Unang Liham kay Timoteo 1:1-20
1 Akong si Pablo, isang apostol ni Kristo Jesus ayon sa utos ng Diyos na ating Tagapagligtas at ni Kristo Jesus, na ating pag-asa,+
2 ay sumusulat kay Timoteo,*+ isang tunay na anak+ sa pananampalataya:
Sumaiyo nawa ang walang-kapantay na kabaitan, awa, at kapayapaan mula sa Diyos na Ama at mula kay Kristo Jesus na ating Panginoon.
3 Kung paanong hinimok kitang manatili sa Efeso noong papunta ako sa Macedonia, hinihimok ulit kita ngayon, para masabihan mo ang ilan doon na huwag magturo ng ibang doktrina
4 o magbigay-pansin sa mga kuwentong di-totoo+ at sa mga talaangkanan. Walang pakinabang ang gayong mga bagay+ at nagbabangon pa nga ng mga pag-aalinlangan. Hindi kasama ang mga iyon sa mga paglalaan ng Diyos para mapatibay ang ating pananampalataya.
5 Ibinigay ko ang tagubiling* ito para mahalin natin ang isa’t isa+ nang may malinis na puso at konsensiya* at may pananampalatayang+ walang pagkukunwari.
6 May ilang hindi sumunod dito kaya naging abala sila sa walang-saysay na usapan.+
7 Gusto nilang maging guro+ ng kautusan, pero hindi nila naiintindihan ang mga sinasabi nila o ang mga bagay na pinagpipilitan nila.
8 Alam natin na mabuti ang Kautusan kung sinusunod ito nang tama
9 at kung kinikilala ng isang tao na ginawa ang kautusan, hindi para sa matuwid, kundi para sa masuwayin+ at rebelde, di-makadiyos at makasalanan, di-tapat* at lapastangan, pumapatay ng ama at ina, mamamatay-tao,
10 imoral,* lalaking nagsasagawa ng gawaing homoseksuwal,* nandurukot ng tao, sinungaling, sumisira sa panata,* at iba pa na salungat sa kapaki-pakinabang* na turo+
11 na batay sa maluwalhating mabuting balita ng maligayang Diyos, na ipinagkatiwala niya sa akin.+
12 Nagpapasalamat ako kay Kristo Jesus na ating Panginoon, na nagbigay ng lakas sa akin, dahil itinuring niya akong tapat nang atasan niya ako sa isang banal na gawain,+
13 kahit na dati akong mamumusong,* mang-uusig, at walang galang.+ Pero pinagpakitaan ako ng awa dahil ginawa ko ang mga iyon sa kawalang-alam at kawalan ng pananampalataya.
14 At nag-uumapaw ang walang-kapantay na kabaitan na ipinakita sa akin ng ating Panginoon, at tumanggap din ako ng pananampalataya at pag-ibig mula kay Kristo Jesus.
15 Ang pananalitang ito ay mapananaligan at talagang dapat paniwalaan: Si Kristo Jesus ay dumating sa mundo para iligtas ang mga makasalanan.+ At ako ang pinakamakasalanan sa mga ito.+
16 Gayunman, pinagpakitaan ako ng awa para sa pamamagitan ko, na pinakamakasalanan sa lahat, ay maipakita ni Kristo Jesus ang haba ng kaniyang pagtitiis at magsilbi akong halimbawa sa mga mananampalataya sa kaniya para sa buhay na walang hanggan.+
17 Maparangalan nawa at maluwalhati magpakailanman ang Haring walang hanggan,+ na nabubuhay magpakailanman+ at di-nakikita,+ ang nag-iisang Diyos.+ Amen.
18 Timoteo, anak ko, ipinagkakatiwala ko sa iyo ang tagubiling* ito, ayon sa mga hula tungkol sa iyo. Matutulungan ka ng mga ito na ipagpatuloy ang iyong mahusay na pakikipaglaban+
19 habang pinananatili mo ang iyong pananampalataya at malinis na konsensiya,+ na itinakwil ng ilan kaya nawasak ang pananampalataya nila.
20 Kasama rito sina Himeneo+ at Alejandro, at ibinigay ko sila kay Satanas+ bilang disiplina para matuto silang huwag mamusong.
Talababa
^ Ibig sabihin, “Isa na Nagpaparangal sa Diyos.”
^ O “utos na.”
^ O “budhi.”
^ O “walang tapat na pag-ibig.”
^ Lit., “nakapagpapalusog.”
^ O “sumusumpa nang may kasinungalingan.”
^ O “lalaking nakikipagtalik sa lalaki.”
^ O “utos na.”