Amos 9:1-15

  • Hindi matatakasan ang hatol ng Diyos (1-10)

  • Itatayo ang kubol ni David (11-15)

9  Nakita ko si Jehova+ sa ibabaw ng altar, at sinabi niya: “Hampasin mo ang uluhan ng haligi, at uuga ang mga pundasyon. Putulin mo ang uluhan ng mga ito, at ang natitira sa mga tao ay papatayin ko sa pamamagitan ng espada. Walang sinuman sa kanila ang makalalayo o makatatakas.+   Kung huhukay sila papunta sa Libingan,*Mula roon ay kukunin sila ng kamay ko;At kung aakyat sila sa langit,Mula roon ay ibababa ko sila.   At kung magtatago sila sa taluktok ng Carmel,Hahanapin ko sila roon at kukunin.+ At kung magtatago sila sa pinakasahig ng dagat,Doon ay uutusan ko ang ahas na tuklawin sila.   At kung bibihagin sila ng kanilang mga kaaway,Uutusan ko roon ang espada, at papatayin sila nito;+Itititig ko sa kanila ang aking mga mata para sa kanilang ikasasama, at hindi sa ikabubuti.+   Dahil ang Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo, ang humihipo sa lupain,*Kaya iyon ay natutunaw,+ at ang lahat ng nakatira doon ay magdadalamhati;+At iyon ay tataas na gaya ng Nilo,At bababang gaya ng Nilo ng Ehipto.+   ‘Ang nagtatayo ng kaniyang hagdan sa langitAt ng kaniyang istraktura* sa ibabaw ng lupa;Ang tumatawag sa tubig ng dagatPara ibuhos iyon sa ibabaw ng lupa+—Jehova ang pangalan niya.’+   ‘Hindi ba kayo gaya ng mga anak ng mga Cusita sa paningin ko, O bayang Israel?’ ang sabi ni Jehova. ‘Hindi ba inilabas ko ang Israel mula sa lupain ng Ehipto,+Ang mga Filisteo mula sa Creta,+ at ang Sirya mula sa Kir?’+   ‘Ang mga mata ng Kataas-taasang Panginoong Jehova ay nasa makasalanang kaharian,At lilipulin niya iyon sa ibabaw ng lupa.+ Pero hindi ko lubusang lilipulin ang sambahayan ni Jacob,’+ ang sabi ni Jehova.   ‘Dahil mag-uutos ako,At yuyugyugin ko ang sambahayan ng Israel sa gitna ng lahat ng bansa,+Gaya ng pagyugyog sa panala,At walang isa mang maliit na bato ang malalaglag sa lupa. 10  Mamamatay sila sa espada, ang lahat ng makasalanan sa bayan ko,Ang mga nagsasabi, “Ang kapahamakan ay hindi lalapit o aabot sa atin.”’ 11  ‘Sa araw na iyon ay itatayo ko ang nakabuwal na kubol* ni David,+Kukumpunihin ko ang* mga butas,At ang nawasak na mga bahagi nito ay aayusin ko;Muli ko itong itatayo gaya noong unang panahon,+ 12  Para makuha nila ang natitira sa Edom,+At ang lahat ng bansa na tinatawag sa pangalan ko,’ ang sabi ni Jehova, na gumagawa nito. 13  ‘Darating ang panahon,’ ang sabi ni Jehova,‘Na aabutan ng nag-aararo ang nag-aani,At aabutan ng nagdadala ng binhi ang tumatapak sa ubas;+At tutulo mula sa mga bundok ang matamis na alak,+At dadaloy ito sa* lahat ng burol.+ 14  Titipunin kong muli ang mga nabihag sa bayan kong Israel,+At itatayo nilang muli ang abandonadong mga lunsod at titirhan ang mga ito;+Magtatanim sila ng ubas at iinumin ang alak na gawa roon,+At gagawa sila ng mga hardin at kakainin ang bunga ng mga ito.’+ 15  ‘Itatanim ko sila sa lupain nila,At hindi na sila muling bubunutinMula sa lupaing ibinigay ko sa kanila,’+ ang sabi ni Jehova na iyong Diyos.”

Talababa

O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O “lupa.”
O “pabilog na kisame.”
O “tolda.”
O “ang kanilang.”
Lit., “At matutunaw ang.”