Mga Awit 11:1-7

  • “Kay Jehova ako nanganganlong”

    • “Si Jehova ay nasa kaniyang banal na templo” (4)

    • Napopoot ang Diyos sa sinumang mahilig sa karahasan (5)

Sa direktor. Awit ni David. 11  Kay Jehova ako nanganganlong.+ Kaya bakit ninyo sinasabi sa akin: “Tumakas kang gaya ng ibon sa bundok ninyo!   Inihahanda ng masasama ang búsog;Inilalagay nila sa bagting ang kanilang palasoPara panain mula sa kadiliman ang mga tapat ang puso.   Kapag nagiba ang mga pundasyon,*Ano ang magagawa ng matuwid?”   Si Jehova ay nasa kaniyang banal na templo.+ Ang trono ni Jehova ay nasa langit.+ Nakikita ng mga mata niya ang lahat; sinusuri ng mapagbantay* niyang mga mata ang mga anak ng tao.+   Sinusuri ni Jehova ang matuwid pati ang masama;+Napopoot siya sa sinumang mahilig sa karahasan.+   Magpapaulan siya ng bitag* sa masasama;Apoy at asupre*+ at nakapapasong hangin ang ilalagay sa kopa nila.   Dahil si Jehova ay matuwid;+ iniibig niya ang matuwid na mga gawa.+ Makikita ng mga tapat ang mukha niya.*+

Talababa

O “pundasyon ng katarungan.”
O “nagniningning.”
O posibleng “nagbabagang mga uling.”
Dito, ang salitang “asupre” ay tumutukoy sa isang uri ng bato na nag-aapoy.
O “Pagpapalain niya ang mga tapat.”