Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)

TANONG 11

Ano ang Nangyayari sa Isang Tao Kapag Namatay Siya?

“Ang hininga niya ay nawawala, bumabalik siya sa lupa; sa araw ding iyon ay naglalaho ang pag-iisip niya.”

Awit 146:4

“Alam ng mga buháy na mamamatay sila, pero walang alam ang mga patay . . . Anuman ang puwede mong gawin, gawin mo nang buong makakaya, dahil wala nang gawain, pagpaplano, kaalaman, o karunungan sa Libingan, kung saan ka pupunta.”

Eclesiastes 9:5, 10

“Sinabi pa [ni Jesus]: ‘Ang kaibigan nating si Lazaro ay natutulog, pero pupunta ako roon para gisingin siya.’ Gayunman, ang tinutukoy ni Jesus ay ang kamatayan ni Lazaro. Pero akala nila, tungkol lang sa pagtulog ang sinasabi niya. Kaya tuwirang sinabi ni Jesus: ‘Patay na si Lazaro.’”

Juan 11:11, 13, 14