Unang Cronica 3:1-24

  • Mga inapo ni David (1-9)

  • Mga inapo ni David na nakalinya sa paghahari (10-24)

3  Ito ang mga naging anak ni David sa Hebron:+ ang panganay na si Amnon,+ na anak niya kay Ahinoam+ ng Jezreel; ang ikalawa, si Daniel, na anak niya kay Abigail+ na Carmelita;  ang ikatlo, si Absalom+ na anak ni Maaca na anak ni Talmai na hari ng Gesur; ang ikaapat, si Adonias+ na anak ni Hagit;  ang ikalima, si Sepatias, na anak niya kay Abital; ang ikaanim, si Itream, na anak ni David sa asawa niyang si Egla.  Ang anim na ito ang mga naging anak niya sa Hebron; namahala siya roon nang 7 taon at 6 na buwan, at namahala siya sa Jerusalem nang 33 taon.+  Ito ang mga naging anak niya sa Jerusalem:+ sina Simea, Sobab, Natan,+ at Solomon;+ ang ina ng apat na ito ay si Bat-sheba+ na anak ni Amiel.  At ang siyam na iba pang anak ay sina Ibhar, Elisama, Elipelet,  Noga, Nepeg, Japia,  Elisama, Eliada, at Elipelet.  Ang lahat ng ito ang mga anak ni David, bukod pa sa mga anak ng kaniyang mga pangalawahing asawa, at si Tamar+ ay kapatid nilang babae. 10  Ang anak ni Solomon ay si Rehoboam;+ anak nito si Abias,+ na ama ni Asa,+ na ama ni Jehosapat,+ 11  na ama ni Jehoram,+ na ama ni Ahazias,+ na ama ni Jehoas,+ 12  na ama ni Amazias,+ na ama ni Azarias,+ na ama ni Jotam,+ 13  na ama ni Ahaz,+ na ama ni Hezekias,+ na ama ni Manases,+ 14  na ama ni Amon,+ na ama ni Josias.+ 15  Ang mga anak ni Josias ay si Johanan, ang panganay; si Jehoiakim,+ ang ikalawa; si Zedekias,+ ang ikatlo; at si Salum, ang ikaapat. 16  Ang anak ni Jehoiakim ay si Jeconias,+ na ama ni Zedekias. 17  Ang mga naging anak ni Jeconias noong bilanggo siya ay sina Sealtiel, 18  Malkiram, Pedaias, Senazar, Jekamias, Hosama, at Nedabias. 19  Ang mga anak ni Pedaias ay sina Zerubabel+ at Simei; at ang mga anak ni Zerubabel ay sina Mesulam at Hananias (at si Selomit ay kapatid nilang babae); 20  at ang limang iba pang anak ay sina Hasuba, Ohel, Berekias, Hasadias, at Jusab-hesed. 21  At ang mga anak ni Hananias ay sina Pelatias at Jesaias; ang anak* ni Jesaias ay si Repaias; ang anak* ni Repaias ay si Arnan; ang anak* ni Arnan ay si Obadias; ang anak* ni Obadias ay si Secanias; 22  at ang mga anak ni Secanias ay si Semaias at ang mga anak ni Semaias: sina Hatus, Igal, Barias, Nearias, at Sapat—anim lahat. 23  At ang mga anak ni Nearias ay sina Elioenai, Hizkias, at Azrikam, tatlo. 24  At ang mga anak ni Elioenai ay sina Hodavias, Eliasib, Pelaias, Akub, Johanan, Delaias, at Anani, pito.

Talababa

Lit., “mga anak.”
Lit., “mga anak.”
Lit., “mga anak.”
Lit., “mga anak.”