Mga Awit 131:1-3

  • Kontentong gaya ng batang inawat na sa pagsuso

    • Hindi naghahangad ng napakadakilang mga bagay (1)

Awit ng Pag-akyat. Awit ni David. 131  O Jehova, ang puso ko ay hindi mapagmataas;+Ang mga mata ko ay hindi mayabang;Hindi ako naghahangad ng mga bagay na napakadakila,+O ng mga bagay na hindi ko maaabot.   Sa halip, pinayapa ko ang kalooban* ko+Gaya ng batang inawat na sa pagsuso at nasa piling ng kaniyang ina;Kontento akong gaya ng batang inawat na sa pagsuso.   Maghintay nawa ang Israel kay Jehova+Ngayon at magpakailanman.

Talababa

O “sarili.”