Mga Awit 100:1-5

  • Magpasalamat sa Maylalang

    • “Maglingkod kayo nang masaya kay Jehova” (2)

    • ‘Ang Diyos ang gumawa sa atin’ (3)

Awit ng pasasalamat. 100  Buong lupa, humiyaw kayo kay Jehova dahil sa tagumpay.+   Maglingkod kayo nang masaya kay Jehova.+ Lumapit kayo sa harap niya at humiyaw sa kagalakan.   Alamin* ninyo na si Jehova ang Diyos.+ Siya ang gumawa sa atin, at tayo ay sa kaniya.*+ Tayo ang bayan niya at ang mga tupa sa pastulan niya.+   Pumasok kayo sa mga pintuang-daan niya at magpasalamat,+Sa mga looban niya at pumuri.+ Magpasalamat kayo sa kaniya; purihin ninyo ang pangalan niya.+   Dahil si Jehova ay mabuti;+Ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan,At ang katapatan niya ay mananatili sa lahat ng henerasyon.+

Talababa

O “Kilalanin.”
O posibleng “at hindi tayo.”