Amos 1:1-15

  • Tumanggap si Amos ng mensahe mula kay Jehova (1, 2)

  • Mga hatol sa paulit-ulit na paghihimagsik (3-15)

1  Ang mensahe ni Amos,* isa sa mga tagapag-alaga ng tupa mula sa Tekoa,+ na tinanggap niya sa isang pangitain tungkol sa Israel noong panahon ni Haring Uzias+ ng Juda at noong panahon ni Jeroboam+ na anak ni Joas,+ ang hari ng Israel, dalawang taon bago ang lindol.+  Sinabi niya: “Si Jehova ay uungal mula sa Sion,At sisigaw siya mula sa Jerusalem. Ang mga pastulan ng mga pastol ay magdadalamhati,At ang tuktok ng Carmel ay matutuyo.”+   “Ito ang sinabi ni Jehova,‘“Dahil sa tatlong ulit na paghihimagsik* ng Damasco, at dahil sa apat, ay hindi ko iyon iuurong,Dahil giniik nila ang Gilead sa pamamagitan ng panggiik na bakal.+   Kaya magpapadala ako ng apoy sa bahay ni Hazael,+At tutupukin nito ang matitibay na tore ni Ben-hadad.+   At babaliin ko ang mga halang ng pintuang-daan ng Damasco,+Pupuksain ko ang mga nakatira sa Bikat-avenAt ang namamahala* sa Bet-eden;At ang bayan ng Sirya ay ipatatapon sa Kir,”+ ang sabi ni Jehova.’   Ito ang sinabi ni Jehova,‘“Dahil sa tatlong ulit na paghihimagsik ng Gaza,+ at dahil sa apat, ay hindi ko iyon iuurong,Dahil binihag nila ang isang buong bayan+ at ibinigay sa Edom.   Kaya magpapadala ako ng apoy sa pader ng Gaza,+At tutupukin nito ang kaniyang matitibay na tore.   Pupuksain ko ang mga nakatira sa Asdod+At ang namamahala* sa Askelon;+Pagbubuhatan ko ng kamay ang Ekron,+At ang matitirang mga Filisteo ay mamamatay,”+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.’   Ito ang sinabi ni Jehova,‘Dahil sa tatlong ulit na paghihimagsik ng Tiro,+ at dahil sa apat, ay hindi ko iyon iuurong,Dahil ibinigay nila sa Edom ang isang buong bayan ng mga bihag,At dahil hindi nila inalaala ang tipan ng magkapatid.+ 10  Kaya magpapadala ako ng apoy sa pader ng Tiro,At tutupukin nito ang kaniyang matitibay na tore.’+ 11  Ito ang sinabi ni Jehova,‘Dahil sa tatlong ulit na paghihimagsik ng Edom,+ at dahil sa apat, ay hindi ko iyon iuurong,Dahil hinabol niya ng espada ang sarili niyang kapatid,+At dahil hindi siya naawa;Sa galit niya ay patuloy niya silang nilalapa,At napopoot pa rin siya sa kanila.+ 12  Kaya magpapadala ako ng apoy sa Teman,+At tutupukin nito ang matitibay na tore ng Bozra.’+ 13  Ito ang sinabi ni Jehova,‘“Dahil sa tatlong ulit na paghihimagsik ng mga Ammonita,+ at dahil sa apat, ay hindi ko iyon iuurong,Dahil nilaslas nila ang tiyan ng mga buntis sa Gilead para palakihin ang sarili nilang teritoryo.+ 14  Kaya sisilaban ko ang pader ng Raba,+At tutupukin nito ang kaniyang matitibay na tore,Na may hudyat ng labanan sa araw ng digmaan,Na may unos sa araw ng bagyo. 15  At ang hari nila ay ipatatapon kasama ang kaniyang matataas na opisyal,”+ ang sabi ni Jehova.’

Talababa

Ibig sabihin, “Isang Pasan” o “Nagdadala ng Pasan.”
O “tatlong krimen.”
Lit., “humahawak ng setro.”
Lit., “humahawak ng setro.”