Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)

TANONG 5

Ano ang Mensahe ng Bibliya?

“Maglalagay ako ng alitan sa pagitan mo at ng babae at sa pagitan ng supling mo at ng supling niya. Dudurugin ng supling niya ang ulo mo, at susugatan mo ito sa sakong.”

Genesis 3:15

“Sa pamamagitan ng iyong supling, ang lahat ng bansa sa lupa ay makakakuha ng pagpapala para sa sarili nila dahil pinakinggan mo ang tinig ko.”

Genesis 22:18

“Dumating nawa ang Kaharian mo. Mangyari nawa ang kalooban mo, kung paano sa langit, gayon din sa lupa.”

Mateo 6:10

“Malapit nang durugin ng Diyos na nagbibigay ng kapayapaan si Satanas sa ilalim ng inyong mga paa.”

Roma 16:20

“Kapag napasailalim na niya ang lahat ng bagay, ang Anak ay magpapasailalim din sa Isa na nagbigay sa kaniya ng awtoridad sa lahat ng bagay, para ang Diyos ang maging nag-iisang Tagapamahala ng lahat.”

1 Corinto 15:28

“Ngayon, ang mga pangako ay ibinigay kay Abraham at sa kaniyang supling . . . , si Kristo. Bukod diyan, kung kayo ay kay Kristo, talagang supling kayo ni Abraham.”

Galacia 3:16, 29

“Ang kaharian ng sanlibutan ay naging Kaharian ng ating Panginoon at ng kaniyang Kristo, at maghahari siya magpakailanman.”

Apocalipsis 11:15

“Kaya inihagis ang malaking dragon, ang orihinal na ahas, ang tinatawag na Diyablo at Satanas, na nagliligaw sa buong mundo; inihagis siya sa lupa, at ang mga anghel niya ay inihagis na kasama niya.”

Apocalipsis 12:9

“Sinunggaban niya ang dragon, ang orihinal na ahas, ang Diyablo at Satanas, at iginapos ito sa loob ng 1,000 taon.”

Apocalipsis 20:2