Amos 8:1-14

  • Pangitain tungkol sa isang basket ng prutas na pantag-araw (1-3)

  • Hinatulan ang mga nang-aapi (4-14)

    • Pagkagutom sa salita ng Diyos (11)

8  Ito ang ipinakita sa akin ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: May isang basket ng prutas na pantag-araw.  Pagkatapos ay sinabi niya: “Ano ang nakikita mo, Amos?” Sumagot ako: “Isang basket ng prutas na pantag-araw.” Sinabi ni Jehova sa akin: “Dumating na ang wakas ng bayan kong Israel. Hindi ko na sila pagpapaumanhinan.+  ‘Ang mga awit sa templo ay magiging hagulgol sa araw na iyon,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova. ‘Ang mga bangkay ay makikitang nagkalat kung saan-saan+—katahimikan!’   Pakinggan ninyo ito, kayong nang-aapi ng mahihirapAt sanhi ng wakas ng maaamo sa lupa,+   At nagsasabi, ‘Kailan matatapos ang kapistahan ng bagong buwan,+ para makapagtinda tayo ng mga butil,At ang Sabbath,+ para makapag-alok tayo ng mga butil? Para mapaliit natin ang panukat na epa*At mapabigat ang panukat na siklo,*Para makapandaya tayo sa ating timbangan;+   Para mabili natin ang mga dukha kapalit ng pilakAt ang mahihirap kapalit ng isang pares ng sandalyas,+At maibenta ang mga pinagtahipan ng butil.’   Ipinanumpa ni Jehova ang Kaluwalhatian ng Jacob,+‘Hindi ko kailanman kalilimutan ang lahat ng ginawa nila.+   Dahil dito, ang lupain* ay mayayanig,At lahat ng tagaroon ay magdadalamhati.+ Hindi ba ang buong lupain ay magiging gaya ng umaapaw na tubig ng Nilo,At tataas at bababa itong gaya ng Nilo ng Ehipto?’+   ‘Sa araw na iyon,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova,‘Palulubugin ko ang araw sa katanghaliang-tapat,At padidilimin ko ang lupain sa isang araw na maaliwalas.+ 10  Gagawin kong pagdadalamhati ang inyong mga kapistahan+At ang inyong mga awit ay gagawin kong awit ng pagdadalamhati. Lalagyan ko ng telang-sako ang lahat ng balakang at kakalbuhin ko ang bawat ulo;Gagawin ko iyong gaya ng pagdadalamhati para sa kaisa-isang anak na lalaki,At mapait ang magiging katapusan ng araw na iyon.’ 11  ‘Darating ang panahon,’ ang sabi ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova,‘Na magpapasapit ako ng taggutom sa lupain,Hindi ng pagkagutom sa tinapay o pagkauhaw sa tubig,Kundi sa pagkarinig sa mga salita ni Jehova.+ 12  Magpapasuray-suray sila mula sa isang dagat papunta sa isa pang dagat,At mula sa hilaga hanggang sa silangan.* Magpaparoo’t parito sila sa paghahanap sa salita ni Jehova, pero hindi nila ito makikita. 13  Sa araw na iyon, hihimatayin ang magagandang dalaga,Pati ang mga binata, dahil sa pagkauhaw; 14  Ang mga sumusumpa sa pamamagitan ng kasalanan* ng Samaria+ at nagsasabi,“Sa ngalan ng iyong buháy na diyos, O Dan!”+ At, “sa ngalan ng buháy na daan ng Beer-sheba!”+ Mabubuwal sila at hindi na muling babangon pa.’”+

Talababa

Tingnan ang Ap. B14.
Tingnan ang Ap. B14.
O “lupa.”
O “Soberanong.”
O “sikatan ng araw.”
O “huwad na mga diyos.”