Mga Awit 12:1-8

  • Kikilos si Jehova

    • Dalisay ang salita ng Diyos (6)

Sa direktor; nakatono sa Seminit.* Awit ni David. 12  Iligtas mo ako, O Jehova, dahil ang mga tapat ay wala na;Naglaho na ang mga tapat sa sangkatauhan.   Nagsisinungaling sila sa isa’t isa;Nambobola sila* at nagsasalita nang may mapandayang puso.*+   Puputulin ni Jehova ang dilang nagyayabangAt ang mga labing nambobola.+   Pupuksain niya ang mga nagsasabi: “Magtatagumpay kami sa pamamagitan ng mga dila namin. Sasabihin ng mga labi namin ang gusto naming sabihin; Sino ang makapagdidikta sa amin?”+   “Dahil inaapi ang mahihina,Dahil nagbubuntonghininga ang mga dukha,+Kikilos ako,” ang sabi ni Jehova. “Ililigtas ko sila sa mga humahamak sa kanila.”   Ang mga salita ni Jehova ay dalisay;+Gaya ito ng pilak na dinalisay sa hurnong luwad,* nilinis nang pitong ulit.   Babantayan mo sila, O Jehova;+Poprotektahan mo ang bawat isa sa kanila magpakailanman mula sa henerasyong ito.   Ang masasama ay malayang gumagalaDahil itinataguyod ng mga anak ng tao ang kasamaan.+

Talababa

Tingnan sa Glosari.
Lit., “Nagsasalita sila nang may madulas na labi.”
Lit., “nang may isang puso at isang puso.”
O posibleng “tunawang hurno na nasa lupa.”