Mga Awit 113:1-9

  • Ang Diyos sa kaitaasan ay nagbabangon sa mga hamak

    • Pupurihin magpakailanman ang pangalan ni Jehova (2)

    • Yumuyuko ang Diyos (6)

113  Purihin si Jah!* Maghandog kayo ng papuri, kayong mga lingkod ni Jehova,Purihin ang pangalan ni Jehova.   Purihin nawa ang pangalan ni JehovaNgayon at magpakailanman.+   Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito,Purihin nawa ang pangalan ni Jehova.+   Si Jehova ay higit na mataas kaysa sa lahat ng bansa;+Mas mataas pa sa langit ang kaluwalhatian niya.+   Sino ang gaya ni Jehova na ating Diyos,+Na nakatira* sa kaitaasan?   Yumuyuko siya para tumingin sa langit at sa lupa,+   At ibinabangon niya ang hamak mula sa alabok. Hinahango niya ang dukha mula sa bunton ng abo*+   Para paupuin ito kasama ng mga prominenteng tao,Kasama ng mga prominenteng tao ng bayan niya.   Binibigyan niya ng tahanan ang babaeng baogBilang masayang ina ng kaniyang mga anak.*+ Purihin si Jah!*

Talababa

O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “nakaupo sa trono.”
O posibleng “mula sa tambakan ng basura.”
Lit., “anak na lalaki.”
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.