Mga Awit 136:1-26

  • Ang tapat na pag-ibig ni Jehova ay walang hanggan

    • Mahusay ang pagkakagawa sa langit at lupa (5, 6)

    • Namatay ang Paraon sa Dagat na Pula (15)

    • Inaalaala ng Diyos ang mga nalugmok (23)

    • Pagkain para sa lahat ng nabubuhay (25)

136  Magpasalamat kayo kay Jehova, dahil siya ay mabuti;+Ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.+   Magpasalamat kayo sa Diyos ng mga diyos,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.   Magpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon,Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.   Siya lang ang gumagawa ng lubhang kamangha-manghang mga bagay,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.+   Ginawa niya ang langit nang buong husay,*+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.   Inilatag niya ang lupa sa ibabaw ng tubig,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.   Ginawa niya ang malalaking tanglaw,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan,   Ang araw para maghari kapag araw,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan,   Ang buwan at mga bituin para maghari kapag gabi,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan. 10  Pinuksa niya ang mga panganay ng Ehipto,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan. 11  Inilabas niya ang Israel mula sa kanila,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan, 12  Sa pamamagitan ng malakas na kamay+ at makapangyarihang* bisig,Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan. 13  Hinati niya sa dalawa ang Dagat na Pula,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan. 14  Pinatawid niya ang Israel sa gitna nito,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan. 15  Ipinalamon niya ang Paraon at ang hukbo nito sa Dagat na Pula,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan. 16  Ginabayan niya ang bayan niya sa ilang,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan. 17  Pumuksa siya ng makapangyarihang mga hari,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan. 18  Pumatay siya ng malalakas na hari,Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan, 19  Si Sihon+ na hari ng mga Amorita,Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan, 20  At si Og+ na hari ng Basan,Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan. 21  Ipinamana niya ang lupain nila,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan, 22  Ipinamana sa Israel na lingkod niya,Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan. 23  Inalaala niya tayo nang tayo ay lugmok,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.+ 24  Paulit-ulit niya tayong iniligtas sa ating mga kalaban,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan. 25  Binibigyan niya ng pagkain ang lahat ng nabubuhay,*+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan. 26  Magpasalamat kayo sa Diyos ng langit,Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.

Talababa

O “nang may unawa.”
Lit., “unat na.”
Lit., “laman.”