Ikalawang Liham sa mga Taga-Corinto 3:1-18

  • Mga liham ng rekomendasyon (1-3)

  • Mga lingkod ng bagong tipan (4-6)

  • Nakahihigit na kaluwalhatian ng bagong tipan (7-18)

3  Kailangan ba ulit naming magpakilala* sa inyo? O gaya ng iba, kailangan ba naming magbigay sa inyo ng mga liham ng rekomendasyon o tumanggap nito mula sa inyo?  Kayo mismo ang liham namin,+ na nakasulat sa aming mga puso at nakikilala at binabasa ng buong sangkatauhan.  Malinaw na kayo ay isang liham ni Kristo na isinulat namin bilang mga lingkod,+ na isinulat hindi gamit ang tinta kundi sa pamamagitan ng espiritu ng Diyos na buháy, at hindi sa mga tapyas ng bato,+ kundi sa mga tapyas ng laman, sa mga puso.+  Sa harap ng Diyos, taglay namin ang pagtitiwalang ito sa pamamagitan ng Kristo.  Hindi namin sinasabi na lubusan kaming kuwalipikado sa gawaing ito dahil sa sarili naming kakayahan; naging kuwalipikado kami dahil sa Diyos.+  Dahil sa kaniya, naging lubusan kaming kuwalipikado na maging mga lingkod ng isang bagong tipan,+ na ginagabayan ng espiritu at hindi ng isang nasusulat na Kautusan;+ dahil ang nasusulat na Kautusan ay nagpapataw ng hatol na kamatayan,+ pero ang espiritu ay bumubuhay.+  Ngayon, kung ang Kautusan na nagpapataw ng kamatayan at nakaukit sa bato+ ay napakaluwalhati kung kaya hindi matitigan ng mga Israelita ang mukha ni Moises dahil sa kaluwalhatian nito+—isang kaluwalhatiang aalisin—  hindi ba mas maluwalhati ang mga bagay na kayang gawin ng espiritu?+  Dahil kung maluwalhati+ ang Kautusan na nagpapataw ng hatol na kamatayan,+ di-hamak na mas maluwalhati ang paglalapat ng katuwiran!+ 10  Ang totoo, kahit ang ginawang maluwalhati noon ay naalisan ng kaluwalhatian dahil sa kaluwalhatiang nakahihigit dito.+ 11  Dahil kung ang isang bagay na aalisin ay dumating nang may kaluwalhatian,+ di-hamak na mas maluwalhati ang mananatili!+ 12  Dahil mayroon tayong gayong pag-asa,+ malaya tayong nakapagsasalita, 13  at hindi tayo gaya ni Moises na nagtakip ng tela sa mukha niya+ para hindi matitigan ng mga Israelita ang katapusan ng bagay na aalisin. 14  Pero pumurol ang isip nila.+ Hanggang ngayon, nananatiling nakatakip ang telang iyon kapag binabasa ang lumang tipan,+ dahil maaalis lang iyon sa pamamagitan ni Kristo.+ 15  Ang totoo, hanggang sa araw na ito, natatalukbungan ang puso nila+ tuwing binabasa ang mga isinulat ni Moises.+ 16  Pero kapag ang isa ay bumabaling kay Jehova,* naaalis ang talukbong.+ 17  Si Jehova* ang Espiritu,+ at may kalayaan kung nasaan ang espiritu ni Jehova.*+ 18  At habang ipinaaaninag natin na gaya ng salamin ang kaluwalhatian ni Jehova* dahil hindi natatakpan ang mukha natin, tayong lahat ay nababago nang eksakto kung paano ito ginagawa ni Jehova* na Espiritu;* nagiging mas kawangis tayo ng Diyos at mas naipaaaninag natin ang kaluwalhatian niya.+

Talababa

O “irekomenda ang sarili namin.”
Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan ang Ap. A5.
O posibleng “ginagawa ng espiritu ni Jehova.”