Unang Liham sa mga Taga-Tesalonica 1:1-10

  • Mga pagbati (1)

  • Nagpapasalamat sa pananampalataya ng mga taga-Tesalonica (2-10)

1  Akong si Pablo, kasama sina Silvano*+ at Timoteo,+ ay sumusulat sa kongregasyon ng mga taga-Tesalonica na kaisa ng Diyos na Ama at ng Panginoong Jesu-Kristo: Sumainyo nawa ang walang-kapantay na kabaitan at kapayapaan.  Lagi naming pinasasalamatan ang Diyos kapag binabanggit namin kayong lahat sa panalangin,+  dahil lagi naming naaalaala sa harap ng ating Diyos at Ama ang mga bagay na ginawa ninyo dahil sa inyong pananampalataya at pag-ibig at kung paano kayo nagtiis* dahil sa inyong pag-asa+ sa ating Panginoong Jesu-Kristo.  Dahil mga kapatid na minamahal ng Diyos, alam naming pinili niya kayo,  dahil nang ipangaral namin sa inyo ang mabuting balita, hindi lang kami basta nagsalita; ibinahagi namin iyon nang may puwersa, sa tulong ng banal na espiritu, at may kombiksiyon. At kayo mismo ang nakakita kung naging anong uri kami ng tao alang-alang sa inyo.  At tinularan ninyo kami+ at ang Panginoon,+ dahil tinanggap ninyo ang salita ng Diyos nang may kagalakan na mula sa banal na espiritu kahit nagdurusa kayo,+  kaya naging halimbawa kayo sa lahat ng mananampalataya sa Macedonia at Acaya.  Ang totoo, hindi lang ang salita ni Jehova* ang lumaganap sa Macedonia at Acaya sa pamamagitan ninyo; lumaganap din sa lahat ng lugar ang tungkol sa pananampalataya ninyo sa Diyos,+ kaya wala na kaming kailangan pang sabihin.  Dahil sila mismo ang paulit-ulit na nagsasabi kung paano namin kayo unang nakilala at kung paanong tinalikuran ninyo ang inyong mga idolo+ para magpaalipin sa buháy at tunay na Diyos 10  at para maghintay sa kaniyang Anak mula sa langit,+ si Jesus, na binuhay niyang muli* at siyang nagliligtas sa atin mula sa dumarating na poot ng Diyos.+

Talababa

Tinatawag ding Silas.
O “nagbata.”
Tingnan ang Ap. A5.
Lit., “na ibinangon niya mula sa mga patay.”