Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

A7-E

Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni Jesus sa Lupa—Malawakang Ministeryo ni Jesus sa Galilea (Bahagi 3) at sa Judea

PANAHON

LUGAR

PANGYAYARI

MATEO

MARCOS

LUCAS

JUAN

32, pagkatapos ng Paskuwa

Lawa ng Galilea; Betsaida

Habang nasa bangka papuntang Betsaida, nagbabala si Jesus tungkol sa lebadura ng mga Pariseo; nagpagaling ng lalaking bulag

16:5-12

8:13-26

   

Rehiyon ng Cesarea Filipos

Mga susi ng Kaharian; inihula na papatayin siya at bubuhaying muli

16:13-28

8:27–9:1

9:18-27

 

Malamang na sa Bdk. Hermon

Pagbabagong-anyo; nagsalita si Jehova

17:1-13

9:2-13

9:28-36

 

Rehiyon ng Cesarea Filipos

Nagpagaling ng batang lalaki na sinaniban ng demonyo

17:14-20

9:14-29

9:37-43

 

Galilea

Muling inihula na papatayin siya

17:22, 23

9:30-32

9:43-45

 

Capernaum

Nagbayad ng buwis gamit ang baryang galing sa bibig ng isda

17:24-27

     

Pinakadakila sa Kaharian; mga ilustrasyon: nawawalang tupa, di-mapagpatawad na alipin

18:1-35

9:33-50

9:46-50

 

Galilea-Samaria

Habang papuntang Jerusalem, sinabi sa mga alagad na isaisantabi ang lahat para sa Kaharian

8:19-22

 

9:51-62

7:2-10

Huling Bahagi ng Ministeryo ni Jesus sa Judea

PANAHON

LUGAR

PANGYAYARI

MATEO

MARCOS

LUCAS

JUAN

32, Kapistahan ng mga Tabernakulo (o, Kubol)

Jerusalem

Nagturo sa panahon ng Kapistahan; mga guwardiya, isinugo para arestuhin siya

     

7:11-52

Sinabing “Ako ang liwanag ng sangkatauhan”; nagpagaling ng taong ipinanganak na bulag

     

8:12–9:41

Malamang na sa Judea

Isinugo ang 70; bumalik sila nang masaya

   

10:1-24

 

Judea; Betania

Ilustrasyon tungkol sa mabuting Samaritano; dumalaw kina Maria at Marta

   

10:25-42

 

Malamang na sa Judea

Muling itinuro ang modelong panalangin; ilustrasyon tungkol sa mapilit na kaibigan

   

11:1-13

 

Nagpalayas ng mga demonyo sa tulong ng daliri ng Diyos; binanggit uli ang tanda ni Jonas

   

11:14-36

 

Kumain kasama ng Pariseo; tinuligsa ang pagkukunwari ng mga Pariseo

   

11:37-54

 

Mga ilustrasyon: mayamang lalaki na di-makatuwiran, tapat na katiwala

   

12:1-59

 

Nagpagaling ng isang babaeng may kapansanan sa araw ng Sabbath; mga ilustrasyon: binhi ng mustasa, pampaalsa

   

13:1-21

 

32, Kapistahan ng Pag-aalay

Jerusalem

Ilustrasyon tungkol sa mabuting pastol at sa kulungan ng tupa; tinangkang batuhin ng mga Judio; pumunta sa Betania sa kabila ng Jordan

     

10:1-39