Amos 3:1-15

  • Inihayag ang hatol ng Diyos (1-8)

    • Ipinaalám ng Diyos ang kaniyang lihim (7)

  • Mensahe laban sa Samaria (9-15)

3  “Pakinggan ninyo ang mensaheng ito ni Jehova may kinalaman sa inyo, O bayan ng Israel, may kinalaman sa buong pamilya na inilabas ko mula sa lupain ng Ehipto:   ‘Kayo lamang ang kinilala ko sa lahat ng pamilya sa lupa.+ Kaya pananagutin ko kayo sa lahat ng inyong kamalian.+   Magkasama bang maglalakad ang dalawa kung hindi sila nagkasundong magkita?   Uungal ba ang leon sa kagubatan kung wala itong masisila? Uungal ba ang leon sa lungga nito kung wala itong nahuli?   Mabibitag ba ang ibon sa lupa kung wala namang nakaumang na bitag para dito?* Iigkas ba ang bitag mula sa lupa kung wala naman itong nahuli?   Kapag ang tambuli ay hinihipan sa isang lunsod, hindi ba’t nanginginig ang bayan? Kapag may kapahamakang nangyari sa lunsod, hindi ba’t si Jehova ang gumawa nito?   Dahil ang Kataas-taasang* Panginoong Jehova ay hindi gagawa ng anumanMalibang naipaalám na niya ang kaniyang lihim sa mga lingkod niyang propeta.+   Umungal ang leon!+ Sino ang hindi matatakot? Nagsalita ang Kataas-taasang Panginoong Jehova! Sino ang hindi manghuhula?’+   ‘Ipahayag ninyo iyon sa matitibay na tore ng AsdodAt sa matitibay na tore sa lupain ng Ehipto. Sabihin ninyo: “Magtipon kayo laban sa kabundukan ng Samaria;+Tingnan ninyo ang kaguluhan sa gitna niyaAt ang pandaraya sa loob niya.+ 10  Dahil hindi nila alam kung paano gumawa ng tama,” ang sabi ni Jehova,“Silang mga nag-iimbak ng karahasan at pagwasak* sa kanilang matitibay na tore.”’ 11  Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova,‘Isang kalaban ang papalibot sa lupain,+Aalisin niya ang iyong kapangyarihan,At ang iyong matitibay na tore ay sasamsaman.’+ 12  Ito ang sinabi ni Jehova,‘Kung paanong inaagaw ng pastol mula sa bibig ng leon ang dalawang binti o isang piraso ng tainga,Ganoon aagawin ang bayang Israel,Ang mga taga-Samaria na nakaupo sa magagarang kama at magagandang higaan.’*+ 13  ‘Makinig kayo at babalaan ninyo ang* sambahayan ni Jacob,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, na Diyos ng mga hukbo. 14  ‘Dahil sa araw na pananagutin ko ang Israel sa lahat ng paghihimagsik* niya,+Maglalapat din ako ng hatol sa mga altar ng Bethel;+Ang mga sungay ng altar ay puputulin at mahuhulog sa lupa.+ 15  Pababagsakin ko ang bahay na pantaglamig, pati ang bahay na pantag-araw.’‘Maglalaho ang mga bahay na garing,*+At mawawasak ang malalaking* bahay,’+ ang sabi ni Jehova.”

Talababa

O posibleng “kung wala namang pain?”
O “Soberanong.”
O “nag-iimbak ng samsam sa pamamagitan ng karahasan at pagwasak.”
O “higaan ng taga-Damasco.”
O “at magpatotoo laban sa.”
O “krimen.”
Sa Ingles, ivory.
O posibleng “maraming.”