TANONG 16
Paano Mo Maiiwasan ang Sobrang Pag-aalala?
“Ihagis mo kay Jehova ang pasanin mo, at aalalayan ka niya. Hindi niya kailanman hahayaang mabuwal ang matuwid.”
“Ang mga plano ng masipag ay tiyak na magtatagumpay, pero ang lahat ng padalos-dalos ay tiyak na maghihirap.”
“Huwag kang matakot, dahil kasama mo ako. Huwag kang mag-alala, dahil ako ang Diyos mo. Papatibayin kita, oo, tutulungan kita, talagang aalalayan kita sa pamamagitan ng matuwid kong kanang kamay.”
“Sino sa inyo ang makapagpapahaba nang kahit kaunti sa buhay niya dahil sa pag-aalala?”
“Huwag kayong mag-alala tungkol sa susunod na araw, dahil ang kasunod na araw ay magkakaroon ng sarili nitong mga álalahanín. Sapat na ang mga problema sa bawat araw.”
“[Tiyakin] ninyo kung ano ang mas mahahalagang bagay.”
Filipos 1:10, tlb.
“Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay; sa halip, ipaalám ninyo sa Diyos ang lahat ng pakiusap ninyo sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pasasalamat; at ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ang magbabantay sa inyong puso at isip sa pamamagitan ni Kristo Jesus.”