Mga Awit 137:1-9

  • Sa tabi ng mga ilog ng Babilonya

    • Hindi kinanta ang mga awit ng Sion (3, 4)

    • Wawasakin ang Babilonya (8)

137  Sa tabi ng mga ilog ng Babilonya,+ doon kami umupo. Napaiyak kami nang maalaala namin ang Sion.+   Sa mga punong alamo sa gitna niya,*Isinabit namin ang aming mga alpa.+   Dahil doon ay pinaaawit kami ng mga bumihag sa amin,+Gusto ng mga humahamak sa amin ng katuwaan: “Kantahan ninyo kami ng isa sa mga awit ng Sion.”   Paano namin makakanta ang awit kay JehovaSa banyagang lupain?   Kung kalilimutan kita, O Jerusalem,Maging malilimutin* na sana ang kanang kamay ko.+   Dumikit sana sa ngalangala ko ang aking dilaKung hindi kita aalalahanin,Kung hindi ko ituturing ang JerusalemNa nakahihigit pa sa mga bagay na nagbibigay sa akin ng malaking kagalakan.+   Alalahanin mo, O Jehova,Ang sinabi ng mga Edomita noong araw na bumagsak ang Jerusalem: “Gibain iyon! Gibain pati ang mga pundasyon!”+   O anak na babae ng Babilonya, na malapit nang mawasak,+Magiging maligaya ang gaganti sa iyoNg pakikitungo na ginawa mo sa amin.+   Magiging maligaya ang susunggab sa mga anak moAt maghahampas sa kanila sa mga bato.+

Talababa

Tumutukoy sa Babilonya.
O posibleng “Matuyot.”