Mga Awit 121:1-8

  • Binabantayan ni Jehova ang bayan niya

    • “Si Jehova ang tumutulong sa akin” (2)

    • Hindi natutulog si Jehova (3, 4)

Awit ng Pag-akyat. 121  Tumingin ako sa mga bundok.+ Sino ang tutulong sa akin?   Si Jehova ang tumutulong sa akin,+Ang Maylikha ng langit at lupa.   Hindi niya hahayaang madulas* ang paa mo.+ Ang nagbabantay sa iyo ay hindi aantukin.   Ang nagbabantay sa IsraelAy hindi aantukin o matutulog.+   Binabantayan ka ni Jehova. Si Jehova ang lilim,+ at siya ay nasa kanan mo.+   Hindi ka sasaktan ng araw kapag araw,+O ng buwan kapag gabi.+   Babantayan ka ni Jehova laban sa lahat ng kapahamakan.+ Babantayan niya ang buhay mo.+   Babantayan ka ni Jehova sa lahat ng ginagawa mo*Ngayon at magpakailanman.

Talababa

O “sumuray.”
Lit., “Babantayan ni Jehova ang paglabas at pagpasok mo.”