sa Lumang Tipan, ang pariralang ito ay kadalasan nang nagpapahiwatig ng tulong at suporta ni Yahweh at ginagamit sa mga kontekstong may kaugnayan sa pakikipagdigma. Maliwanag na ang kyrios dito ay tumutukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The Expositor’s Greek Testament, ni W. Robertson Nicoll, 2002, (Tomo I, p. 463) tungkol sa Lucas 1:28: “Ang Panginoon (si Jehova) ay sumaiyo nawa o sumasaiyo.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J5, 7-18, 22, 23, 32-36, 38-44, 46, 48, 52, 59, 60, 64, 65, 88, 94, 95, 100-106, 114-117, 122, 128, 130, 133, 136, 138, 141, 144-147, 153, 154, 160, 163, 180, 185-187, 211, 217, 222, 242, 250, 259, 262, 263, 268, 271, 273-275, 283, 290, 295, 306, 310, 312, 322-325
LUCAS 1:32 “ibibigay sa kaniya ng Diyos na Jehova ang trono”
DAHILAN: Sa unang dalawang kabanata ng ulat ni Lucas, gaya ng sinasabi sa komento sa Lucas 1:6, maraming mababasang pagsipi at kahawig na pananalita at ekspresyon sa Hebreong Kasulatan kung saan lumitaw ang pangalan ng Diyos. Kahit Kyʹri·os ho The·osʹ (literal na nangangahulugang “Panginoong Diyos”) ang ginamit dito ng mga manuskritong Griego na mayroon tayo sa ngayon, may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Ang sinabi ng anghel tungkol sa “trono ni David” ay kahawig ng pangako sa 2 Samuel 7:12, 13, 16, kung saan kinakausap ni Jehova si David sa pamamagitan ni propeta Natan at kung saan lumitaw ang Tetragrammaton nang ilang ulit sa konteksto. (2 Samuel 7:4-16) Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang ekspresyon na isinalin ditong “Diyos na Jehova” at ang katulad na mga kombinasyon nito ay kadalasan nang lumilitaw sa mga pagsipi mula sa Hebreong Kasulatan o sa mga teksto na kahawig ng istilo ng wikang Hebreo. “Diyos na Jehova,” hindi “Panginoong Diyos,” ang karaniwang kombinasyon na ginagamit sa Hebreong Kasulatan, kung saan 40 beses lumitaw ang ekspresyong ito. Kapag isinama ang mga kombinasyong gaya ng “Jehova na [aking; aming; ating; iyong; inyong; kaniyang; kanilang] Diyos” o “Jehova na Diyos ng . . .”, aabot nang mahigit 800 ang paglitaw ng mga kombinasyong ito. Totoo, ipinanumbas ng mas bagong mga kopya ng Septuagint ang kombinasyong Kyʹri·os ho The·osʹ (Panginoong Diyos) sa ekspresyong Hebreo na “Diyos na Jehova.” Pero sa isang pirasong vellum noong ikatlong siglo C.E., na naglalaman ng isang bahagi ng salin ng Septuagint sa Genesis (Papyrus Oxyrhynchus vii. 1007), hindi Kyʹri·os ang ginamit na katumbas ng pangalan ng Diyos sa ekspresyong “Diyos na Jehova” sa Genesis 2:8, 18. Sa halip, ang ginamit ay ang pinaikling anyo ng Tetragrammaton () na dinobleng letrang Hebreo na yod. Kapansin-pansin din na sa paglitaw ng mga kombinasyong “Diyos ninyong si Jehova” at “Jehova na kaniyang Diyos” sa lumang piraso ng salin ng Griegong Septuagint para sa Deuteronomio 18:5, 7 (sa koleksiyong Papyrus Fouad Inv. 266), ang pangalan ng Diyos ay nakasulat sa kuwadradong mga letrang Hebreo. Ang pirasong ito ay mula noong unang siglo B.C.E. Kaya dahil sa pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, ginamit ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto.—Tingnan ang mga komento sa Lucas 1:6, 16.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 1:32 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The Interpretation of St. Luke’s Gospel, ni R.C.H. Lenski, sa pahina 101 tungkol sa Lucas 1:68: “Pareho lang ang tinutukoy ng ekspresyong Griego na Κύριος ὁ Θεός [Kyʹri·os ho The·osʹ] dito at sa tal. 16 at 32, si Yahweh Elohim.”
Sinasabi ng Zondervan Illustrated Bible Backgrounds Commentary, 2002, (Tomo 1, p. 331-332) tungkol sa Lucas 1:32: “Kataas-taasan . . . ang Panginoong Diyos (1:32). Pareho itong salin sa Griego ng mga katawagan sa Diyos sa Lumang Tipan. Ang una ay mula sa El Elyon, ‘Kataas-taasang Diyos,’ at ang ikalawa ay mula sa Yahweh Elohim, ‘Diyos na Yahweh.’”
Sinasabi ng New Testament Commentary, ni William Hendriksen, 2007, tungkol sa ekspresyong “Kataas-taasan” sa Lucas 1:32: “Ang unang paggamit ng titulong ito na nagdiriin sa kadakilaan at soberanya ni Jehova ay makikita sa Gen. 14:18.”
Sinasabi ng The Moody Bible Commentary, nina Michael Rydelnik at Michael Vanlaningham, 2014, tungkol sa Lucas 1:31-33: “Ang Panginoong Diyos (si Yahweh sa Lumang Tipan).”
Sinasabi ng The Jewish Annotated New Testament, nina Amy-Jill Levine at Marc Zvi Brettler, 2011, tungkol sa Lucas 1:32: “Ang ‘Kataas-taasan’ ay salin ng Hebreong ‘El Elyon’ o ‘YHWH Elyon.’”
Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa isang talababa sa ekspresyong “Panginoong Diyos” sa Lucas 1:32: “Si Jehova Elohim: nag-iisang paglitaw sa mga Ebanghelyo.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J5-18, 22-24, 28-44, 46-49, 52, 53, 55-57, 59-61, 65, 66, 88, 90, 93, 95-97, 100-106, 114-117, 125, 128, 130, 136, 138, 141, 144-147, 153, 154, 161, 163-167, 180, 185-187, 213, 217, 222, 242, 243, 250, 253, 259, 262, 263, 268, 271, 273, 275, 283, 290, 295, 306, 310, 312, 322-325
LUCAS 1:38 “aliping babae ni Jehova”
DAHILAN: Ang pananalitang ito ni Maria ay kahawig ng mga sinabi ng ibang lingkod ni Jehova sa Hebreong Kasulatan. Halimbawa, sinabi ni Hana sa panalangin niya sa 1 Samuel 1:11: “O Jehova ng mga hukbo, kung bibigyang-pansin mo ang pagdurusa ng iyong lingkod [o, “aliping babae”].” Sa salin ng Septuagint sa 1 Samuel 1:11, ang salitang Griego na ginamit para sa “aliping babae” ay kapareho ng ginamit sa ulat ni Lucas. Kahit Kyʹri·os (Panginoon) ang ginamit sa Lucas 1:38 ng mga manuskritong Griego na mayroon tayo sa ngayon, ginamit ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto dahil sa konteksto (ang Kyʹri·os ay tumutukoy sa Diyos) at sa pagkakagamit ng ekspresyong “aliping babae” sa Hebreong Kasulatan. Gayundin, napansin ng mga iskolar na walang tiyak na Griegong pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Ipinapakita lang nito na ang Kyʹri·os ay katumbas ng isang pantanging pangalan. Isa ulit itong patunay na ang Kyʹri·os ay ipinalit sa pangalan ng Diyos.—Tingnan ang komento sa Lucas 1:6.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 1:38 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The Interpretation of St. Luke’s Gospel, ni R.C.H. Lenski, sa pahina 76 tungkol sa talatang ito: “Sinabi ni Maria na siya ay ‘aliping babae’ ni Yahweh (Κύριος [Kyʹri·os] sa buong kabanatang ito). Pag-aari siya ni Jehova dahil sa tipan, at handa siyang magpasakop sa kalooban ni Jehova; siya mismo ang nagsabi nito.”
Sinasabi ng The Anchor Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1981, (Tomo 28) tungkol sa ekspresyong ito sa Lucas 1:38: “Ginamit ni Maria para sa sarili niya ang terminong ginamit ni Hana sa 1 Sam 1:11 ng Lumang Tipan, na nagpapakita ng mababang katayuan niya sa harap ni Yahweh, na tinutukoy dito ng Kyrios.” Sinabi pa sa tomo ding iyon sa p. 203: “Tinawag ni Elisabet si Maria bilang ‘ina ng aking Panginoon’ sa 1:43, pero nang tawagin ni Maria ang sarili niya bilang ‘aliping babae ng Panginoon’ (1:38), ang tinutukoy niyang Panginoon ay si Yahweh.”
Sinasabi ng The Gospel of Luke—A Commentary on the Greek Text (The New International Greek Testament Commentary), ni I. H. Marshall, 1978, na sa Lucas 1:38, ang Kyʹri·os “ay puwedeng gamitin nang walang pantukoy dahil katumbas ito ng pantanging pangalan.”
Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa isang talababa sa Lucas 1:38: “Si Jehova.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J5, 7-18, 22-24, 28-35, 38-40, 42, 43, 46, 47, 52, 53, 55, 59-61, 65, 66, 88, 90, 93-95, 100-102, 104-106, 114-117, 125, 128, 138, 141, 144-147, 153, 154, 180, 185, 187, 217, 242, 250, 259, 262, 263, 265, 268, 271, 273-275, 283, 290, 295, 306, 310, 323-325
LUCAS 1:45 “mga sinabi sa iyo, dahil lubusan itong tutuparin ni Jehova”
DAHILAN: Ang sinabi ng anghel kay Maria ay mula sa Diyos na Jehova. Ang ekspresyong Griego na pa·raʹ Ky·riʹou, isinalin ditong “ni Jehova,” ay lumitaw sa makukuhang mga kopya ng Septuagint bilang salin ng mga ekspresyong Hebreo na karaniwan nang may kasamang pangalan ng Diyos. (Genesis 24:50; Hukom 14:4; 1 Samuel 1:20; Isaias 21:10; Jeremias 11:1; 18:1; 21:1) Gaya ng ibang paglitaw ng Kyʹri·os (Panginoon) sa Lucas kabanata 1, napansin ng mga iskolar na walang tiyak na pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Ipinapakita lang nito na ang Kyʹri·os ay katumbas ng isang pantanging pangalan. Gayundin, nang lumitaw ang katumbas ng Griegong ekspresyong ito sa lumang piraso ng salin ng Griegong Septuagint para sa Deuteronomio 18:16 (Papyrus Fouad Inv. 266), ang pangalan ng Diyos ay nakasulat sa kuwadradong mga letrang Hebreo. Ang pirasong ito ay mula noong unang siglo B.C.E. Kahit Kyʹri·os ang ginamit sa mga manuskritong Griego ng Ebanghelyo ni Lucas na mayroon tayo sa ngayon, ang konteksto at ang pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan ay nagbibigay ng makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto.—Tingnan ang komento sa Lucas 1:6.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 1:45 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The Interpretation of St. Luke’s Gospel, ni R.C.H. Lenski, sa pahina 82 tungkol sa talatang ito: “Ang katuparan ng lahat ng sinabi ‘ng Panginoon’ (ni Yahweh) sa pamamagitan ng anghel.”
Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa isang talababa sa Lucas 1:45: “Si Jehova.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J5-18, 22-24, 28-36, 38-43, 46, 47, 52, 53, 59-61, 65, 66, 88, 90, 93-95, 100-102, 104-106, 114-117, 130, 141, 144-147, 153, 154, 163, 167, 186, 187, 217, 242, 250, 259, 262, 263, 265, 271, 273-275, 290, 295, 306, 310, 323-325
LUCAS 1:46 “Dinadakila ko si Jehova”
DAHILAN: Ang sinabi ni Maria ay may kahawig na mga pananalita sa Hebreong Kasulatan, gaya sa Awit 34:3 at 69:30, kung saan ginamit sa mismong teksto o sa konteksto nito ang pangalan ng Diyos. (Awit 69:31) Ang salitang Griego na ginamit dito para sa “dinadakila” (me·ga·lyʹno) ay kapareho ng ginamit ng salin ng Septuagint sa nabanggit na mga talata. Kapansin-pansin na sa isang piraso ng pergamino ng Griegong salin ni Symmachus (P. Vindobonensis Greek 39777, na mula noong ikatlo o ikaapat na siglo C.E.), mababasa ang isang bahagi ng Awit 69 (68 sa Septuagint). Sa Awit 69:13, 30, 31, na makikita sa pirasong ito, ang pangalan ng Diyos ay tinumbasan, hindi ng Kyʹri·os, kundi ng Tetragrammaton na nakasulat sa sinaunang letrang Hebreo ( o ). Ang ebidensiyang ito at ang pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan ay basehan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa tekstong ito.—Tingnan ang komento sa Lucas 1:6.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 1:46 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The Interpretation of St. Luke’s Gospel, ni R.C.H. Lenski, sa pahina 84 tungkol sa talatang ito: “Sa unang linya pa lang ni Maria, makikita na agad ang tema ng gusto niyang sabihin: dinadakila niya si Yahweh (Κύριος [Kyʹri·os]).”
Sinasabi ng The Anchor Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1981, (Tomo 28) tungkol sa pariralang ito sa Lucas 1:46: “Pagpapahayag ito ng papuri at pasasalamat sa kadakilaan at kaluwalhatian ni Yahweh, na itinuturing ni Maria na mga dahilan kung bakit siya pinagpala.” Sinasabi ng isang komentaryo tungkol sa ekspresyong “Diyos na aking Tagapagligtas” sa Lucas 1:47: “Ang tinutukoy ng pariralang ito ay ang ‘Panginoon’ sa tal. 46, na nagpapakitang ang kyrios ay si Yahweh, ang pinagmulan ng pagpapala ni Maria.”
Sinasabi ng New Testament Commentary, ni William Hendriksen, 2007, tungkol sa Lucas 1:46-48: “Sinabi ni Maria, ‘Dinadakila ko ang Panginoon,’ ibig sabihin, ipinapahayag niya ang kadakilaan ni Jehova.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J5-18, 22, 23, 28-36, 38-44, 46, 47, 52, 53, 55, 59, 60, 65, 66, 88, 93-95, 100-102, 104-106, 114-117, 122, 130, 138, 141, 144-147, 153, 154, 161, 180, 185-187, 222, 242, 250, 259, 262, 263, 265, 268, 271, 273-275, 283, 290, 295, 310, 323-325
LUCAS 1:58 “nagpakita si Jehova ng malaking awa”
DAHILAN: Makikita sa ekspresyon na isinaling “nagpakita si Jehova ng malaking awa sa kaniya” ang karaniwang paraan ng pagsasalita ng mga Hebreo, at kahawig ito ng pananalita sa Genesis 19:18-20. Doon, sinasabi ni Lot kay Jehova: “Jehova! . . . Naging napakabait mo sa akin [lit., “Nagpakita ka ng malaking kabaitan sa akin”].” Ang konteksto at ang pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan ay basehan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa tekstong ito.—Tingnan ang komento sa Lucas 1:6.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 1:58 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The Interpretation of St. Luke’s Gospel, ni R.C.H. Lenski, sa pahina 94 tungkol sa talatang ito: “Binigyang-pansin ni Yahweh ang kalungkutan ni Elisabet dahil sa pagiging baog nito.”
Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa isang talababa sa Lucas 1:58: “Si Jehova.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J5-18, 22-24, 32-35, 38-44, 46, 52, 55, 59, 61, 65, 66, 88, 90, 95, 97, 100-102, 104, 106, 114-117, 122, 125, 128, 130, 138, 141, 144, 146, 153, 154, 186, 187, 217, 222, 242, 250, 259, 262, 263, 268, 271, 273-275, 283, 290, 295, 306, 310, 323-325
LUCAS 1:66 “kamay ni Jehova”
DAHILAN: Ang pariralang ito ay madalas lumitaw sa Hebreong Kasulatan. Kombinasyon ito ng salitang Hebreo para sa “kamay” at ng Tetragrammaton. (Exodo 9:3, talababa; Bilang 11:23; Hukom 2:15; Ruth 1:13; 1 Samuel 5:6; 7:13; Job 12:9; Isaias 19:16; 40:2; Ezekiel 1:3, talababa) Kahit Kyʹri·os (Panginoon) ang ginamit sa mga manuskritong Griego ng Ebanghelyo ni Lucas na mayroon tayo sa ngayon, ang pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan ay nagbibigay ng makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Napansin ng mga iskolar na sa Lucas 1:66, walang tiyak na Griegong pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Ipinapakita lang nito na ang Kyʹri·os ay katumbas ng isang pantanging pangalan. Mahalagang obserbasyon iyan, dahil kahit pinalitan ng Kyʹri·os sa mas bagong mga kopya ng Septuagint ang pangalan ng Diyos, na mababasa sa pinakalumang mga kopya nito, madalas na wala pa ring tiyak na pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Ang kawalan ng tiyak na pantukoy ay isa pang patunay na ang Kyʹri·os ay ipinampalit sa pangalan ng Diyos sa tekstong ito. Ang ekspresyong Griego na isinaling “kamay ni Jehova” ay lumitaw rin sa Gawa 11:21; 13:11.—Tingnan ang komento sa Lucas 1:6.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 1:66 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The Interpretation of St. Luke’s Gospel, ni R.C.H. Lenski, sa pahina 98 ng talatang ito: “Ang ‘kamay ng Panginoon’ ay ang kapangyarihan niyang magmaniobra at tumulong, at ang Κύριος [Kyʹri·os] ay si Yahweh.”
Sinasabi ng The Anchor Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1981, (Tomo 28) tungkol sa ekspresyong ito sa Lucas 1:66: “Talagang masasabi na ang kyrios dito ay tumutukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa isang talababa sa Lucas 1:66: “Si Jehova.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J5-18, 22-24, 28-35, 38-44, 46, 47, 49, 52, 55, 59-61, 65, 66, 88, 90, 93-97, 100-102, 104, 114-117, 125, 128, 130, 138, 141, 144-147, 153, 154, 180, 187, 217, 222, 242, 250, 259, 262, 263, 265, 268, 271, 273-275, 283, 290, 295, 306, 310, 322-325
LUCAS 1:68 “Purihin nawa si Jehova, ang Diyos ng Israel”
DAHILAN: Karaniwan ang ekspresyong ito ng papuri sa Hebreong Kasulatan, kung saan madalas itong gamitin kasama ang pangalan ng Diyos. (1 Samuel 25:32; 1 Hari 1:48; 8:15; Awit 41:13; 72:18; 106:48) Kahit Kyʹri·os (Panginoon) ang ginamit dito ng mga manuskritong Griego na mayroon tayo sa ngayon, may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Makikita sa konteksto na ang Kyʹri·os ay tumutukoy sa “Diyos ng Israel.” Ang konteksto at ang pagkakagamit sa Hebreong Kasulatan ng pariralang ito ay nagpapakitang ang Kyʹri·os (Panginoon) ay ipinalit sa pangalan ng Diyos.—Tingnan ang mga komento sa Lucas 1:6, 16.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 1:68 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The Interpretation of St. Luke’s Gospel, ni R.C.H. Lenski, sa pahina 101 tungkol sa talatang ito: “Pareho lang ang tinutukoy ng ekspresyong Griego na Κύριος ὁ Θεός [Kyʹri·os ho The·osʹ] dito at sa tal. 16 at 32, si Yahweh Elohim.”
Sinasabi ng A Translator’s Handbook on the Gospel of Luke, na inilathala ng United Bible Societies (1971) at isinulat nina J. Reiling at J. L. Swellengrebel, tungkol sa Lucas 1:68: “Dahil sa pagkakagamit ng pariralang ito sa Lumang Tipan, makatuwirang isipin na ang kurios ay hindi isang titulo kundi ipinampalit sa pangalang Yahweh.”
Sinasabi ng New Testament Commentary, ni William Hendriksen, 2007, tungkol sa Lucas 1:68: “Nagsimula si Zacarias sa pamamagitan ng isang awit. Pinuri niya si Jehova.”
Sinasabi ng The Jerome Biblical Commentary, na inedit nina Raymond E. Brown, Joseph A. Fitzmyer, at Roland E. Murphy, 1968, tungkol sa sinabi ni Zacarias na iniulat sa Lucas 1:68: “Pinupuri si Yahweh sa awit dahil sa ginawa niyang pagliligtas.”
Sinasabi ng The Scofield Reference Bible, ni C. I. Scofield, 1909, sa isang marginal note sa Lucas 1:68: “Si Jehova. Aw. 106.48.”
Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa isang talababa sa Lucas 1:68: “Si Jehova.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J5-18, 22-24, 27-44, 46-49, 52-55, 57, 59-61, 64-66, 73, 88, 90, 93-95, 97, 100-106, 108, 109, 112, 114-117, 122, 125, 128, 130, 133, 138, 141, 144-147, 153, 154, 160, 161, 163-165, 172, 180, 185-187, 217, 222, 223, 236, 242, 250, 259, 262, 263, 265, 268, 271, 273-275, 283, 290, 295, 306, 310, 323-325
LUCAS 1:76 “mauuna ka kay Jehova”
DAHILAN: Ang hulang sinabi ni Zacarias sa ikalawang bahagi ng talatang ito ay kahawig ng pananalita sa Isaias 40:3 at Malakias 3:1, kung saan ang pangalan ng Diyos, na kinakatawan ng apat na katinig sa Hebreo (ang transliterasyon ay YHWH), ay lumitaw sa orihinal na tekstong Hebreo. Dahil sa pagkakagamit ng pariralang ito sa Hebreong Kasulatan, ginamit ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto kahit Kyʹri·os (Panginoon) ang mababasa sa mga manuskritong Griego na mayroon tayo sa ngayon. (Tingnan ang mga komento sa Lucas 1:6, 16, 17; 3:4.) Kapansin-pansin din na sa talatang ito at sa maraming iba pang talata sa Lucas kabanata 1 kung saan ginamit ang Kyʹri·os, walang tiyak na Griegong pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Ipinapakita lang nito na ang Kyʹri·os ay katumbas ng isang pantanging pangalan.
REPERENSIYA:
Sinasabi ng A Commentary on the Holy Bible, na inedit ni J. R. Dummelow, 1936, tungkol sa Lucas 1:76: “Sa Panginoon] Alam ni Zacarias na tumutukoy ito kay Jehova.”
Sinasabi ng A Critical and Exegetical Commentary on the Gospel According to St. Luke, ni Alfred Plummer, 1920, tungkol sa Lucas 1:76: “Dito, ang Κυρίου [ibang anyo ng Kyʹri·os] ay tumutukoy kay Jehova, hindi sa Kristo, gaya ng maliwanag na makikita sa tal. 16, 17.”
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 1:76 kung saan ang Kyʹri·os ay posibleng “tumutukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The Expositor’s Greek Testament, ni W. Robertson Nicoll, 2002, (Tomo I, p. 469) tungkol sa talatang ito: “Mauuna si Juan sa Panginoon (kay Jehova).”
Sinasabi ng The Interpretation of St. Luke’s Gospel, ni R.C.H. Lenski, sa pahina 109 tungkol sa talatang ito: “Sa buong kabanatang ito, ang Κύριος ay ang salitang Griego para sa Yahweh.”
Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa isang talababa sa Lucas 1:76: “Si Jehova.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J5-18, 22-24, 28-35, 39-43, 46, 48, 49, 52, 53, 60, 61, 65, 66, 88, 90, 93-95, 100-102, 105, 106, 114-116, 127, 146, 153, 154, 180, 185, 187, 235, 242, 254, 259, 262, 263, 265, 271, 273, 274, 283, 290, 306, 310, 322-325
LUCAS 2:9a “anghel ni Jehova”
DAHILAN: Tingnan ang mga komento sa Mateo 1:20 at Lucas 1:11.
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J5-13, 16, 17, 22-24, 32-36, 38-43, 46, 48, 49, 52, 55, 59-61, 65, 66, 88, 90, 94-96, 100-106, 114-117, 122, 128, 130, 138, 141, 144-147, 153, 154, 163, 167, 172, 180, 185-187, 217, 222, 242, 250, 259, 262, 263, 265, 268, 271, 273-275, 283, 290, 295, 306, 310, 322-325
LUCAS 2:9b “kaluwalhatian ni Jehova”
DAHILAN: Sa unang dalawang kabanata ng ulat ni Lucas, maraming mababasang pagsipi at kahawig na pananalita at ekspresyon sa Hebreong Kasulatan kung saan lumitaw ang pangalan ng Diyos. Sa tekstong ito, ang mababasa sa karamihan ng manuskritong Griego ay Kyʹri·os (Panginoon); sa ilang manuskrito, ang mababasa ay “Diyos.” Pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Sa Hebreong Kasulatan, ang katumbas na ekspresyong Hebreo para sa “kaluwalhatian” na may kasamang Tetragrammaton ay lumitaw nang mahigit 30 beses. (Ang ilan sa mga ito ay mababasa sa Exodo 16:7; 40:34; Levitico 9:6, 23; Bilang 14:10; 16:19; 20:6; 1 Hari 8:11; 2 Cronica 5:14; 7:1; Awit 104:31; 138:5; Isaias 35:2; 40:5; 60:1; Ezekiel 1:28; 3:12; 10:4; 43:4; Habakuk 2:14.) Sa isang sinaunang kopya ng Griegong Septuagint na natagpuan sa isang kuweba sa Nahal Hever, sa Disyerto ng Judea, malapit sa Dagat na Patay, na mula pa noong 50 B.C.E. hanggang 50 C.E., makikita ang Tetragrammaton na nakasulat sa sinaunang letrang Hebreo sa Habakuk 2:14. Kapansin-pansin din na kahit pinalitan ng Kyʹri·os sa mas bagong mga kopya ng Septuagint ang pangalan ng Diyos sa talatang ito at sa iba pang talata, walang tiyak na pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Ipinapakita lang nito na ang Kyʹri·os ay katumbas ng isang pantanging pangalan. Kaya dahil sa pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan at sa kawalan ng tiyak na Griegong pantukoy, ginamit ang pangalan ng Diyos sa Lucas 2:9.—Tingnan ang komento sa Lucas 1:6.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 2:9 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Tungkol sa ekspresyong “anghel ng Panginoon” at “kaluwalhatian ng Panginoon” sa Lucas 2:9, sinabi ni R.C.H. Lenski sa The Interpretation of Luke’s Gospel (p. 128-129): “Gaya ng sa buong unang kabanata, Κύριος [Kyʹri·os] ang terminong Griego para sa Yahweh, at bumubuo ito ng isang konsepto kapag nasa anyong possessive at idinikit sa ibang pangngalan: ‘anghel-Jehova,’ ‘kaluwalhatian-Jehova.’ . . . Anghel ni Jehova ang nagpakita sa kanila na gaya ng liwanag.”
Sinasabi ng The Anchor Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1981, (Tomo 28) tungkol sa ekspresyong ito sa Lucas 2:9: “Sa LXX [Septuagint], ang doxa ay ipinanumbas sa Hebreong kābôd, ang ‘karingalan, kaluwalhatian,’ na iniuugnay sa presensiya ni Yahweh na nakikita ng bayan niya.”
Sinasabi ng Critical and Exegetical Hand-Book to the Gospels of Mark and Luke, ni Heinrich August Wilhelm Meyer, (Ikaanim na edisyon ng 1884), tungkol sa ekspresyong ito sa Lucas 2:9: “— δόξα κυρίου] יְהוָֹה [YHWH] כְּבוֹד, ang liwanag na nakapalibot sa Diyos.”
Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa isang talababa sa Lucas 2:9: “Si Jehova.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J5-8, 10-18, 22-24, 28-36, 38-43, 46-49, 52, 55, 59, 61, 65, 66, 88, 90, 91, 93-96, 100-104, 114, 115, 117, 138, 141, 144-147, 153, 154, 167, 172, 180, 185-187, 217, 222, 242, 259, 262, 263, 268, 271, 273-275, 283, 290, 295, 306, 322-325
LUCAS 2:15 “ipinaalám sa atin ni Jehova”
DAHILAN: Mga anghel ang nagdala ng mensahe, pero alam ng mga pastol na galing talaga ito sa Diyos na Jehova. Kahit “ng Panginoon” (ho Kyʹri·os) ang ginamit dito ng mga manuskritong Griego na mayroon tayo sa ngayon, may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Septuagint, ang pandiwang Griego na isinalin ditong “ipinaalám” ay ipinanunumbas sa pandiwang Hebreo na ginagamit sa mga konteksto kung saan lumitaw ang pangalan ng Diyos at kung saan sinasabi ni Jehova sa mga tao ang kalooban niya. (Awit 25:4; 39:4; 98:2; 103:6, 7) Kaya makatuwiran lang na gamitin ang pangalan ng Diyos sa pagsasalin ng sinabi ng mga Judiong pastol.—Tingnan ang komento sa Lucas 1:6.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 2:15 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The Anchor Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1981, (Tomo 28) tungkol sa ekspresyong ito sa Lucas 2:15: “Na ipinaalám sa atin ng Panginoon. Ibig sabihin, ni Yahweh.”
Sinasabi ng The Interpretation of St. Luke’s Gospel, ni R.C.H. Lenski, sa pahina 137 tungkol sa talatang ito: “Ang Κύριος [Kyʹri·os] ay ipinanumbas ulit sa Yahweh.”
Sinasabi ng The Holy Scriptures, ni J. N. Darby, na inilimbag noong 1991, sa isang talababa sa Lucas 2:15: “Si Jehova.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J5, 7, 8, 10-12, 14-18, 22, 23, 28-31, 33-36, 39-44, 46, 47, 49, 52, 59-61, 65, 88, 93-96, 100-102, 104-106, 114-117, 122, 130, 138, 141, 144-147, 153, 154, 163, 172, 186, 187, 222, 242, 250, 259, 262, 263, 265, 268, 271, 273-275, 290, 306, 310, 323-325
LUCAS 2:22 “para iharap kay Jehova”
DAHILAN: Kahit “sa Panginoon” (toi Ky·riʹoi) ang ginamit dito ng mga manuskritong Griego na mayroon tayo sa ngayon, may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Gaya ng ipinapakita ng sumunod na talata, dinala si Jesus sa templo pagkapanganak sa kaniya bilang pagsunod sa sinabi ni Jehova kay Moises sa Exodo 13:1, 2, 12, kung saan inuutusan ang mga magulang na “ialay . . . kay Jehova ang lahat ng panganay na lalaki.” Gayundin, ang ekspresyong “para iharap kay Jehova” ay kagaya ng binabanggit sa 1 Samuel 1:22-28, kung saan dinala ang batang si Samuel “sa harap ni Jehova” at inialay para sa paglilingkod sa Diyos. Dahil sa konteksto at sa pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, ginamit ang pangalan ng Diyos sa Lucas 2:22.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 2:22 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The Interpretation of St. Luke’s Gospel, ni R.C.H. Lenski, sa pahina 141 tungkol sa talatang ito: “Dinala nila ang bata sa Jerusalem ‘para iharap sa Panginoon,’ si Yahweh. Ganito ang pagkakagamit sa Κύριος [Kyʹri·os] sa buong unang mga kabanata ng Lucas. . . . Ang lahat ng panganay na lalaki ay dapat iharap kay Jehova.”
Sinasabi ng The Holy Scriptures, ni J. N. Darby, na inilimbag noong 1991, sa isang talababa sa Lucas 2:22: “Si Jehova.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J5-18, 22, 23, 28-36, 38-43, 47, 49, 52, 59-61, 65, 66, 88, 93-95, 100-102, 104-106, 114-117, 125, 128, 130, 138, 141, 144-147, 153, 161, 163, 167, 172, 180, 186, 187, 203, 217, 222, 242-244, 250, 259, 262, 263, 265, 268, 271, 273-275, 283, 290, 295, 306, 310, 323-325
LUCAS 2:23a “gaya ng nakasulat sa Kautusan ni Jehova”
DAHILAN: Kahit noʹmoi Ky·riʹou, “Kautusan ng Panginoon,” ang ginamit dito ng mga manuskritong Griego na mayroon tayo sa ngayon, may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Ang ekspresyong ito ay lumitaw nang maraming beses sa Hebreong Kasulatan. Kombinasyon ito ng salitang Hebreo para sa “kautusan” at ng Tetragrammaton. (Halimbawa: Exodo 13:9; 2 Hari 10:31; 1 Cronica 16:40; 22:12; 2 Cronica 17:9; 31:3; 34:14; 35:26; Nehemias 9:3; Awit 1:2; 119:1; Isaias 5:24; Jeremias 8:8; Amos 2:4.) Madalas gamitin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang ekspresyong Griego para sa “gaya ng nakasulat” kapag sumisipi ito mula sa Hebreong Kasulatan. (Marcos 1:2; Gawa 7:42; 15:15; Roma 1:17; 9:33; 10:15) Ginamit din ito sa 2 Hari 14:6 sa salin ng Septuagint para ipakita na ang susunod na pananalita ay sinipi mula sa ibang bahagi ng Kasulatan. Ang ekspresyong “gaya ng nakasulat sa Kautusan ni Jehova” ay may kahawig na ekspresyon sa Hebreong Kasulatan na mababasa sa 2 Cronica 31:3 at 35:26, kung saan ginamit ang pangalan ng Diyos. Gayundin, napansin ng mga iskolar na walang tiyak na Griegong pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Ipinapakita lang nito na ang Kyʹri·os dito ay katumbas ng isang pantanging pangalan. Dahil sa konteksto, sa pagkakagamit nito sa Hebreong Kasulatan, at sa kawalan nito ng tiyak na Griegong pantukoy, makatuwiran lang na gamitin ang pangalan ng Diyos sa Lucas 2:23.—Tingnan ang komento sa Lucas 1:6.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 2:23 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng Theological Dictionary of the New Testament, na inedit ni Gerhard Kittel, 1967, tungkol sa ekspresyong ito sa Lucas 2:23: “Walang pantukoy sa Luc. 2:23, pero ang kombinasyong νόμος κυρίου [noʹmos ky·riʹou] ay dapat unawaing katumbas ng יהוה [YHWH] תורת.”
Sinasabi ng The Scofield Reference Bible, ni C. I. Scofield, 1909, sa isang marginal note sa Lucas 2:23: “Si Jehova. Exo. 13.2, 12.”
Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa isang talababa sa Lucas 2:23: “Si Jehova.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J5-18, 22-24, 28-31, 33-36, 38-43, 46, 47, 49, 52, 55, 58-61, 65, 66, 88, 90, 93-95, 100-102, 104, 106, 114-117, 125, 141, 144-147, 153, 154, 167, 172, 180, 186, 187, 203, 213, 217, 222, 234, 236, 242-244, 250, 259, 262, 263, 265, 268, 271, 273-275, 283, 290, 295, 306, 310, 322-325
LUCAS 2:24 “sa Kautusan ni Jehova”
DAHILAN: Tingnan ang mga komento sa Lucas 1:6; 2:23.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 2:24 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa isang talababa sa Lucas 2:24: “Si Jehova.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J5-18, 22-24, 28-36, 38-43, 46, 47, 49, 52, 55, 56, 58-61, 65, 66, 88, 90, 93-95, 100-102, 104, 106, 114-117, 122, 125, 130, 133, 141, 144-147, 153, 154, 163, 167, 172, 180, 186, 187, 203, 213, 217, 222, 234, 242-244, 250, 259, 262, 265, 268, 271, 273-275, 283, 290, 295, 306, 310, 322-325
LUCAS 2:26 “ang Kristo ni Jehova”
DAHILAN: May makatuwirang mga dahilan para gamitin sa mismong teksto ang pangalan ng Diyos, kahit na ang mababasa sa natitirang mga manuskritong Griego sa ngayon ay “ang Kristo ng Panginoon” (ton khri·stonʹ Ky·riʹou). Sa mga kopya ng Septuagint sa ngayon, ang ekspresyong ito ay ipinanunumbas sa terminong Hebreo na ma·shiʹach YHWH (“pinahiran ni Jehova”), na 11 beses na ginamit sa Hebreong Kasulatan. (1 Samuel 24:6 [dalawang beses], 10; 26:9, 11, 16, 23; 2 Samuel 1:14, 16; 19:21; Panaghoy 4:20) Sa ulat ni Lucas at sa Septuagint, napansin ng mga iskolar na walang tiyak na Griegong pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Ipinapakita lang nito na ang Kyʹri·os ay katumbas ng isang pantanging pangalan sa mga kontekstong ito. Kaya ang pagkakagamit nito sa Hebreong Kasulatan at ang kawalan ng tiyak na Griegong pantukoy ay makatuwirang mga dahilan para isiping ang Kyʹri·os sa mga ekspresyong ito ay hindi isang titulo kundi katumbas ng pangalan ng Diyos.—Tingnan ang komento sa Lucas 1:6.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 2:26 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The Interpretation of St. Luke’s Gospel, ni R.C.H. Lenski, sa pahina 145 tungkol sa talatang ito: “Para makita ang Kristo ng Panginoon (si Yahweh, Κύριος sa unang dalawang kabanatang ito).”
Sinasabi ng Zondervan Illustrated Bible Backgrounds Commentary, 2002, (Tomo 1, p. 345-346) tungkol sa Lucas 2:26: “Ang pariralang ito ay katumbas ng ekspresyon sa Lumang Tipan na ‘ang Pinahiran ng PANGINOON’ . . . at nangangahulugang ‘ang pinili ni Yahweh bilang pantubos.’”
Sinasabi ng The Anchor Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1981, (Tomo 28) tungkol sa ekspresyong ito sa Lucas 2:26: “Ang ekspresyong ‘Pinahiran ni Yahweh’ (tingnan ang 1 Sam 24:7, 11; 26:9, 11, 16, 23) sa Lumang Tipan ay tumutukoy lang sa Mesiyas, sa isang tagapamahalang gaya ni David na darating sa hinaharap.”
Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa isang talababa sa Lucas 2:26: “Si Jehova.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J5-18, 22-24, 28-36, 38-43, 46, 47, 49, 52, 58-61, 65, 66, 88, 90, 93-95, 100-105, 114-117, 122, 125, 128, 130, 138, 141, 144-147, 153, 154, 163, 167, 172, 180, 185, 187, 203, 217, 222, 242-244, 249, 259, 262, 263, 265, 268, 271, 273-275, 283, 290, 295, 310, 322-325
LUCAS 2:39 “Kautusan ni Jehova”
DAHILAN: Kahit noʹmon Ky·riʹou, “Kautusan ng Panginoon,” ang ginamit dito ng mga manuskritong Griego na mayroon tayo sa ngayon, may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Ang ekspresyong ito ay lumitaw nang maraming beses sa Hebreong Kasulatan. Kombinasyon ito ng salitang Hebreo para sa “kautusan” at ng Tetragrammaton. (Halimbawa: Exodo 13:9; 2 Hari 10:31; 1 Cronica 16:40; 22:12; 2 Cronica 17:9; 31:3; Nehemias 9:3; Awit 1:2; 119:1; Isaias 5:24; Jeremias 8:8; Amos 2:4.) Kapansin-pansin din na walang tiyak na Griegong pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Ipinapakita lang nito na ang Kyʹri·os dito ay katumbas ng isang pantanging pangalan. Dahil sa pagkakagamit nito sa Hebreong Kasulatan at sa kawalan ng tiyak na Griegong pantukoy, ginamit ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto.—Tingnan ang mga komento sa Lucas 1:6; 2:23.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 2:39 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa isang talababa sa Lucas 2:39: “Si Jehova.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J5-18, 22-24, 28-36, 38, 40-44, 46-49, 52, 55, 59-61, 65, 66, 88, 90, 93-95, 100-104, 106, 114-117, 122, 125, 128, 138, 141, 144-147, 153, 154, 161, 167, 172, 180, 185-187, 203, 213, 217, 222, 234, 242-244, 250, 259, 262, 265, 268, 271, 273-275, 283, 290, 295, 306, 310, 322-325
LUCAS 5:17 “kapangyarihan ni Jehova”
DAHILAN: Kyʹri·os (Panginoon) ang mababasa dito sa mga manuskritong Griego, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin sa mismong teksto ang pangalan ng Diyos. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Malinaw sa konteksto na ang Kyʹri·os ay tumutukoy sa Diyos, at ang salitang Griego na dyʹna·mis, na puwedeng isaling “kapangyarihan” o “lakas,” ay ginamit sa Septuagint, kung saan ang tekstong Hebreo ay tumutukoy sa kapangyarihan, o lakas, ni Jehova at kung saan makikita ang Tetragrammaton sa konteksto. (Awit 21:1, 13; 93:1; 118:15) Napansin ng mga iskolar na sa Lucas 5:17, walang tiyak na Griegong pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Ipinapakita lang nito na ang Kyʹri·os dito ay katumbas ng isang pantanging pangalan. Mahalagang obserbasyon iyan, dahil kahit pinalitan ng Kyʹri·os sa mas bagong mga kopya ng Septuagint ang pangalan ng Diyos, na mababasa sa mga lumang kopya nito, madalas na wala pa ring tiyak na pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Ang kawalan ng tiyak na pantukoy ay isa pang patunay na ang Kyʹri·os ay ipinampalit sa pangalan ng Diyos. Dahil sa pagkakagamit nito sa Hebreong Kasulatan at sa kawalan ng tiyak na Griegong pantukoy, ginamit ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto.—Tingnan ang mga komento sa Lucas 1:6, 16.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 5:17 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The Interpretation of St. Luke’s Gospel, ni R.C.H. Lenski, sa pahina 292 tungkol sa talatang ito: “Ang Κύριος [Kyʹri·os] dito . . . ay tumutukoy kay Yahweh, gaya ng ipinapakita sa unang mga kabanata ng Lucas.”
Sinasabi ng New Testament Commentary, ni William Hendriksen, 2007, tungkol sa Lucas 5:17: “Kapansin-pansin na sinabi ni Lucas na ang kapangyarihan ng Panginoon—ni Jehova—ay na kay Jesus para ‘magpagaling.’”
Sinasabi ng A Critical and Exegetical Commentary on the Gospel According to St. Luke, ni Alfred Plummer, 1920, tungkol sa Lucas 5:17: “‘Sumasakaniya ang kapangyarihan ni Jehova para magpagaling’ . . . Ang Κύριος [Kyʹri·os] na walang pantukoy ay tumutukoy kay Jehova.”
Sinasabi ng Word Pictures in the New Testament, ni Archibald Thomas Robertson, 1930, (Tomo 2) tungkol sa Lucas 5:17: “Ang Kuriou dito ay tumutukoy kay Jehova.”
Sinasabi ng The Anchor Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1981, (Tomo 28) tungkol sa ekspresyong ito sa Lucas 5:17: “Maliwanag na si Lucas ang sumulat ng pariralang ito na naglalarawan sa kapangyarihang ibinigay ni Yahweh kay Jesus para makapagpagaling. Katulad ito ng diwa ng 4:14, 36, at nagpapakita ito na may himala at kapahayagang darating. Malinaw na hindi si Jesus ang tinutukoy ng Kyrios dito, kundi si Yahweh.”
Sinasabi ng A Critical and Exegetical Commentary on the Gospel According to S. Luke, ni Alfred Plummer, 1916, tungkol sa ekspresyong ito sa Lucas 5:17: “Madalas tawagin [ni Lucas] na ‘Panginoon’ si Kristo; pero laging may kasamang pantukoy ang Κύριος [Kyʹri·os] kapag ginagawa niya iyon [7:13; 10:1; 11:39; 12:42; 13:15; 17:5, 6; 18:6; 19:8; 22:61]. Ang Κύριος [Kyʹri·os] na walang pantukoy ay tumutukoy kay Jehova [1:11; 2:9; 4:18; Gawa 5:19; 8:26, 39; 12:7].”
Sinasabi ng The New American Commentary, ni Robert H. Stein, 1992, (Tomo 24) tungkol sa Lucas 5:17: “Ang terminong ‘Panginoon’ dito ay tumutukoy sa Diyos/YHWH gaya sa 1:6, 9, 11, 15, 16.”
Sinasabi ng reperensiyang French na Évangile Selon Saint Luc (Ang Ebanghelyo Ayon kay San Lucas), ni M. J. Lagrange, 1921, tungkol sa Lucas 5:17: “Pero kapag walang pantukoy na ginamit si Lucas, ang Κύριος [Kyʹri·os] ay tumutukoy kay Iahvé.” Binanggit pa nito na ganiyan din ang pagkakagamit ng Kyʹri·os sa Lucas 1:11; 2:9; 4:18; Gawa 5:19; 8:26, 39; 12:7.
Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa isang talababa sa Lucas 5:17: “Si Jehova.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7-12, 14-18, 22-24, 28-36, 38-44, 46, 47, 52, 55, 58, 61, 65, 66, 88, 90, 93-96, 100-104, 106, 115-117, 125, 130, 138, 144-147, 153, 154, 172, 186, 187, 222, 242, 259, 262, 265, 268, 271, 273, 275, 283, 290, 295, 310, 322-325
LUCAS 20:37 “Tinawag niya si Jehova”
DAHILAN: Kahit Kyʹri·os (Panginoon) ang ginamit dito ng mga manuskritong Griego na mayroon tayo sa ngayon, may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Makikita sa konteksto na ang Kyʹri·os ay tumutukoy sa Diyos. Ang siniping bahagi sa talatang ito ay mula sa Exodo 3:6. Makikita sa naunang mga talata na si “Jehova” ang nagsasalita. (Exodo 3:4, 5) Dahil sa pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, ginamit ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Napansin ng mga iskolar na sa Lucas 20:37, walang tiyak na Griegong pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Mahalagang obserbasyon iyan, dahil kahit pinalitan ng Kyʹri·os sa mas bagong mga kopya ng Griegong Septuagint ang pangalan ng Diyos, na mababasa sa mga lumang kopya nito, walang tiyak na pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Kaya ang kawalan ng tiyak na pantukoy ay isa pang patunay na ang Kyʹri·os dito ay ipinampalit sa pangalan ng Diyos.—Tingnan ang mga komento sa Lucas 1:6, 16.
REPERENSIYA:
Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Lucas 20:37 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”
Sinasabi ng The Interpretation of St. Luke’s Gospel, ni R.C.H. Lenski, sa pahina 999 tungkol sa talatang ito: “Pero ang Panginoon (si Yahweh) mismo ang gumamit ng pangalang ito sa pakikipagtipan nang ipakilala niya ang sarili niya sa may palumpong.”
Sinasabi ng A Translator’s Handbook on the Gospel of Luke, na inilathala ng United Bible Societies (1971) at isinulat nina J. Reiling at J. L. Swellengrebel, tungkol sa Lucas 20:37: “Ang Kurios (ihambing ang 1:6) na walang pantukoy ay gaya ng isang personal na pangalan.”
Sinasabi ng The Anchor Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1985, (Tomo 28-28A) tungkol sa talatang ito: “Nang sabihin niya tungkol sa Panginoon. Si Yahweh (tingnan ang Exo 3:4).” Ipinaliwanag pa nito: “Ang punto dito ay ipinakilala ni Yahweh ang sarili niya kay Moises bilang Diyos ng mga patriyarka kahit matagal nang patay ang mga ito.”
Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa isang talababa sa Lucas 20:37: “Si Jehova.”
SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J9, 11-18, 21-24, 27-44, 46-49, 52, 54, 55, 57-61, 65, 66, 86, 88, 90, 91, 93, 95, 96, 100-103, 105, 106, 112, 114-117, 121, 124, 125, 129, 130, 138, 144-147, 149, 153, 154, 161, 164-167, 170, 171, 178, 180, 181, 183, 185-187, 197, 200, 203, 209, 213, 217, 222, 242-244, 250, 259, 262, 265, 268, 271, 273-275, 278, 279, 283, 290, 295-297, 300, 306, 310, 322-325